AMBE
"MUKHANG kinailangan ko pa talagang maghintay ng walong taon para magkalakas ng loob na sundan ka matapos ang mga nangyari ha." Dahan-dahang akong papalapit sa kanyang kinauupuan. At agad naman siyang napatingala at agad na nagsalubong ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang labis niyang pagkabigla.
"Ambe?" Mahinang sambit nito at diretso lang ang tingin sa mga mata ko habang patayo sa kanyang kinauupuan at dahan-dahan akong sinalubong.
"Hello Gabi!" Nakangiting bati ko dito at dahan dahan kong tinanggal ang suot kong maskara. Nagtila isa itong istatwa na hindi na nakagalaw sa kanyang kinatatayuan ng tuluyan ko ng matanggal ang aking maskara. Patuloy lang ako sa aking paglakad hanggang sa halos marinig ko na ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at maramdaman ang mainit niyang hininga habang tinatanggal ko ang nakasuot na maskara sa kanyang mukha. Inilaglag ko lang ito sa sahig at saka hinawakan ang kanyang mga pisngi. "How are you G?" Titig na titig pa rin siya sa mga mata ko. "I miss you so much!" Sambit ko dito at hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito. Yung halik na talagang lumapat ang mga labi ko sa malambot niyang mga pisngi. Saka ko siya yinakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ng halos ilang minuto ko na rin siyang yakap pero tila istatwa pa rin siya na walang pakiramdam. Akmang kakalas na sana ako sa pagkakayakap ko ng bigla niyang inangat ang kanyang mga kamay at saka ko naramdaman ang napakahigpit niyang mga yakap at unti-unting marinig ang kanyang paghikbi. "Sshhhh!" Himas ko sa likuran nito. "It's all good baby! It's all good!" Saka ko sinuklian ang mahigpit niyang mga yakap.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyong iyon. Ang alam ko lang. It feels so good! Ramdam na ramdam ko sa buong katawan ko ang init ng mga yakap niya at parang kahapon lang ng huli ko itong naramdaman. I didn't realized how much I needed it until now. Ayaw ko ng matapos ang mga sandaling ito ng biglang...
"Gab are you okay?" Pareho kaming nagulat sa malakas na kalabog ng pinto at sabay kaming napatingin sa pumasok na si Angge. Bakas din sa mukha nito ang labis na pagkagulat.
"Hello Angge!" Ako na ang bumasag sa katahimikan at nakangiti ko siyang binati.
"Okay ka lang?" Tila wala itong narinig at mabilis na nilapitan ang umaiyak pa rin na si Gabrielle. "Anong ginawa mo sa kanya?" Baling nito sa akin. "Sino ka ba?" Kasunod na tanong pa nito.
"Let's go home!" Garalgal na pagkakasabi ni Gabi at nagsimula na itong humakbang.
"Gabi wait!" Mabilis kong nahawakan ang kamay nito na agad naman niyang tinagnan. "Can we talk?" Tanong ko pa dito at magkahawak pa rin ang mga kamay namin.
"I wanted to Ambe. Pero hindi ko alam kong maniniwala ba ako na nangyayari nga ito! Na ikaw nga yang kaharap ko at hindi lang itong isang magandang panaginip." Mahinahong wika nito na bakas na bakas sa kanyang mga boses at mata ang labis na lungkot kahit na ngumiti pa ito.
"I'm real Gabi!" Mabilis kong sagot dito at kinuha ko pa ang kabilang kamay nito at ngayon magkaharap na ulet kami. "Please stay!" Pakiusap ko pa dito.
"I wanted to, but i can't."
"Please!" Pakiusap ko pa dito at hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko.
"Maybe in time!" Narinig ko na lang na sabi nito matapos punasan ang pumatak kong luha at saka tuluyang tumalikod at unting-unti ito nawala sa paningin ko habang ako ang naiwang tila isang istatwang bato na hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan.
"GABIIII!" Nagising ako sa sarili kong sigaw. Nilinga linga ko ang paligid ko at sa bawat kilos ko ay ramdam ko ang bawat kirot ng bahagi ng katawan ko.
"Thanks God you're awake." Narinig kong sabi ni Daddy na patakbo na sana palabas at tatawagin ang doktor pero agad kong nahawakan ang kamay nito.
"Anong nangyari? Nasaan si Gabi?" Magkasunod kong tanong dito.
"Relax sweetheart! Makakasama sayo ang magkikilos.
"I need to see Gabi!" Sigaw ko at akmang tatayo sana ako." Pero napatigil ako ng hindi ko maramdaman ang mga paa ko. "I can't feel my legs! Dad what happened? I can't feel my legs!" Nagpupumiglas na ako sa pagkakahawak nito at hindi na ako nagkaroon pa ng chance na magtanong muli ng agad na nagdatingan ang mga doktor at nurse sa tabi ko. Matapos lang ang ilang minuto ay muli kong naramdaman na bumibigat na naman ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
"AMBER please talk to me." Malayo ang aking tingin. Wala akong nakikita sa bintang iyon kundi ang napakaputing kapaligiran lamang. Akap-akap ko ang sarili ko dahil ramdam na ramdam ko ang lamig ng kapaligan na nababalot ng napakaraming snow.
After ko magising muli sa ospital na iyon ay wala kong choice kung hindi ang sumama kay Daddy dito sa America para tuluyang magpagaling. Halos ilang taon din akong nagtheraphy para tuluyang makalakad ng maayos. Nadurog ang mga buto sa binti ko ng madaganan ito sa aksidente. Napakaraming taon ang lumipas na wala akong nagawa kundi ibaon ang nakaraan.
"How could you Dad!?" Bakas ang galit sa mga salita ko.
"How did you know?" Balik tanong lang nito sa akin.
"I found this in your office." Inabot ko dito ang hawak kong litrato. Agad niya itong tinignan. Picture ito ng batang si Gabi at Angge.
"I'm so sorry sweetheart." Agad akong inakap nito.
"NASABI mo na ba kay Gab?" Tulala akong naglalakad ng makasalubong ko si Olga. Umiling lang ako sa kanya. "Anong nangyari?"
"I can't tell her."
"Why?"
"Isang malaking pagkakamali at kasalanan ang mga nangyari sa aming dalawa. Hindi ko siya pwedeng mahalin gaya ng nararamdaman at iniisip ko.
"Ano ka ba? Hindi mo naman sinasadyang mahalikan siya 'no. Kaya kailangan mo siyang kausapin. Baka magulahan lang din yung bata."
"I can't." Matipid kong sagot.
"Hindi kita maintindihan. Parang kahapon lang ipinaggpipilitan mo sa akin na mahal siya tapos ngayon sasabihin mo sa akin na you can't. Don't give me your dumb excuses na she is so young."
"It's her!" Nasabi ko na lang sa kanya.
"What do you mean?"
"The kid in the picture."
"Your half sister?"
BINABASA MO ANG
Upside Down
RomanceTotoong bilog ang mundo. Pero hindi tulad ng iniisip ng lahat na "Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim". Kundi gaano man kabilog ang mundo, ang mga tao sa labas nito ay patuloy lang din sa pag-ikot. Kahit na magkalayo ay muling magkakatagpo ang ba...