Frances POV
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nung nalaman ni Jaydee yung kay Kielle.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya lalambingin.
Lalo na alam kong nagtatampo siya ngayon kaya siya umalis agad.
Sorry naman hindi ko naman kasi alam na hihingin yung number ko.
Tsaka baka kasi friendly lang talaga siya.
Naputol ang pagiisip ko ng akbayan ako ni ate Lara.
"Teka nga, Queen bakit ba sobrang worried ka kanina kay Jaydee nung nalaman niya yung kay Kielle?". Tanong ni ate Lara.
"Oo nga, parang nagselos din si Jaydee". Sabi naman ni ate Ella.
"I smell something huh!". Dagdag ni ate Ella.
"Oo nga naman, Queen ano meron sainyo ni Jaydee?." Tanong ni ate Lara.
Luh? Hotseat.
Napatayo naman ako para di halatang kinakabahan ako sa tanong nila.
"Ah eh, ano ate magkaibigan kami ni Jaydee baka siguro selos lang siya as a friend ganun." Nauutal kong sabi.
Sana hindi mahalata.
Bakit ba kasi kinakabahan ka, Queen?
"Talaga ba? Baka naman may gusto na sayo si Jaydee?." Pangaasar ni ate Lara.
"Ayieeeee kayo ha, umamin na kasi kayo halata naman kay Jaydee na gusto ka niya dati pa eh. Ikaw ba Frances gusto mo ba siya?." Sunod na sunod na sabi ni ate Ella.
Napalunok naman ako sa mga sinabi ni ate Ella.
Magsasalita na sana si ate Ella pero bumukas yung pinto.
"Hi, guys! remind ko lang bukas maaga tayo ha." Sabi ni ate Gabb
Yess!! Thank you ate Gabb, U save me.
Agad naman pinuntahan ni ate Ella si ate Gabb para kamustahin.
Nako po, si ate Ella may gusto ata kay ate Gabb e.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Buti naman nakalusot ako.
Pagiisipan ko muna kung ano yung isasagot ko pag tinanong ulit nila ako.
Bakit ba kasi kinakabahan ako?
May gusto ba talaga si Jaydee sakin?
Hindi. Hindi pwede.
Babae kami parehas.
Straight ako at magkaibigan lang kami.
Wala lang yun queen.
Mali yung iniisip nila ate Ella.
Nagseselos si Jaydee kasi magkabigan kami.
Yun lang yun.
Nothing more. Nothing less.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
Tama.
Magkaibigan lang kami.
Mag reready na sana ako para magayos ng mga gamit ko ng biglang may nag text.
YOU ARE READING
FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD)
ФанфикThis book is only made by fanfiction. Characters, Places, Events are only made by Author's Imagination. MATURE CONTENT (G×G) MNLoves? This is for u! 🤍 #TDKAU #FRANDEESAL