PART 3: Dress

58 6 0
                                    

ANGGE

HANGGANG ngayon hindi mawala sa isip ko ang naging reaksyon ni Gab sa envelop na natanggap niya at kung ano nga ba ang magiging sagot niya sa tanong ko. "Relax Angge, dont think too much." Mahinang wika ko pa sa sarili ko. "For now, just stick with the plan." Pabalik balik lang ako ng lakad sa harap ng lamesa.

"A. M. invited me on A Masquerade Party." Napakacasual na pagkakasabi ni Gab sa akin ng papalabas n kami ng gate ng school.
  
"A. M. ?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hoy, Angge malala ka na. Kinakausap mo na pati sarili mo."

"Ay demonyo!" Nagulat ako bigla kay Gab na tinapik ako sa balikat.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Ewan ko sayo." Tinalikuran ko lang ito at naupo ako sa bakanteng upuan.

"Angge naman, kausapin mo na ako." Naupo ito sa tabing bakanteng upuan.

"Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko sayo, tapos parang mas kinu-consider mo pa ang imbitasyon na yun."

"Paano mo naman naisip na I'm considering it?"

"Kalahating oras tayong naglalakad pauwi at kalahating oras mo ring bukang bibig kung kanino nga ba nanggaling ang invitation na yon at kung sino nga ba ang A. M. na iyon?"

"Baket ikaw ba hindi man lang napapaisip kung kanino galing yon? At isa pa kung hindi ko lang nakita yung reaksyon mong hanggang Mars, ang iisipin ko ikaw ang A. M. na iyon at isa ito sa mga pakulo mo."

"Ako talaga?" Panlalaki ng mga mata ko dito. "Isa pa wala akong pakiaalam kung kanino galing yun at hindi ako yung tipong paikot ikot pa. Direct akong magtanong alam mo yun!" Pagdidiinan ko pa.

"Pero Angge...

"See, pinag-iisipan mo nga." Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya. "Gab naman, ilang linggo na akong naghihintay sa sagot mo tapos ito? Ni hindi mo nga sure kung sino ang taong yan eh." Medyo tumataas na ang boses ko.

"Baket ka ba nagagalit?"

"Hindi mo talaga alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Naku Gab, ewan ko sayo! Diyan ka na nga!" Tumayo na ako at padabog na itinulak ang upuan. Mabilis akong tumakbo patungo sa kwarto namin at umasa akong susundan niya pero hanggang asa na lang talaga ako palagi pagdating sa kanya.

    
Hindi nalalayo ang edad namin ni Gab at halos sabay na kaming lumaki sa ampunan. Naging sobrang lungkot ko ng mas nauna na naman siyang naampon sa akin sa pangatlong pagkakataon. Kaya lahat ng kalokohang pumasok sa isip ko ay ginawa ko para lang makabalik sa ampunan.

Mga bata pa kami alam ko ng iba ang nararamdaman ko sa kanya. Nung una ang buong akala ko dahil nga halos sabay na kaming lumaki at baka dahil lang magkapatid na ang aming turingan at iyon din ang kinagisnan naming turo ng mga namamahala sa ampunan. Madalas pinapangaral sa amin na kailangan naming mahalin ang isa't isa na parang magkakapatid. Pero ng dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagulo ang inosente kong pag-iisip.


"Are you out of your mind?" Pabulong na tanong ng isang babae sa isa pang babae sa likod ng puno. May kadiliman kaya hindi ko maaninag kung sino ang mga ito.
    
"I think love her and you can't do anything about it!" Mataas din ang tono ng isa pang babae.
    
"For God sake! She's only 10!"
   
"I'm not doing anything wrong."

"I love you too!"
         
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Pero mas lumaki pa ito sa nakita kong kasunod na nangyari.
   
"Olga! What are you doing?" Tinulak ito ng isang babae matapos siyang biglang halikan sa mga labi.

Aware naman ako tungkol sa mga magkakarelasyong babae sa babae o lalaki sa lalaki. Pero iba ang naramdaman ko ng marinig silang nag-uusap at may kakaiba rin akong naramdaman ng makita kong maglapat ang kanilang mga labi. Matapos ang gabing iyon ay mas lalong naging malikot ang pag-iisip ko at lahat ng pagreresearch ay ginawa ko. Hindi ko alam kung nakatulong ba ang pagiging malapit namin ni Gab sa isa't isa o mas lalo lang akong naguluhan. Pero ngayon maliwanag na sa akin ang lahat. Hindi lang parang kapatid ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

TOK-TOK

"Angge, please mag-usap naman na tayo oh." Kasunod ng katok na yon ay ang boses ni Gab ang narinig ko.

"Aaahh!" Pabulong na sigaw ko sa akap kong unan. Dahil kahit na ayaw ko siyang kausapin ay iba ang kusa kong ginagawa. "Ano? Pipilitin mo na naman akong sumama sayo?" Tanong ko agad sa kanya ng pagbuksan ko na siya ng pinto. "Oh, ano naman yang bitbit mo?" Umagaw ng atensyon ko ang malaking kahon na bitbit nito.

"May nagpadala daw para sa atin." Pumasok agad ito at ipinatong sa ang kama dalang kahon.

"Here's the card." Taas nito sa card na nakadikit dito.

Agad kong inagaw ito sa kanya at mabilis na binuksan.

"Alam ko babagay sa
inyo ni Angge ang mga
damit na ito."

Till Now & Then
A. M.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon