Frances POV
"No need, Queen hayaan mo lang iparamdam ko sayo gaano ka kahalaga sakin at gaano kita kamahal."
Napalunok naman ako ng paulit ulit nag rereplay sa utak ko yung sinabi ni Jaydee sakin kanina.
Bakit ganon? Hindi ko na talaga maintindihan yung sarili ko.
Oo ang saya ko pag kasama ko siya.
Parang nakakaramdam ako ng mga butterflies pag nakakausap ko siya.
Nakakaramdam ako ng kuryente pag hinahawakan at niyayakap niya ako.
Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman to sa isang babae.
Nagseselos ako pag may nakakasama siyang babae.
Lahat ng sign na inlove nararamdaman ko.
Hindi ko na talaga alam.
Sobrang naguguluhan ako.
Nagulat ako ng biglang pumasok sina ate Ella at ate Lara sa kwarto.
"Oh, Queen bakit gulat na gulat ka naman." Sabi ni ate Ella.
"Oo nga naman frances parang nakakita ka ng multo." Sabi naman ni ate Lara at tumawa.
Natauhan naman ako sa mga sinabi nila kaya umayos ako ng upo at huminga ng malalim bago nagsalita.
"Ahh sorry ate, nagulat lang ako." Sabi ko habang nauutal pa.
Nagulat naman ako ng tumabi silang dalawa sakin.
"May problema kaba, Queen?." Tanong ni ate Lara saakin.
"Oo nga parang sobrang lalim kasi ng iniisip mo kanina e." Sabi ni ate Ella.
Sasabihin ko ba sakanila? Or itatago ko nalang.
"Alam mo, Queen ate mo kami dito e kung may problema ka nandito lang kami. Pag hindi mo masabi sa mga kaibigan mo, tska kung secret man yan tayo lang naman dito sa room hindi naman lalabas yan." Sabi ni ate Ella.
Napangiti naman ako. Sobrang nakakagaan kasi ng loob yung sinabi ni ate Ella e.
"Tama si Ella, Queen. Sabihin mo na baka makatulong kami." Sabay akbay sakin ni ate Lara.
Huminga ako ng malalim.
Tama kailangan kong humingi ng advice sa mga ate ko.
Baka mabaliw pa ako dito kakaisip pag di ko na open ngayong gabi.
Magsasalita na sana ako pero bilang nagsalita si ate Lara.
"Love yan, no Queen?." Tanong niya.
Nagulat naman ako sa tanong ni ate Lara.
"Paano mo nalaman ate?." Tanong ko habang nakakunot ng noo.
Tumawa naman silang dalawa.
"Kami pa, eh ate mo kami e tska parang alam ko kung sino eh." Sabi ni ate Lara.
"Si Jaydee diba?." Sabi ni ate Ella.
OMG bakit alam nila? 😭😭
"Tama kami diba?." Tanong ni ate Ella.
Huminga ako ng malalim at unti unting tumango.
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si ate Lara.
YOU ARE READING
FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD)
Fiksi PenggemarThis book is only made by fanfiction. Characters, Places, Events are only made by Author's Imagination. MATURE CONTENT (G×G) MNLoves? This is for u! 🤍 #TDKAU #FRANDEESAL