PART 2: Invitation

48 5 1
                                    

GABRIELLE

"ANG aga mo yatang nagising?" Napaidtad ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga gamit ko sa bag ng marinig ako ang antok pang boses ni Angge at nilingon ko ito ng bahagya at nag-uunat pa ito sa kanyang kama.

"Nagulat naman ako sayo." Muli kong binalikan ang inaayos kong bag. "Bumangon ka na diyan at baka malate pa tayo sa school."

"Nakatulog ka ba?"

"Medyo"

"Siguro iniisip mo ako 'no?" Niyakap ako nito mula sa likuran ko at pinatong pa nito ang baba niya sa balikat ko.

"Mukhang nanaginip ka pa yata ah." Nangingiti kong tugon dito. "Sige na maligo ka na at ng magising ka." Tinulak ko na ito papunta sa banyo.

Makalipas lang ang ilang minuto at papalabas na kami ng mataas na gate ng ampunang tinitirhan namin.

"Napag-isipan mo na ba ang tanong ko sayo nung isang linggo?" Inakbayan ako ni Angge habang naglalakad kami.

Hindi naman kalayuan ang school na pinapasukan namin mula sa ampunan kaya para makatipid ay nilalakad lang namin ito. Araw-araw halos kalahating oras din ang nilalakad namin kahit na parte naman ng schoolarship namin ang pamasahe. Napagkasunduan kasi namin ni Angge na ang budget namin para sa pamasahe ay iipunin na lang namin para sa mga pangangailangan ng ibang bata sa ampunan.

Maaga akong naulila at ng magkaisip ako ay ang bahay ampunan na ang kinalakihan ko. Si Angge ang naging matalik kong kaibigan. Ay mali pala. Kasi para sa akin siya ang kakambal ko dahil mula ng magkaisip kami ay lagi na kaming magkadikit. Kung iniisip ninyo na bakit walang umampon sa amin gayong mga bata pa naman kami ng pumasok kami doon. Actually sabi nila tatlong beses daw akong naulila sa mga magulang. Wala pa akong isang taon ng makuha ako ng DSWD sa isang bahay kung saan nadatnang wala ng buhay ang aking ina at walang ibang kamag-anak. Makalipas lang ang ilang buwan ay may umampon sa akin at ayon sa kanila makalipas lang ang 2 taon ay namatay sa aksidente ang mga umampon sa akin kaya nabalik ulet ako sa ampunan. Ang pangatlong beses ay nahirapan na akong tanggapin dahil may isip na ako ng nakabalik ako sa ampunan at dahil sa pangatlong pagkakataong naulila ulet ako. Si Angge ang naging matalik kong kaibigan at tinuring na kapatid. Hindi rin siya pinalad sa unang umampon sa kanya kaya tinakasan niya ang mga ito. At isa pa sabi niya hindi niya ako kayang maiwan mag-isa. Kaya habang lumalaki kami ay nakiusap na lang kami sa mga namamahala sa ampunan na pagbubutihin namin ang pagtulong doon at hindi kami magiging pabigat wag lang ulet kaming isama sa mga ipapaampom. Hindi ko alam kung matatawag bang swerte na awa ng diyos ay wala na ngang nagbalak na ampunin ulet ako. Dahil na rin siguro sa record ko na namamatay ang mga umaampun sa akin. At si Angge naman laging nagiging pasaway kaya ibinabalik siya ng mga poster parents niya. Pero gaya ng pinangako namin ay naging masigasig kami sa aming pag-aaral kaya schoolar kami palagi ni Angge at kami ang tumutulong sa ampunan.

"HOY!" Alog ni Angge sa balikat ko. "Malalim na naman ang iniisip mo." Dugtong pa nito at nilingon ko lang siya ng bahagya.

"Kinakabahan lang ako para sa future natin." Seryosong sagot ko at napabuntong hininga pa ako.

"Ang lalim nun ah"

"Ikaw ba, hindi nag-aalala para sa college natin?" Patuloy lang kami sa paglalakad namin.

"Alam mo mas inaalala ko kung anong isasagot mo sa tanong ko sayo na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasagot." Bigla kaming huminto sa paglalakad at humarang pa ito sa harapan ko.

"Ah, eh, ano kasi eh." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Ah, eh, ano kasi eh." Panggagaya pa nito sa sinabi ko at tinalikuran na lang ako at mabilis na naglakad papalayo sa akin.

"Angge! Wait" habol ko pa dito. "Hoy, ano ba hintayin mo nga ako." Hinigit ko ang kamay nito ng maabutan ko siya.

"Hmp! Ewan ko sayo." Hinigit nito pabalik ang kamay niya at mabilis na naglakad papasok ng gate ng school.

"Angela Malibaran! Ano ba? Hintayin mo nga ako." Mabilis kong sunod dito. "Bakit ka ba nagmamadali?" Kasunod ng tanong ko ay ang malakas n pagtunog ng bell.

"Save by the bell." Nakangising lingon nito. "Let's go!" At ako naman ang hinigit nito.

"GABRIELLE, may nagpapaabot sayo." Seryoso akong nagsusulat ng kalabitin ako ng kaklase ko mula sa likuran ko at paglingon ko sa kanya ay may inabot itong envelop sa akin. "Kanino galing 'to?" Kunot noong tanong ko ng kunin ko ang envelop.

"May nagpaabot lang eh." Kibit balikat nito.

"Ok thanks." Matipid kong tugon dito. At bigla akong napatingin kay Angge pero nagpatay malisya itong hindi nakatingin sa akin.

"Miss Sy, is everything ok?" Inagaw ng atesyon ko ang pagtawag ng teacher namin.

"Yes Mam! Im sorry." Mabilis kong sinilid sa bag ang envelop at muling bumalik sa pagsusulat. Pero hindi mawala sa isip ko kung kanino ba galing ang envelop na yun. Kaya nga pagtunog na pagtunog ng bell ay agad akong lumabas at dumiretso sa CR.

"Kanino kaya ito galing?" Nilibot ko ang ulo ko sa paligid kung may nakatingin. Sininghot ko pa ito bago tingnan ulet dahil umaalingasaw ang bango nito. "Masquerade Ball?" Napapaisip kong basa at bigla akong may naalala.

"Miss Gabrielle Paula Sy, would you like to go on a Masquerade ball with me?"

"No! No! No! It's not..." napapailing kong sambit sa sarili ko habang binubuksan ang envelop. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Till Now & Then

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Till Now & Then... A. M." Malakas ko pang basa dito.

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon