PART 7: Alone

34 6 0
                                    

THIRD PERSON

I hear the ticking of the clock
I'm lying here the room's pitch dark
I wonder where you are tonight
No answer on the telephone
And the night goes by so very slow
Oh I hope that I won't end though
Alone

Till now I always got by on my own
I never really cared until I met you
And now it chills me to the bone
How do I get you alone
How do i get you alone

You don't know how long I have wanted
To touch your lips and hold you tight
You don't know how long I have waited
And I was gonna tell you tonight
But the secret is still my own
And my love for you is still unknown
Alone

"DO you know that it's been 7 years, 8 months, 23 nights mo ng pinakikinggan ang kantang yan? Buti na lang digital copy na. Kung hindi eh baka parang sirang plaka na ang tunog ng kantang yan. Walang gabi ang lumipas na hindi ko naririnig na pinakikinggan mo yan." Inabutan ko na naman siyang nagmumukmok sa kwarto niya. Na akala mo ba ay katapusan na palagi ng mundo. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo ba pinahihirapan ang sarili mo gayong halos abot kamay mo na lang naman siya. Please open the door." Mahinang katok ko pa.

"Please, I just want to be alone." Bakas na bakas sa mga boses nito na halos ilang oras na siyang nag-iiyak.

"I really hope it will be the last night na maririnig ko ang mga kantang iyan at ang mga bakas ng lungkot sa boses mo tuwing kausap kita. You need to rest. it's the big day tomorrow." Pahayag ko pa dito.

"I'm so scared!" Iyon na lang ang narinig ko mula sa kanya at nabalot ng katahimikan ang loob ng kwarto .


"Sige na Gabrielle, huwag ng matigas ang ulo mo. Lumabas ka at humingi ng tulong. "

"Hindi kita iiwan Ambe." Walang tigil ito sa kakaiyak at hawak-hawak ang kanyang mga kamay. "Tara na, tutulungan kita." Wika pa nito at pilit na tumayo at papalapit sana ito para tulungan siyang higitin ang naipit nitong mga paa ng biglang may makapal na usok ang kumalat.

"Lumabas ka na, humingi ka tulong." Pagtutulakan nito dito.

"Pareho lang tayong mapapahamak kung pipilitin mo akong tulungan. Hindi mo ako kakayanin." Patuloy ito sa kakaiyak. "G, makinig ka sa akin." Mahinahon pa ring wika nito sa kanya at pinapahid ang mga luha sa mukha nito. "Kahit na anong mangyari huwag na huwag mong kakalimutan na hinding-hindi kita iiwan ok. Kaya lumabas ka na at humingi ng tulong."

"O-okay" humihikbing sagot lang nito. "Ito hawakan mo ito." May iniabot pa ito sa kanya bago tuluyang tumayo.

"Pero sayo 'to Gabi."

"Kaya babalikan ko yan sayo. Hawakan mo lang at hihingi ako ng tulong." Tumayo na ito at patalikod naglalad ng humihikbi.

"Tulong! Tulong!"Malakas na sigaw nito habang patuloy sa pag-iyak.


"Sana iniwan mo na lang din ako dun." Ang mahinang tinig nito ang nagbalik sa akin sa hinaharap.

"Ilang...."

"Please I just want to be alone!" Pinutol nito ang mga sasabihin ko.

"Okay." matipid kong sagot dito. "I will see you tomorrow." Dugsong ko pa at tuluyan ko na nga siyang iniwan sa loob ng kwartong kinatatayuan ko.


"NAKAHANDA ka na ba?"

"Hindi ko alam."

"What do you mean, hindi mo alam?" Tanong ko ulet at nilapitan ko ito na nakatayo sa harap ng salamin at tinulungan ko itong ayusin ang kanyang mask. "Napakatagal mong pinaghandaan ang lahat ng ito."

"Paano kung magalit siya sa akin? Paano kung hindi niya na ako kilala? Paano kung...

"Puro ka paano kung paano." Biglang putol ko sa mga sinasabi nito. "Paano mo nga malalaman kung mababahag na naman yang buntot mo?"

"Pero paano si Angge?" Tanong pa rin nito.

"Paano na naman? Ano ka ba naman?

"Baka kasi lalong maging kumplekado ang lahat kung makikita nila ako." Halatang halata sa mga boses nito ang pag-aalala.

"Halos walong taon ang nakalipas pero para saan nga ba ang lahat ng ito?"Dugsong pa nito.

"Come on, Amber! Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin sigurado sa kung ano nga ba ang nararamdaman mo?"

"Ano nga ba kasi talaga ito?"Hindi ko naman kasi talaga inaasahan ang mga mangyayari ng pumunta ako dun sa ampunan na iyon.


"OKAY ka lang ba?" Patakbo itong lumapit sa batang nahulog sa monkey bars. "Naku may sugat ka." Patuloy lang sa pag-iyak ang bata at ayaw magsalita. "Ano ba kasing ginagawa mo?" Inalalayan pa nitong tumayo ito at inupo sa may swing. "Tahan na." utos pabito sabay punas sa mga luha sa pisngi nito.

"Gusto ko lang kasi pigilan ang pagpatak ng luha ko." Humihikbi pa nitong sagot.

"Paano mo naman mapipigilang pumatak ang mga yan, eh iyan nga at tulo ng tulo." Nakangiting pinunasan ulet nito ang mga luha ng bata.

"Kasi kung nakabaliktad ako hindi na siya tutulo."

"Bakit mo ba kasi pipigilan ang luha mo? Nalulungkot ka ba?" Magkakasunod na tanong nito.

"Iiwan na kasi ako ni Angge eh." Humihikbi pa rin ito

"Sino si Angge?" Patatanong pa rin nito habang dahan dahang tinutulak ang swing.

"Bestfriend ko." Napaka inosenteng sagot pa nito.

"Saan ba siya pupunta?"

"May aampon na kasi sa kanya." Mejo tumahan na rin naman ito.

"Dapat nga masaya ka kasi pagkakaroon na ng pamilya ang bestfriend mo."

"Masaya naman ako, kaso wala na akong kakampi." Muling tumulo ang mga luha nito.

"Sshhh!!! Tahan na." Lumuhod ito sa harap nito at hinawakan ang mga pisngi. "Tahan na." Muling sambit pa nito dito. "Ako, ako na ang magiging kakampi mo." Nakangiting sabi pa nito dito at niyakap siya ng mahigpit.

"Masaya akong nakilala kita." Narinig kong bulong nito.

"Masaya rin ako at nakilala kita." Tugon nito dito. "Mula ngayon ako na ang bago mong kakampi, okey?" Bimitiw na ito sa kanyang pagkakaakap. "Kaya huwag ka ng malungkot." Dugtong ko pa at hinalikan niya ito sa noo.

Hindi ko alam kung anong ang nasaksihan ko ng araw na iyon pero ramdam ko at kitang-kita ko sa pareho nilang mga mata mayroong kakaiba sa kanilang pag-uusap at pagtitinginan. Kung alam ko lang na magigin ganito kakomplikado ang lahat hindi na ako pumayag sa plano nitong paghahanap sa kanyang kapatid.

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon