CHAPTER 2

240 26 1
                                    

Frances POV

Hi, my name is Francese Therese Andale Pinlac, you can call me Frances or Queen for short, team L.

Tumigil naman na yung pagbilis ng puso ko pagkatapos kong magpakilala sa members.

Sa totoo lang, kanina kopa naiisip kung anong sasabihin ko kasi kinakabahan talaga ako.

Buti nalang natapos na yung turn ko..

So ya, finally nakapasok na ako sa MNL 48 antagal ko talagang hinintay yung pagkakataon na'to, Thank God sa wakas nakapasok na ako sa Idol group after kong matalo sa 2nd Gen Election.

Sobrang worth it talaga.

Naputol naman ang pagiisip ko ng mag pakilala ang mga naunang members...

“Hi I'm Jennifer Nandy Villaruel, Jaydee for short, team NIV. Welcome po sa mga bagong members".

“Hi I'm Coleen Apura Trinidad, Coleen or coco for short, team NIV. Welcome welcome po sa mga members".

Ang cute naman nung coleen baby face. bulong ko sa sarili ko.

“Hello, I'm Amanda Isidto, Amy po for short, team L."

Andami talagang magaganda sa mga members sana maka close ko sila..

Pagkatapos magpakilala ng mga members ay sinabi ng coach namin na lahat ng mga taga probinsya ang mga mag kakaroom mates..

Natuwa naman ako na si ate Ella at ate Lara ang mga roomates ko. Nameet ko na sila nung Audition si ate Lara naman madali ko lang naging close dahil bisaya din pala siya.

Nagkaroon naman kami ng bonding sa room nagkwentuhan nag laro ng uno..

Akala ko suplada sila, hindi naman pala sobrang approachable ni ate lara at ate ella.

Can't wait na makaclose ko din yung ibang members..

----------------------------------------------------------------

Jaydee's POV

“Hi, my name is Francese Therese Andale Pinlac, you can call me Frances or Queen for short, team L.".

Napalunok naman ako pagkatapos akong hampasin ni ate Ruth.

“Hoy Jaydee di mo ba ako naririnig? Kanina pa ako nag sasalita dito oh! Tulala yarn? Napapanis na laway ko hindi ka padin umiimik tapos naka ngiti kapa diyan. Nababaliw kana ba? Sabihin mo lang sakin sasabihin ko kay coach ipa-check up ka". Sunod sunod niyang sinabi.

Si ate Ruth talaga ang hilig mangulat.

Jusko nahuli niya pala akong nakangiti kailangan ko 'tong lusutan.

“Ate Ruth naman ang hilig mong mangulat tapos ang daldal mo andami mong sinabi".
Sabi ko.

“Wow! Ako pa yung nangugulat? Ikaw nga tulala diyan tapos nakangiti ka pa. Tinatanong kita kung pwede ka mamaya? Punta kami sa MOA kasama sina Amy tska Laney".

“Sorry na ate, may iniisip lang ako, sige sama ako mamaya sa MOA malakas ka sakin eh!". Sagot ko.

“Teka nga, bakit ba yung ngiti mo diyan para kang binagsakan ng sampung yamashita kung makangiti ka". Sabi niya.

Bigla akong napalunok sa sinabi niya.

Paano kasi hindi ko makalimutan yung isang member na nagpakilala kanina yung Frances ba yun.

Ang ganda niya lang, tapos ang cute ng boses kahit parang kinakabahan siya kanina.

Natauhan naman ako ulit ng batukan ako ni ate Ruth.

“Tignan mo to si Jaydee, nakangiti nanaman ang loka, baliw kana noh? Halika nga dadalhin kita kay coach". Sunod sunod niyang sabi habang hinihila ako patayo.

“Ano kaba ate Ruth, hindi ako nababaliw noh!". Sabay bawi sa kamay ko.

“Yung babae kanina yung Frances, nagagandahan lang ako sakanya kaya di ko makalimutan yung boses niya kanina nung nagpakilala siya, yun lang yun ate Ruth syempre gusto ko lang makaclose yung ibang members". Pagdadahilan ko.

“Sus yun lang pala, akala ko naman napano ka, Si frances bisaya yun taga Pagadian, roommates niya sina Lara dun sa 6th Floor, bukas makikita mo naman ulit siya". Sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi ni ate Ruth.

Sana makaclose ko talaga siya.

“Di ko naman tinatanong ate, ang daldal mo talaga, tara na nga baka inaatay na tayo nila Laney sa baba". Sabay hila ko sa kamay niya.

Pagkatapos naming bumaba kasama na ni Laney yung Amanda.

“Oh ang tagal niyo kanina pa kami nagaanatay ni Amy dito". Sabi ni Laney.

“Eto kasing si Jaydee humaharot pa dun sa bagong member". Sabi ni Ate Ruth.

“Huy, hindi noh! OA ka ate". Sabi ko.

“By the way siguro kilala niyo na si Amanda noh, Roommate ko sinama ko siya kasi gusto niya daw tayo maging close". Sabi ni Laney.

Nag Hi naman kami ni ate Ruth sakanya.

Cute siya, maputi kaso maliit.

Pero okay lang cute naman e.

Pagkatapos naming magpakilala ay umalis na kami para pumuntang MOA.

Kalog si Amanda, nagulat nga ako na madali lang siya pakisamahan.

Nakakatuwa may bago nanaman akong kaibigan.

Pagkatapos namin mag bonding sa MOA umuwi na kami at nagpaalam sa isa't isa.

“Uy thank you nga pala ngayong araw, sobrang nag enjoy ako. Ang saya niyo kasama nila ate Ruth". Sabi ni Amy.

“Wala yun, buti nagenjoy ka kahit mateluk yung mga yun". Sabi ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Sige sana mas makaclose pa kita ang pogi mo eh".

__________________________________________

A/N : HELLO MNLOVES, PLEASE VOTE FOR  MORE CHAPTERS 🥰

PEACE AND LOVE!

STAN MNL48!




FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD) Where stories live. Discover now