Jaydee's POVNagulat naman ako sa sinabi ni Madie.
“HAHAHA, joke lang uy." Sabi niya.
Tumawa nalang ako at tumango.
“Jaydee? Pwede mo ba ako samahan may bibilhin lang ako sa mall." Sabi niya.
“Sige." Tipid kong sagot.
Sorry, na iilang lang ako ng konti dahil sa joke niya kanina.
Sinamahan ko siya sa mall para pagkatapos ay uuwi na kami dahil miss ko na si Queen.
Habang namimili siya ay chineck ko yung phone ko kung may text si Queen.
Napapikit nalang ako ng makita kong wala akong new message.
Parang nag eenjoy siya ah.
Kinalimutan na ako i-text.
Naputol ang pagiisip ko ng tapikin ako ni Madie.
“Tara na dong, tapos nako." Sabi niya.
Tumango naman ako at sinabayan na siya sa paglalakad.
“You look bothered." Sabi niya.
“May problema kaba?". Dagdag niya.
Ngumiti naman ako ng bahagya.
“Hindi noh, may iniisip lang." Sagot ko.
“Alam ko na, wag muna tayong umuwi." Sabi niya.
Nagtaka naman ako kaya napakunot ako ng noo.
“San tayo pupunta?". Tanong ko sakanya.
“Basta sumunod ka nalang." Mabilis niyang sagot.
Hinila niya ako papunta sa???
Videoke House?
Luh? Ano naman gagawin ko dito?
Malamang kakanta 😒
Hay nako Jaydong.
“Welcome to Videoke House!". Masaya niyang sabi sakin.
“Ano naman gagawin natin dito?". Tanong ko habang nakakunot ang noo.
“Syempre kakanta, ako kasi pag malungkot ako or may problema kumakanta lang ako tapos gagaan na pakiramdam ko." Paliwanag niya.
“Napansin ko kasi na may iniisip ka kanina e, kalimutan mo muna yun enjoy mo muna yung Videoke House wag ka magalala libre ko 'to." Dagdag niya.
“Madie hindi maganda yung boses ko, please wag nalang diyan." Sabi ko sakanya.
Hindi naman niya ako pinakinggan at nag lakad na siya papunta sa ticket booth.
Huhu. Wala ata akong kawala dito.
Guys, di kasi ako masyado magaling kumanta puro lang ako sayaw.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila.
“Teka Madie san tayo pupunta." Sabi ko na parang naiirita.
“Wag ka na nga sumimangot diyan nababawasan pagka pogi mo eh, syempre punta tayo dun sa room para mag videoke." Sabay ngiti niya sakin.
Hayss.
Wala naman akong nagawa kundi kumanta.
Nahalata niya na medyo nahihiya ako kaya gumawa siya ng paraan para mabawasan yung pagkahiya ko.
Nag duet kami para daw hindi ako masyadong mahiya.
Sa tagal naming kumakanta ay gumaan nadin yung loob ko sakanya.
YOU ARE READING
FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD)
FanfictionThis book is only made by fanfiction. Characters, Places, Events are only made by Author's Imagination. MATURE CONTENT (G×G) MNLoves? This is for u! 🤍 #TDKAU #FRANDEESAL