CHAPTER 12

163 24 0
                                    

Jaydee's POV

Naramdaman ko namang napatingin siya pagkatapos kong sabihin yun.

Hindi ko alam bakit pero parang gusto ko ng unamin sakanya nung oras na yun.

Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong masira yung mga plano ko para saamin dalawa.

Darating din yung araw na mapapasakin din siya.

‘Right Place and Right Time'

Naputol ang pagiisip ko ng matauhan ako na nakapag park na pala ako.

Pagkatapos kasi naming manood ng sunset ay umalis na kami dahil baka gabihin kami sa biyahe.

Napansin ko naman na buong biyahe hindi nag sasalita si Frances.

Kaninang tinitignan ko siya ang lalim ng iniisip niya.

Bumaba na siya sa kotse at lumabas nadin ako.

“Queen, thank you ngayong araw ha sobrang nag enjoy ako, Sana ikaw din." Sabi ko.

Ngumiti naman siya at tumango.

Nagtaka naman ako kasi parang kanina ang saya namin tapos ngayon ang tahimik niya na.

“May Problema ba?". Tanong ko sakanya.

“Wala, siguro napagod lang ako Jaydee, Thank you din." Sabi niya.

Magsasalita na sana ako at yayakapin siya pero...

“Una nako sa taas ah, thank you ulit bukas nalang." Dagdag niya sabay walk out.

Hindi ko alam bakit bigla nalang pumutok yung happy bubble ko.

Ano kaya nangyari dun?

Ang saya naman namin kanina.

Mukhang mahihirapan ako kay Frances :(

Naputol ang pagiisip ko ng biglang may tumapik sa balikat ko.

“Uy! Hi Dong, bakit nandito kapa gabi na ah." Sabi ni Madie.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.

“Uhmm, Hi Madie nakakagulat ka naman. Kasama ko kasi si Frances kanina kaso nauna na siya sa pumasok sa room niya e." Sabi ko sabay humiwalay sa yakap niya.

Masyadong Clingy si Madie baka may makakita samin ano pang isipin tapos makarating sa management.

“Oh bakit ganyan itsura mo, Dong? Bakit parang ang lungkot mo? Okay kalang ba? Anong problema? Nandito lang ako pwede mo sabihin sakin." Sunod sunod niyang sabi.

“Hindi wala naman akong problema nalungkot lang, Okay lang ako. Uhm, Sige Madie una na ako ha." Sabi ko.

Maglalakad na sana ako pero bigla niya akong hinila.

“Hindi, Dong alam ko may problema ka hayaan mong tulungan kita." Sabi niya.

Nagtaka naman ako dahil hiningi niya yung susi ng kotse saakin.

“Uy san tayo pupunta?." Tanong ko habang binubuksan niya yung kotse.

“Basta, sumakay ka nalang diyan." Sabi niya.

Weird naman neto. San kaya ako dadalhin neto?

“Teka lang, marunong ka mag drive, Madie?."
Tanong ko.

FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD) Where stories live. Discover now