PART 11: First Kiss

39 6 3
                                    

GABRIELLE

"I'M SORRY G!" Parang echo na umalingawngaw sa tenga ko ang salitang narinig ko at kusang tumaas ang kamay ko ng iabot niya ang pinulot na wallet kong nahulog. It feels like the world have stop spinning for a while when our eyes met. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Hindi-hindi ako pwedeng magkamali. Hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang mga matang iyon kahit pa nasa likod ito ng maskara. "Ambe!" Nasambit ko na lang at sinundan siya ng tingin.

"GAB ok ka lang?" Natauhan ako sa boses na iyon ni Angge habang sumasayaw kami sa gitna ng dance floor.

"Ha? Yeah! Yeah!" Nauutal kong sagot dito at nilinga-linga ko pa ang ulo ko na tila may hinahanap.

"Parang kanina ka pang wala sa sarili mo ha!" Kunot noong tanong pa nito.

"What do you mean?" Patay malisya kong binalik ang tanong sa kanya at saka ako mgumiti.

"Come on, Gab, hindi mo ko maloloko." Seryosong wika nito at mas hinigit pa niya ako papalapit sa kanya. Halos wala na talagang space between our bodies and our faces are only an inches away. "Alam kong may gumugulo sa isip mo mula kaninang pumasok tayo dito. And I heard you." Dugsong pa nito.

"You heard me what?" Nakakunot noong tanong ko.

"You mentioned "Ambe"!" Pagdidiin pa nito sa pangalan na 'yun. "Are you still hoping ba na nandiyan lang siya? Na babalikan ka pa rin niya? We both know na imposible di ba?" Pahayag nito. Please Gab, give me a chance." Sumeryoso ang mukha nito saka nilipat ang kanyang mga kamay mula sa bewang ko paakyat sa balikat ko saka ito pinulupot sa leeg ko at pinagdikit ang aming mga noo. " Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib at mabilis na paghinga. "I love you Gabrielle." Hindi ko inaasahan ang kasunod niyang ginawa at napapikit na lang ang aking mga mata. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko alam kung tumugon ba ako sa kanyang mga halik.
"Gab wait!" Narinig ko na lang na sigaw niya ng bigla akong tumakbo.

Lutang ang isip ko sa mga nangyari at patuloy lang ako sa pagtakbo. Halos di ko matandaan kung sinundan ba ako ni Angge. Pakiramdam ko pa ay parang napuno ng katahimikan ang paligid. Ang nais ko na lang ay ang biglang maglaho at huwag ng maalala kung anuman ang mga nangyari. Nakakita ako ng bukas na kwarto at mabilis na pumasok. Nilock ko agad ang pinto at saka ako nagpadausdos paupo.

"Gab!" Narinig ko agad ang boses ni Angge papalapit sa kung saan ako naroon. "Gabrielle please pag-usapan natin 'to?" Dugtong pa nito kasabay ang pagkatok sa pinto.

"Please Angge hayaan mo na muna akong mag-isa." Mahinang tugon ko dito at tinakpan ko pa ang aking mukha saka yumuko sa aking mga tubod. Hindi ko na namalayan na nasundan pala niya ako.

"Ok, dito lang ako." Mahinang sagot din nito. "Maghihintay lang ako dito hanggang sa maging ready ka ng kausapin ako." Dugtong pa nito at narinig ko na padausdus din itong naupo sa kabilang side ng pinto.

Sa mga nangyari hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Hindi naman ako manhid at alam kong seryoso si Angge sa kanyang nararamdaman. Mahal ko rin naman siya pero hindi ako sigurado kung magkapareho nga ba ang aming nararamdaman. Isa lang ang malinaw sa akin sa ngayon. Bakit parang pakiramdam ko mas naging malinaw ang pakiramdam ko nung unang nangyari ang ganitong sitwasyon.

"BAKET mag-isa ka na naman yata diyan?" Nilapitan ako ni Ambe habang pinapanood ko lang ang mga bata na masasayang nagsisisayaw sa party hall ng aming ampunan. It's was our yearly valentines party. "Ayaw mo bang makisaya sa kanila?" Kasunod na tanong pa nito at naupo sa tabi ko.

"Hindi naman kasi ako marunong sumayaw." Simpleng sagot ko lang dito.

"Tara akong bahala sayo." Mabilis itong tumayo at hinawakan ang kamay ko saka ako hinigit sa gitna. Wala naman akong nagawa kundi ang magpatangay na lang sa kanya. "Madali lang yan." Nakangiting wika pa nito ng nasa gitna na kami. Hawak pa rin niya ang kamay ko. "Gayahin mo ako. Okey?" Agad namang akong nanghinayang ng bitawan na niya ito at saka pinakita ang step ng sayaw.

"Ganito?" Gaya ko sa kanya pero pakiramdam ko ay para akong robot na di susi sa tigas ng mga galaw ko.

"Hmmm!!! Parang kailangan yata nating magpakulo ng tubig ah." Nangingiting wika ni Ambe at napapailing pa.

"Ha! Para saan?" Inosenteng tanong ko sa kanya.

"Para kasing kailangan nating pakuluan yang mga buto-buto mo para lumambot." Natatawang pahayag pa nito.

"Hmp! Ayaw ko na nga!" Agad naman akong tumalikod at tatakbong papalayo sa nasa ako.

"Hoy! Joke lang!" Agad naman akong hinigit nito at dahil na rin sa sobrang gulo ng mga batang nagsisisayaw sa paligid namin ay naout of balance kaming pareho at sabay kaming natumba sa sahig. Pahigang natumba si Ambe at bumagsak naman ako sa ibabaw niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari at bagsak ko ay di inaasahang nagdikit ang aming mga labi.

"Oooyyy!!!" Malakas na sigawan ng mga bata at mabilis naman akong tumayo at mabilis na tumakbo papalayo.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa aking pagtakbo o may iba pa itong dahilan. Hindi mawala sa isip ko ang posisyon naming dalawa sa sahig at pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ng mapadikit ang labi ko sa napakakambot niyang labi. Gulong-gulo ako sa nararamdaman ko. Parang ang init ng buong mukha ko. Hindi ko alam kung gawa lang ba ito ng hiyang nararamdaman ko sa mga batang nandoon o may iba pa itong dahilan.

I think mas malinaw sa akin ngayon kung ano ang dahilan ng kabang naramdaman ko noon. Hindi ba dapat ito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ba dapat mas iniisip ko ang mga halik ni Angge kaysa sa halik ng nakaraan?

"MUKHANG kinailangan ko pa talagang maghintay ng walong taon para magkalakas ng loob na sundan ka matapos ang mga nangyari ha." Isang napakapamilyar na boses ang naging dahilan ng pagtingala ko sa taong papalapit sa kinauupuan ko. Kahit pa natatakpan pa rin ng maskarang iyon ang kanya mga mukha ay kitang kita ang mga matang iyon na kahit kailan ay hinding-hindi ko malilimutan.

"Ambe?" I automatically asked her at dahan dahan akong tumayo. Diretso pa rin ang tingin ko sa kanyang mga mata habang papalapit ako sa kanya.

"Hello Gabi!" Nakangiting bati nito at kasabay ang pagtanggal ng kanyang maskara.

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon