GABRIELLE
If you're lost you can look and you will find me
If you fall, I will catch you, i will be waiting
Time after time
HER voice was my next favorite thing about her.As usual, nagmumukmok na naman ako sa ilalim ng hagdan ng marinig ko ang mala angel na boses ni Ambe na kumakanta at naupo sa tabi ko. Ako naman ay mas sumiksik pa sa sulok at akap akap ang aking mga tuhod at nakayuko lang.
"Di ba sabi ko sayo, lagi mong tatandaan ang kantang iyan kapag nalulungkot ka." Wika pa nito na iniangat ang aking mga ulo.
"Eh hindi ko naman makabisado ang kantang yan eh. English pa." Mahina ko lang na sagot at siya naman ang napangiti.
"Sabi ko nga!" Sambit pa nito. "Baket ba kasi nagtatago ka na naman dito? Inaaway ka naman ba ng mga bata?
"Namimiss ko lang kasi Angge. Wala na akong kakampi." Malungkot ko pang pahayag dito.
"Anong tawag mo sa akin?" Tanong nito on a puppy face."Di ka naman lagi nag sstay dito eh. Saka for sure iiwan mo din ako."
"Look at me G." Gaya ng dati, hinawakan na naman nito ang dalawa kong pisngi na pakiramdam ko ay sobrang pula na naman at mainit sa pakiramdam dahil sa palayaw na binigay niya sa akin. "Aside sa song na sinabi ko sayong lagi mong tatandaan ay may ibibigay ako sayo." Dugtong pa nito at may kinuhang maliit na box sa bulsa niya at iniabot sa akin.
"Ano 'to?"
"Buksan mo.""Kuwintas?"
"Yap." Sagot nito at nag pop pa ang letter P sa pagkakasabi nito.
"Pero sayo ito."
"I know, at ngayon sayo na yan."
HANGGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa regalong natanggap ko. Halos mag-iisang oras ko na yatang tinititigan ang kwantis na ito sa mga palad ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang kulay ng kanyang mga mata. Ito ang sinabi niya sa akin na laging magpapaalala sa kanya sa akin. Lalo na kung nalulungkot ako o kung sakali mang magkahiwalay kami. "Siya nga kaya si A. M.?" Tanong ko pa sa isip ko. "Pero napakaimposible." Napapailing ko pang bulong.
Lying in my bed, I hear the clock tick and think of you
Caught up in circles
Confusion is nothing new
Flashback, warm nights
Almost left behind
Suitcase of memories
Time after
Sometimes you picture me
I'm walking too far ahead
You're calling to me, I can't hear
What you've said
Then you say, "go slow"
And I fall behind
The second hand unwinds
If you're lost you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I'll be waiting
Time after time"HINDI ka pa ba nabibingi sa kantang yan!?" Pasigaw na tanong ni Angge ng biglang pumasok sa kwarto. "At yang kwintas na yan feeling ko ilang minuto na lang ay matutunaw na sa kakatitig mo." Dugsong pa nito at naupo sa gilid ng kama ko. "Ano bang meron sa kwintas na yan? Kay A. M. din ba yan galing?" Magkasunod pang tanong nito at halata sa boses nito ang pagkainis.
"This time walang nakalagay sa card." Bumangon na ako at naupo sa tabi ni Angge. "Pero kaparehong-kapareho ito ng kwintas na binigay sa akin ni Ambe."
"Sorry kung wala ako sa tabi mo ng mga panahong iyon."
"Si Ambe ang naging kakampi ko ng mga panahong iyon. Siya ang naging taga pagtanggol ko sa mga nang aaway sa akin." Hindi ko na napigilan ang magbagsak ng mga luha ko.
"Andito na ko." Matipid na sagot ni Angge at pinahid ang pumatak kong mga luha sa pisngi. "Di ba nangako ako sayo na hinding-hindi ka na malulungkot."
"Hindi ko lang talaga mapigilan Angge. Pasensya ka na. Hanggang ngayon talaga hindi ko pa rin siya malimutan." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako at agad naman akong inakap ni Angge.
"Sshhh! Tahan na." Himas himas pa nito ang likod ko habang nakaakap na rin ako sa kanya. "Hindi pa rin ba ako sapat para sayo?" Naramdaman ko ang hinanakit sa mga salita ni Angge"
"Hindi naman sa ganun Angge." Kumalas na ako sa pagkakaakap ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Importante ka sa buhay ko at alam ko naman na sagot natin ang isa't-isa. Ikaw ang naging buhay ko ng inakala kong nawalan na rin ako ng buhay mula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Aminado naman ako na naging makasarili ako matapos ang araw na iyon dahil sa halos araw araw na ginawa ng Diyos ay wala akong ginawa kundi ang magmukmok lang ng magmukmok. Pero hindi mo ako sinukuan at halos sa araw-araw din na iyon ay hindi ka nagsawang damayan ako at pasahin ng naaayon sa iyong kakayahan. Hindi ka sumuko hanggang sa bumalik ang mga ngiti ko. Kaya huwag na huwag mong iisipin na hindi ka sapat. Dahil ang totoo ikaw ang bumuo ulet sa akin Angge. Ikaw ang muling nagbigay buhay sa akin. Hindi mo ako sinukuan sa panahong kahit ako ay sumusuko na." Pahayag ko dito at inakap ko ito ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Upside Down
RomanceTotoong bilog ang mundo. Pero hindi tulad ng iniisip ng lahat na "Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim". Kundi gaano man kabilog ang mundo, ang mga tao sa labas nito ay patuloy lang din sa pag-ikot. Kahit na magkalayo ay muling magkakatagpo ang ba...