CHAPTER 11

203 36 0
                                    

Frances POV

Nagulat naman ako nung tinanggal niya yung pagkayakap niya sakin.

“Ano ba gagawin natin dito, Jaydee?." Tanong ko.

“Mag pipicnic lang tska manonood sunset." Tipid niyang sagot.

Teka bakit parang nalungkot siya?

Kumuha naman siya ng banig tapos pinaupo niya ako dun.

Nagulat naman ako ng may nilapag siya ng basket puno ng pagkain.

Woww!!

Lahat ng favorites ko nandito.

“Naks san mo nakuha mga to mahal?." Tanong ko.

“Binili ko kanina habang tulog ka, diba favorite mo mga yan?." Sabi niya sabay ngiti.

Bakit ba kasi ang sweet ni Jaydee 😭

Baka makalimutan ko na straight ako eh!

Charot

“Ano ba meron mahal? Bakit andami mo pakulo ngayon? Kanina pinagluto mo ako tapos dinala mo pa ako dito para mag picnic pwede naman tayo sa Manila andami naman lugar dun na hindi kalayuan." Sabi ko.

“Alam mo, Queen dinala kita dito kasi isa to sa mga pinupuntahan ko kapag nalulungkot ako, pag gusto ko mag unwind, kapag gusto kong mapagisa ganun. Gusto ko ishare sayo kasi importante ka sakin." Paliwanag niya.

Naramdaman ko naman na nag blush ako kaya umiwas ako ng tingin.

“Ahhh sino sino na yung mga babaeng nadala mo dito?." Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

“Uy wala pa, Queen ikaw palang yung babaeng dinala ko dito. Ganun ka kahalaga sakin." Sabi niya sabay ngiti.

“Nako Jaydee ayan ka nanaman sa mga banat mo, tigilan mo ko ha." Sabi ko sabay tawa.

“Bakit totoo naman po ah, tsaka nagseselos ka nanaman ikaw lang naman pinaka maganda sa paningin ko." Pambobola niya.

“Edi wow Jaydee bolera ka din noh! umayos ka diyan hindi mo ako madadala sa pambobola mo." Sabi ko sabay irap sakanya.

Napakakulit

Pero gustong gusto ko naman HAHAHA

Lol

Nagumpisa naman kaming kumain na snacks na binili niya para sakin.

“Ano gusto mo gawin, Queen?." Tanong niya.

Ano nga ba?

Hmmm 🤔

Alam ko na magkwento siya tungkol sa buhay niya.

Wala pa kasi ako masyado alam sakanya kahit lagi kami magkasama hindi siya nag kwento about sa life niya.

Kaya feeling ko eto yung right time para malaman natin.

“Alam ko na! Tutal hindi ka pa masyado nag kkwento about sa life mo yun nalang kwento mo dali na please." Sabi ko sabay puppy eyes.

“Osige ano paba gusto mo malaman sakin?." Tanong niya.

“Sa love life dali na." Mabilis kong sagot.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

“Wag na yun iba nalang showbiz ka naman masyado queen." Sabi niya sabay tawa.

“Dali na nga magtatampo ako sige." Sabay pout.

“Sige na nga po kulit mo eh." Sabi niya.

Masunurin naman pala Jaydong niyo eh.

“Nakailang ex kana? Tska anong name nung ex mo tska bat kayo nag kahiwalay?." Tanong ko.

“Okay okay, isa lang ex ko tapos girl nagkahiwalay kami kasi lalaki na daw gusto niya sabi niya tas yun hinayaan ko na wala naman ako magagawa." Sabi niya.

Pinalo ko naman siya sa braso.

“Detailed kasi para maintindihan ko parang ayaw mo naman magkwento eh hayss." Pagtatampo ko kunwari.

“Si Jie, 2 years kami kaso yun may nameet siya na guy tapos nagustuhan niya din wala naman ako magagawa nung time na yun. Hinabol ko siya ginawa ko lahat ng paraan para mabalik siya sakin pero wala na talaga, ayaw niya na." Kwento niya.

“Grabe ka naman pala magmahal e." Sabi ko.

“Oo queen once na nag mahal ako all out talaga gagawin ko lahat para sa taong mahal ko." Sagot niya.

“Sobrang swerte ng next na magiging girlfriend mo, basta pag may nagugustuhan kana ako yung unang una mong sabihan ha." Paglalambing ko.

“Meron na nga e." Mahinang bulong niya.

Pero narinig ko.

“Ano? May sinasabi ka?." Tanong ko.

“Wala po, sabi ko malapit na sunset queen tara na para mas makita mo yung view." Sabi niya sabay tumayo.

Nanoood naman kami ng sunset together.

First time namin manood ng sunset sa ibang lugar.

Dati sa Manila Bay lang ngayon sa Tagaytay na.

Nagulat naman ako ng humarap siya sakin at kinuha yung isang kamay ko.

May kinuha siya sa bulsa niya na bracelet tapos sinuot niya sakin.

“Oh para saan naman to?." Tanong ko.

“Hindi pa kasi kita nabibili ng necklace eh kaya bracelet muna, matchy nga tayo oh." Sabi niya sabay pinakita niya din yung suot niya na kaparehas ng bigay niya sakin.

“Andami mo ng nabigay sakin tapos ako wala pa akong nabibigay sayo, next time ako naman babawi promise." Sabi ko.

Totoo naman kasi andami niya ng effort sakin tapos ako wala pa nabibigay nakakahiya naman :((

“No need, Queen hayaan mo lang iparamdam ko sayo gaano ka kahalaga sakin at gaano kita kamahal."

__________________________________________________

A/N : Hi guys! Sana nagugustuhan niyo yung flow ng story. Kindly Follow me on Tiktok @colecacola / DFR•COLE Thankyou! 🤍

Please vote po for more chapters 🥰

Follow MNL48 FRANCES on her Social Media Accounts:

FB: MNL48 FRANCES
Ig : mnl48frances.official
Kumu: francesmnl48official
Tiktok: frances.mnl48official
Lyka : Francese Pinlac

#STANMNL48!
#PEACE AND LOVE 🤍
#TDKAU

FRANDEESAL: They Don't Know About Us (ON HOLD) Where stories live. Discover now