CHAPTER 10

175 30 0
                                    

Jaydee's POV

Nagfocus muna kami sa rehearsal.

Mamaya nalang kami maglalandian.

Sorry naman sa mga single diyan ✌️

After 2 hours sa wakas natapos nadin.

Nakakapagod talaga.

Buti nalang nandito yung pahinga ko.

Makita ko lang siya nawawala yung pagod ko.

Naputol ang pagiisip ko ng bigla niya akong paluin sa braso.

“Si Madie nanaman iniisip mo no? Nandito na nga ako naghahanap kapa ng iba tsk." Sabi niya.

“Hindi kaya, ikaw nga iniisip ko eh." Sabi ko sabay wink sakanya.

Eto kasing mahal ko lagi nagseselos.

“Sus". Sabi niya.

Tumalikod naman siya.

Niyakap ko naman siya habang nakatalikod.

“Wag kana po magisip ng iba, wala naman akong iba ikaw lang kaya mahal ko." Sabi ko sabay higpit ng yakap sakanya.

“Oo na sige na tara na kain na tayo gutom nako eh." Sabi niya at hinila ako.

Masaya kaming kumain ng lunch.

Gutom kami parehas kaya di kami nagsalita habang kumakain.

Tapos yung mahal ko napaka takaw.

Pero okay lang ang cute cute niya eh 🥺

Kaya inlove na inlove ako sakanya.

Kaso mukhang malabo na magustuhan niya din ako :(

“Jaydee baka matunaw ako." Sabi niya.

Natauhan naman ako kaya umiwas ako ng tingin.

Huli ako😭

Lusutan mo to Jaydee —_—

“Kinikilig ka naman eh, tska hindi ka naman kasi nakakasawang titigan." Sabi ko sabay ngiti.

Umiwas naman siya ng tingin.

Nako, syempre gaganti tayo.

Hay nako yung mahal ko kinikilig sakin.

“Tsk! Kumain ka na nga lang diyan!." Sabi niya naman.

Ngumiti naman ako at tinuloy yung pagkain namin.

“Queen okay lang ba kung bumyahe tayo?." Tanong ko.

Actually kasama to sa plano ko 😅

Napakunot naman siya ng noo.

“San tayo pupunta?". Tanong niya

“Basta." Mabilis kong sagot.

“After natin kumain uwi muna tayo sa condo tapos puntahan nalang kita pag aalis na tayo." Sabi ko.

“Sige, san ba kasi tayo pupunta Jaydee? Baka hanapin tayo nila coach." Pagaalala niya.

“Hindi ano kaba mag papaalam naman ako tska mabilis lang tayo dun." Sabay ngiti ko sakanya.

So yeah.

Sa Tagaytay ko siya dadalhin.

One of my Happy Place.

Syempre gusto ko ishare sakanya yung Happy Place ko.

Happy Place with my Favorite Person.

Naks!

Pagkatapos namin kumain bumalik kami sa condo and after almost 30 mins sinundo ko nadin siya.

Nagpaalam lang ako kina Coach at nanghiram ng kotse 😅

Sorry na claim natin yan makakabili din ako ng sarili kong kotse.

“Hoy Jaydee ano yan san mo galing yan?." Sabi ni Frances habang nagtataka.

Gulat na gulat naman tong mahal ko.

“Hiniram ko kay Coach sabi ko mabilis lang tayo." Sabi ko.

“San ba kasi tayo pupunta?." Tanong niya ulit.

“Napakakulit mo Francese Therese sumakay kana nga." Sabi ko sabay hila sakanya.

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto.

Syempre gentlewoman dapat tayo.

“Matulog ka muna dahil mahaba haba yung biyahe natin." Sabi ko.

Sumunod naman siya agad.

After almost 2 hours of driving sa wakas nakarating din kami.

Nagpark muna ako at bumaba.

Yung mahal ko ang himbing ng tulog.

Gigisingin ko muna siya pero hindi ko alam bakit parang napako yung tingin ko sakanya.

Haysss.

Her eyes,

Her lips,

Her beautiful skin.

Paanong hindi mo mamahalin tong babaeng to?

Sobrang perfect.

Hinawi ko naman ang buhok na tumatakip sa mukha niya.

“Andami daming babae dito sa mundo pero bakit ikaw yung tinitibok ng puso ko?". Bulong ko.

Tinignan ko siya ng marahan.

Hahalikan ko na sana siya sa noo...

Kaso naramdaman ko na parang magigising na siya kaya inayos ko sarili ko.

Mahirap na baka akala niya pinagnanasahan ko siya.

Kahit yun naman totoo 😅

“Oh Jaydee asan na tayo? Bakit nandiyan ka." Sabi niya habang nagkukusot ng mata.

Ang cute niya parang baby 🥺

Di ko naman mapigilan mapangiti.

“Huy anong ngini-ngiti ngiti mo diyan? Nasan naba tayo bakit parang ang haba ng biyahe." Sabi niya.

“Pigilan mo kasi Jaydee".

“Hindi pwedeng mahalata niya na gusto mo siya masisira plano mo".

Bulong ko sa sarili ko.

“Nandito tayo sa Tagaytay, tska gigisingin na sana kita kaya ako nandito kaso nagising kana agad."

Nagulat naman siya nung sinabi ko yun.

Bumaba naman siya sa kotse para tignan yung lugar.

“Wow Jaydee! first time ko dito. Di ko expect na dito mo ako dadalhin sobrang warm ng place tska ang ganda ng view!." Tuwang tuwa niyang sabi.

Napangiti naman ako sa reaksyon niya.

Habang gandang ganda siya sa view niyakap ko naman siya.

Backhug mga beh!

“Gusto ko lang ishare yung Happy Place ko sayo, Mahal. Sana nagustuhan mo to." Sabi ko.

Hinawakan niya naman yung kamay ko na nasa bewang niya.

“Oo sobrang thank you dahil dinala mo ako dito, Jaydee! Ikaw talaga yung the best bestfriend ko."

__________________________________________________

A/N : Awwts, friendzone kaya si Jaydee? Sorry po sa late UD :(

Please Vote po for more Chapters 🤍

#TDKAU

FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD) Where stories live. Discover now