Frances POV
Hindi ko alam bakit ako nagtampo kay Jaydee nung ayaw niya ipaalam na magkasama kami kahapon.
Ano ba ako? Kaibigan lang naman.
Medyo OA ako dun.
Sa totoo niyan ako yung nagyaya kay ate Lara na pumunta sa room nila Jaydee para makita ko siya.
Tapos nalaman ko na nilalambing pala siya ni Amanda.
Medyo nagselos ako.
Inaamin ko naman na selosa ako noh.
Tapos pagkatapos ng rehearsal akala ko di niya ako kakausapin 😒
Nakakatuwa lang din na hindi pala mataas yung pride niya.
Buti naman.
Kasi hindi ako nag fifirst move.
Hindi ako yung una nakikipag ayos.
Naputol naman ang pag iisip ko ng akbayan ako ni Jaydee.
“Ikaw ah iniisip mo yung call sign natin na mahal noh". Pangaasar niya.
“Che! Tigilan mo ko ha". Sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.
“Uyy frances ngumingiti, crush mo ako no". Pangaasar niya ulit.
Umiwas naman ako sakanya ng tingin para di halata na napapangiti ako.
“Ikaw Jaydee pafall ka no, nako tigilan moko." Sabi ko habang naglalakad.
“Bakit nafall kaba? Tska di kita type noh!". Sabay tumawa siya na parang Dolphin 😒
Bigla ko naman siyang hinampas sa braso.
Wow ha, Di niya pala ako type.
“Walangya ka, kung makatawag ka sakin ng mahal tapos ganyan pa yung tingin mo sakin tapos di mo pala ako type? Nakakainsulto ha!". Sabay hinampas ko ulit sa braso.
“Ang ganda ganda ko tapos di mo ako type, tsk.. ngayon lang ako nainsulto sa buong buhay ko ha". Sabay irap ko sakanya.
Ngumiti naman siya at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Nagulat ako kaya napatingin nalang ako sa mata niya.
“Bakit gusto mo ba na maging type kita?".
“Sabihin mo lang, pagbibigyan kita". Dagdag niya.
Napalunok naman ako sa sinabi niya.
Omg.
Bat ako kinikilig.
Kalma Queen.
Bigla ko naman siya sinampal ng mahina sa pisnge para maalis yung tingin niya saakin.
“Hoy Jaydee tigilan moko ha, masyado ka ng maraming alam diyan." Sabay walk out.
Nagsimula na akong maglakad kasi ramdam ko ng nagiinit yung pisngi ko.
Baka makita niya na namumula ako.
Nakakahiya.
Ramdam ko naman na sumunod siya sakin.
Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Hinawakan niya yung kamay ko at pinag isa niya ito.
Holding Hands While Walking ang peg.
Di ako makahinga huhuhu.
Feeling ko talaga maiihi nako sa kilig.
YOU ARE READING
FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD)
FanficThis book is only made by fanfiction. Characters, Places, Events are only made by Author's Imagination. MATURE CONTENT (G×G) MNLoves? This is for u! 🤍 #TDKAU #FRANDEESAL