CHAPTER 4

191 29 0
                                    

Frances POV

Akala ko talaga suplada si Jaydee tska hindi namamansin.

Pero mali pala talaga ako.

Mabait siya, sweet tska sobrang kalog din.

Hindi ko inakalang magiging magaan agad yung loob ko sakanya ngayong first time namin nag hang out na magkasama.

Sobrang nakakagaan sa pakiramdam.

Parang kani-kanina lang ang lungkot ko dahil sa pag ka homesick.

Tapos ngayon ang sakit ng tiyan ko kakatawa sakanya.

Naputol ang pagiisip ko ng tapikin ako ni Jaydee.

“Uy Frances, tara na nandito na tayo ang lalim na naman ng iniisip mo". Sabi niya.

Di ko namalayan na nandito na pala kami sa Manila Bay.

“Sorry masaya lang ako kasi isa kana sa mga kaclose ko sa members bukod kina ate Ella". Sabi ko.

Ngumiti naman siya at huminto sa paglalakad.

Umupo kami para panoorin ang sunset.

“Alam mo ba isa sa mga nagpapasaya sakin is yung panonood ng sunset". Bigla niyang sinabi.

Napatingin ako sakanya habang tinititigan niya yung magandang view.

“Bakit naman?". Tanong ko.

“Kasi alam mo yun, yung masama man yung bungad ng araw mo pero at the end of the day pinapakita ng Sunset na hindi lahat ng pagtatapos, natatapos sa hindi maganda. May mga pagtatapos din pala na maganda. Tulad ng View natin ngayon". Sabi niya.

Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya.

Iba din pala magisip si Jaydee sobrang positive thinking kaya hindi siya mahirap pakisamahan.

“Naks, ano yun hugot?". Pangaasar ko sakanya.

Tumawa naman siya at tumingin sakin.

“Ano kaba, hindi no. Totoo naman kasi e diba, kahit gaano kasama yung araw mo ngayon pag tinitigan mo yung napaka gandang view na‘to parang lahat nalang ng problema mo mawawala". Sabi niya.

“Oo na po naniniwala na ko wag kana mag speech diyan". Sabi ko.

“Halika na nga umuwi na tayo, gagabihin na tayo oh". Sabay hila sa kamay niya.

Pero nagulat nalang ako nung hinila niya ako pabalik.

Tumingin siya ng marahan sa mata ko.

“Frances, pwede bang mangako ka sakin?".

Napalunok naman ako at tumango.

“Mangako ka sakin na ako lang yung kasama mo na manood palagi ng Sunset".

“Oo naman yun lang pala eh". Sagot ko.

Huminga siya ng malalim bago ulit siya magsalita.

“Meron pa". Sabi niya.

Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko at tinignan niya ako ng daretso sa mata.

“Ipangako mo sakin na ako yung magiging bestfriend mo, yung pagsasabihan mo ng problema tska mga nangyayari sa araw mo". Dagdag niya.

Tumango naman ako at ngumiti.

“Oo naman yun lang pala". Mabilis kong sagot.

Ngumiti naman siya at niyakap ako ng mahigpit.

FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD) Where stories live. Discover now