Kabanata 21

133 15 8
                                    

#21 It Happened One Night

Ella's POV.

"Insan.." Tawag sa akin ng pinsan kong si Nicole na papalapit sa akin.

Umusug ako ng upo para makaupo sya sa tabi ko. "Oh. Insan.. upo ka." At nginitian ko sya.

Oo nga pala, nandito ako ngayon sa may veranda sa bahay namin. Nagpapahangin lang mag-isa, dahil na miss ko rin ang umupo dito. Dito kase ang paboreto kong upuan, dahil ang sarap ng hangin, kahit gabi na.

Umupo naman sya sa tabi ko. "Oy! Ikaw ha." Tinusuk nya ako sa tagiliran, gamit ang isang daliri nya.

"Ba-bakit insan?" Takha kong tanong. Nakatingin kase sya sa akin na naka ngisi.

"Ikaw talaga insan. Ang hilig mong mangulat anoh?." Si Nicole.

"Ha? Bakit insan? Hindi naman kita ginulat e?." Sabay kamot sa ulo ko. Hindi ko kase sya ma-gets eh.

"Haha. I mean bakit nag-asawa kana agad? Kase diba, sabi ko sayo? Na sabay tayo mag-asawa, e bakit ganun? Labo mo naman eh.." Sabay palo nya sa braso ko, pero mahina lang. Ganyan kase yan, pagnaiinis eh.

"Eh.." Paano ko ba sasabihin yon? *pout* .May usapan kase kami noon eh.. pagka tumuntong kami ng 20's above ay pwede na mag-asawa.. tss! Naalala ko na naman ang nangyari.. *pout* sa isang gabing naganap ay heto ako ngayon.. married forever na..

"Ok lang yan insan.. haha. Wag kang kabahan.. basta ba mabait at hindi ka lang sasaktan ng asawa mo. Ok na ako.. kung saan ka man masaya, abah! masaya ako para sayo insan.." Sabay tabik-tabik sa balikat ko.

Baka nagtaka ngayo anoh.. ipakilala ko sa inyo mga readers ang pinsan ko. Siya si Nicole Bergara, Colie for short. (Ka-Le) 17years old. Ladyboy po sya. Haha. Siya ang pinaka-close kong pinsan. Actually hindi naman talaga sya tomboy eh, nagkaganyan lang yan, dahil nasaktan sya sa first love niya. Sayang ang kagandahan, naging tomboy lang.. tss!

"Hihi. Salamat insan.." Akmang iha-hug ko sana sya ay umilag naman sya.

"Oops! Wag kang magkamali! Nakatingin ang asawa mo oh!." Sabay turo nya sa asawa ko na papalapit sa amin kasama ang kuya at papa ko. Nagtataka lang ako? Saan kaya sila nagpunta? Tanong sa isip ko.

"Baka magselos asawa mo, sa tingin ko, seloso yan eh." Sabay lagay ng kamay sa lamp nya.

"Pfft haha. Nakakatuwa haha." Ang asawa ko magseselos? At sa kanya pa? Hello! Pinsan tayo oy! Walang talo! "Haha." At nakitawa na rin sya. Iwan ko. Baka trip lang din nyang tumawa.

"Bwuhaha" Tawanan namin.

"Gabrella anak!." Tawag sa akin ni papa.

Napatigil naman ako sa katatawa. Bakit kaya?

"Bunsoy, tawa ba yan ng babae? Grabe ha. Para kayong mga babaeng tambay. Umayos ka ngah! Nandito asawa mo." Si kuya Gabriel.

Napatingin naman ako kay sungit. Nakangiti lang sya sa akin, pati din si papa.

"Ikaw Colie, wag mo ngang hawaan ang bunsoy ko sa pagtawa mo. Gagawin mo atang tomboy ang kapatid ko eh.. oh! Sya nga pala, hinanap kana ng daddy mo! Uwe kana daw." Si kuya. Amph. Excuse lang ha. Hindi naman binastos ni kuya si Nicole ah, ganyan talaga si kuya. Parang may galit kay Nicole eh, simula nung naging tomboy sya. Sanay na naman si colie sa kanya.

"Ah! Ganun ba kuya?? Haha. Sige insan, go go na ako ah." Sabay kamot sa ulo nya. Tumango lang ako bilang sagot. "Tito, salamat sa magandang hapunan." At ngumiti sya kay papa. "Tol, Xander. Ingat. See you later." Sabay tapik nya sa balikat nito at umalis na ng tuluyan.

It Happened One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon