Kabanata 6

168 15 0
                                    

#6- It Happened One Night


Ella's POV.

Here we are at The Philippine Academy the school of richer people,. Ako lang po dito ang hindi mayaman.. Well alam niyo na diba? "Hayy!! Ano bang buhay tong napasukan oh!!" Mahina kung sabi sa sarili ko.

Oo nga pala! Hindi kami magkasabay ni Xander the great sungit! Alam niyo nah!! Kadiri niyang kasama ako noh! Tig-iisa kaming tagasundo. Actually ako lang ang may sundo. Si Xander kasi may sariling sasakyan. Ang mga mayayaman nga naman..duh!! Ok lang naman sakin kung ituturing akong iba sa kanya, aasa ba naman ako? Wag nalang. I can manage myself naman.

"Hi bessy!!" Takbong papalapit sakin si Kim.
Kadadating lang din niya dito sa school.

"Hello bessy!" Bati ko din sa kanya.

"Sorry ha? Kanina ka pa ba dito?" Siya.

"Hindi naman.." Sagot ko naman.

"Sana sinundo nalang kita dun eh! Ikaw kasi eh!" Siya.

Hinintay ko talaga siya dito sa may tapat ng gate dito sa labas nang school, alam niyo na bago lang ako dito. Dapat sana sabay lang kami ni Kimberly dito ang kaso may sarili daw akong taga hatid at sundo. Si Xander kayang utos yan.. hindi man lang inisip na bago lang ako dito at wala pang kaibigan. Kaya nagtext nalang ako kay Kim para hintayin ko siya dito.

"Ok lang bessy, so tara nah!" Masigla kong sabi kay Kim.

"Ok! Mamaya pag-lunch sama ka sakin ha?" Si Kim.

"Oo naman bessy." Ako.

At sumakay na kami sa elevetor. Yes ang yaman ng school na to noh?! Sa Apat na floor kasi ang mga Fourth year students.

At ang lalaki ng Rooms ha!! Bongga talaga ang may-ari nito noh! Pag ako'y walang kasamang maglalakad dito sa school na ito?! Tiyak! Na mawawala ako. Haha. Ang laki kase eh!

Nakarating na kami sa floor namin at naglalakad dito sa hallway. Iwan ko ba, lahat nalang yata nang madadaanan naming tao'y nakatingin sa amin. Seguro sikat dito si Bessy Kim or siguro may bagong student at ako yun.

Waah!! Katakot talaga, eh kase naman, baka ma-bully ako dito noh!! Yan kasi ang sinasabi sa mga kaibigan ko doon sa lugar namin, pagnag-aaral ka sa mga mayayaman na paaralan at bago kang student at tapus bu-bully-hin ka nila.. waah!! Wag naman sana please!! Weak pa naman ako?! Huhu! :-(

"Ba-bakit nakatingin sila sa atin bessy?" Tanong ko kay Kim.

"Haha. Hayaan mo na sila bessy. Ganyan lang yan pagnakakita ng magagandang girl, oh diba? Ang ganda natin?? Hehe" nakangiting sabi niya sakin.

"Ah! Ganun ba! Hehe." Nakakatawa kasi bessy ko eh! May pagka OA na maldita. Pero mabait naman. Hehe.

"Dito muna tayo bessy ha! Hintayin muna natin si honey mylabs ko!! Kyaah!! Hehe." Si bessy.

Turo niya sa bench doon. Kaya umupo na kami.

Nakakatawang tingnan kasi si bessy eh! Super labs niya si Joshua. Haha. Iba na ang tao pagnagmahal..

Ako kaya, kailan ba makikita ko ang true love ko. Ay!! Iwan!! Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend eh or nililigawan pero nag-asawa agad ako. Huhu! :-(

Paano kung makikita ko na ang taong mahal ko, tas kasado na ako?? Jusmiyo naman oh!! Kayhirap naman tong napasukan ko oh!

Nawala ako sa pag-iisip ko nang nagsisigawan ang mga estydyante.
Hala!! Sino kayang sunisigawan nila..

It Happened One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon