CHAPTER 3

231 29 0
                                    

Jaydee's POV

“Sige sana mas makaclose pa kita, ang pogi mo eh".

Napalaki naman ang mata ko pagkatapos niyang sabihin yun.

“HAHAHA, joke lang uy nagbibiro lang ako sige na akyat nako". Sabi niya.

Ngumiti nalang ako pabalik kasi hindi ko alam sasabihin ko.

Jusko Amanda.

First time ko kasi na masabihan na pogi.

Halata ba na bisexual ako? Kaya niya ako sinabihan ng pogi?

Bahala na.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang may tumapik sa braso ko.

“Oh Jaydee, bakit nandito kapa? Gabing gabi na maaga pa tayo bukas".

“Ay, Hi ate Gabb kakauwi lang namin nila ate Ruth galing MOA paakyat nadin po ako". Sabi ko.

Si ate Gabb, one of our Center Girls sa MNL48 isa siya sa mga inspirasyon ko dito sa Idol group.

“Ano meron bukas ate?". Tanong ko.

“Bukas need na natin mag rehearse para sa next project natin, hindi pa inaannounce ng management kung ano yung project eh, pero by this month mag aannounce din daw sabi ni Coach". Sabi ni ate Gabb.

Na excite naman ako sa sinabi ni ate Gabb.

“Kaya magpahinga kana kasi bukas sigurado pagod nanaman. Actually Ako, Ikaw, si Brei, Ella, Lara, Sheki, Cole, Amy at si Frances yung naka sched bukas sa rehearsal 8am ha, see you". Dagdag pa ni Ate Gabb.

Nanlaki naman yung mata ko sa narinig ko.

Omg pag sine-swerte nga naman.

Makikita ko ulit si Frances.

Hindi ko namalayan na sa sobrang kilig ko wala na pala si ate Gabb sa harapan ko.

Natawa naman ako sa ‘thought' na yun.

Masaya akong umakyat sa room namin at natulog.

__________________________________________

Frances POV

Today is another Day.

Nagreready na kami bumaba nila ate ella para pumunta sa studio sa baba kung san daw kami mag rerehearse.

Kagabi kasi sinabihan kami na mag ready for this day and magipon ng lakas dahil sigurado daw mapapagod kami.

Late daw kasi naannounce ng management kina Coach kaya late din nasabi saamin.

Naputol ang pagiisip ko ng bigla ako tinapik ni ate Ella.

“Frances, nasabi mona ba kila Ruth yung about sa rehearsal mamayang 8am?". Tanong niya.

“Hindi pa ate, sabi ni ate Lara siya nalang daw magsasabi". Sagot ko.

“Maagang umalis si Lara kanina, sige chat ko nalang siya tanong ko if nasabi niya na kila Ruth". Sabi ni ate Ella.

Tumango nalang ako sakanya.

Kinakabahan ako mamaya kaya medyo madami akong naiisip.

Eto kasi yung first rehearsal ko e kaya kinakabahan ako.

Paano pag may mali ako nasabi or nagawa?

What if makasira ako sa group?

Kagabi ko pa talaga iniisip to.

Ganto pala yung feeling pag nasa Idol Group kana.

Naputol ang pagiisip ko ng bigla ako tawagin ni ate Ella.

FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD) Where stories live. Discover now