Jaydee's POV
“Frances, nagchat si Brei sakin pinapatanong daw ni Kielle yung number mo." Sabi ni ate Ella.
Kielle?
Sinong kielle? Parang wala naman name na ganun sa MNL48 ah.
Napatingin naman ako kay Frances nung narinig ko yun.
“Kielle? Sinong kielle, Queen?". Tanong ko.
Nakita ko naman na napalunok siya.
Magsasalita na sana siya pero biglang nagsalita si ate Lara.
“Si Kielle, search niyo sa tiktok @kiellepabs tiktoker yun lesbian yun mukhang type si Frances iba yung tingin eh tapos hinihingi pa yung number ni Queen."
Napatingin naman ako kay Queen at naghihintay sa sagot niya.
“Ah eh, Jaydee kanina kasi nakita namin sina ate Brei tsaka si ate Nile tapos kasama nila yun si kielle mabait naman siya siguro friendly lang talaga". Sabi niya.
“Ano kaba ate Lara, hindi naman ako type nun baka gusto lang tayo makaclose kayo talaga ano ano iniisip niyo." Dagdag niya.
“Hays kung ako sayo Frances wag yun. Iba yung kulo ng dugo ko dun e. Alam niyo yun unang kita ko palang sa mukha niya parang negative vibe e." Sabi ni ate Ella.
“Huy, seryoso? Ganun din pala nafeel mo dun, ako din eh." Sabay nag apir pa silang dalawa.
“Kaya nung hinawakan niya kamay ni Queen bigla akong nag acting na inuubo eh, masyado kasing hokage daig pa lalaki kung maka damoves." Sabi ni ate Ella na parang naiinis pa.
Ahh hinawakan pa pala kamay ni Queen.
Sino ba yung kielle na yun mastalk nga mamaya 😤
Bigla naman ako nakaramdam ng selos kaya parang gusto ko nalang umiyak.
Habang nagtatawanan sila ay tumayo ako.
“Sige Queen, ate Ella, ate Lara bukas nalang ulit medyo sumama po kasi pakiramdam ko eh. Una nako Frances bukas nalang." Sabi ko sabay labas ng pinto.
Hindi kona kaya eh.
Hindi niya man lang sinabi saakin agad na may nakilala pala siya.
Sobrang nakakaselos na.
Pagkapasok ko sa kwarto namin ay nagulat naman ako dahil nasa room namin sina Amy, Laney at ate Ruth.
“Wahhhhhh!!!." Sigaw nilang tatlo.
Nagulat naman ako dahil sa sigaw nila.
“May aswang!! May aswang na dolphin yung tawa tulong!!." Sigaw ni ate Ruth.
“Wahhhhh may mumu na mukhang pating yung ngipin." Sigaw naman ni Laney.
“Wahhhh!! nandito na yung papi Jaydong ko ." Sigaw naman ni Amanda.
Jusko 😭
Bakit ba ako may mga kaibigan na ganito.
Wala ako sa mood kaya nag snob nalang ako sakanila.
Ang lalakas ng trip kainis.
Nagulat naman ako ng may bumato sakin ng unan.
Grrrrr.
“Hoy Jaydee, anong sinisimangot mo diyan? Para binagsakan ng langit at lupa yang mukha mo, Basted kaba? Nako kawawa ka naman iinom nalang natin yan sasamahan kapa namin diba girls?". Pangaasar niya.
“Ate Ruth wala ako sa mood please." Sabi ko.
Lumapit naman silang tatlo sakin at nagulat ako sa ginawa nila.
YOU ARE READING
FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD)
FanficThis book is only made by fanfiction. Characters, Places, Events are only made by Author's Imagination. MATURE CONTENT (G×G) MNLoves? This is for u! 🤍 #TDKAU #FRANDEESAL