PART 8: Behind The Mask

30 6 1
                                    

ANGGE

SOBRANG kinakabahan pa rin ako para sa gabing ito. This is it! Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang pinili ni Gab over that A.M. na nag-imbita sa kanya para sa Masquerade Party. Hindi ko alam kung bakit nga ba. Basta ang alam ko lang ang tagal kong hinintay ang gabing ito para makapagtapat na ng totoong nararamdaman ko sa kanya. Alam kong kapatid lang ang turing niya sa akin pero papatunayan ko sa kanya na lahat gagawin ko para lang maging karapatdapat sa pagmamahal niya.

"Wow Ate Angge ang ganda ganda mo naman po." Nakangiting pamumuri ng batang pumasok. "Bagay na bagay po sa inyo ang suot ninyong damit." Dugtong pa nito at nilapitan ako.

Hindi ko sinuot ang damit na binigay ng mistersong A.M. na iyon. I end up wearing just a simple blue gown with a matching mask.

"Para ka pong si Cinderella." Nanginginang pa ang mga mata nito sa pagpuri sa damit na para bang totoong prinsesa ang nasa harap niya.

"Naku Gemma, ikaw talaga pinagbobola mo pa ako." Tugon ko lang dito. "Sana lang pagtungtong ng alas dose eh maganda pa rin ako." Pagbibiro pa dito.

"Hindi po." Mabilis na sagot nito.

"Okay thank you." Ngiti ko lang dito at pinagpatuloy ko na ang naudlot kong pag-aayos. "Ang ate Gab mo ba nakita mo?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng banggitin ko ang pangalan nito.

"Naku opo! Ang ganda ganda po ni ate Gab." Hangang-hangang pagkakasabi nito.

"Talaga!" Halatang-halata sa mga boses ko ang pagkaexcite.

"Oyy si ate Angge, namumula." Panunukso pa nito.

"Ikaw, ang bata bata mo pa kung anu ano na agad yang iniisip mo." Nahihiyang wika ko pa dito. "Sige na lumabas ka na nga muna doon." Pagtutulakan ko pa dito palabas ng kwartong 'yon.

Muli akong humarap sa salamin at nilagay ang mask ko. Sana pagtanggal ko ng mask na ito ay maisabay ko na rin ang maskara ng nakaraan.

"ANGELA please come home. Ang tagal kitang hinanap tapos babalik ka lang din naman pala dito." Namumuo na ang mga luha sa mata nito at nilapitan ako. "Please anak bigyan mo pa ako ng chance." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang aking mga kamay.

"But Mom, I thought napag-usapan na po natin ito."

Nung huling pagkakataon na may umampon sa akin ay hindi lang pala isang buong pamilya ang madadatnan ko. Dahil hindi ko inaasahan na ang totoo ko palang pamilya ang makakasama ko. Naging masaya ako sa piling ng totoo kong pamilya hanggang sa mangyare ang aksidente.

"Pumayag akong bumalik ka dito at ipagawa ang lugar na ito pero nangako ka rin sa amin na babalik ka rin sa amin."

"May babalikan pa rin po ba ako Mom?" Unti-unti na ring namuo ang mga luha ko. "Ang buong akala ko magkakaroon na ako ng masaya at buong pamilya." Tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko. "Pero Mom, pahiram lang din naman po pala ang lahat."

TOK-TOK!!!

Ang malakas na katok ang nagbalik sa katinuan ko.

"Angge matagal ka pa ba diyan?" Bigla naman akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Gab sa likod ng pintong iyon. "Let's go malalate na tayo." Yaya pa nito

"Ok I'm coming! Masyado ka namang excited na makadate ako." Pagbibiro ko pa dito kahit na halos hihimatayin na yata ako sa sobrang kaba.

"It's not a DATE!" Pagdidiinan pa nito. "We're just two bestfriend going together at the Prom."

Hindi ako nakapagsalita pagkabukas ko ng pinto. Ang napakagandang mukha ni Gab ang bumulaga sa akin.
Ayaw ko mang aminin sa sarili ko ay talagang bagay na bagay talaga sa kanya ang damit na binigay sa kanya. Mas lalo pang lumabas ang maaliwalas niyang mukha na napakasimpleng make up lang sa pagkakaayos ng buhok niya. Pero biglang umagaw sa paningin ko ang suot suot niyang kwintas.

"Ano? Tititigan mo na lang ba ako? Hoy! Angge!" Kinaway kaway pa nito ang kanyang kamay sa harapan ko.

"Hindi ko alam si Natalie Portman pala ang kadate ko." Dinaan ko na lang muli sa biro ang pagkamangha ko sa kagandahan ng kaharap ko. Pero totoong hindi nalalayo ang kagandahan ni Gab kay dito.

"Naku Angge, okay na. Napapayag mo na ako sa Prom na ito."

"Shall we?" Nakangiting tanong ko pa dito at inalok ang braso ko para kapitan niya. Nakangiting sinabit naman nito ang kanyang mga kamay sa braso ko at sabay na kaming naglakad papalabas. "Napakaswerte ko talaga at nakapaganda ng kadate ko."

"It's not a date"

"Pagbigyan mo na naman ako." Dinadaan ko pa rin sa ngiti kahit na nasasaktan ako sa tuwing tinatanggi niya ako.

"Ok fine!"

"Ate Angge nandiyan na po sa labas ang sundo ninyo." Salubong sa amin ni Gemma na tumatakbo papalapit sa amin.

"Aba, may paride ka pa talaga ha." Nakangiting pagkakasabi pa nito na halatang nag-aasar. "Mukha talagang inubos mo na yata lahat ng ipon mo para lang maimpress ako ha."

Bigla ko namang naramdaman ang init sa mga mukha ko at pakiramdam ko ay mas mapula pa sa kamatis ang mga pisngi ko.

"Oy si Ate Angge, namumula." Pang-aasar pa ng batang iyon.

"Humirit ka pa. Sige na pumasok ka na doon." Tulak ko dito papalayo. "Saka hindi pa ko tumatawag ng sasakyan namin." Kunot noong dugsong ko pa.

"Ha? Kaninong sundo ang nasa labas?" Pagtatakang tanong din nito at sabay na ulet kaming naglalad papalabas.

Nadatnan namin sa labas ng aming gate ang nakaparadang itim na limousine at may nakatayong lalaki sa tabi nito na tila driver nito na may hawak pang mga corsage. Infairness maganda naman talaga ang hawak niyang white orchids corsage. Papalapit na sana kami ng may biglang lumabas sa sasakyan.

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon