CHAPTER II

39 4 0
                                    

Humiga ako ng may mga luha na naman sa mga mata habang nakatitig sa puting kisame ng aking kwarto.

Isang malalim na hininga bago muling umiyak. Ang sakit sa dibdib, ang hirap huminga at halos maputol ang litid ko sa aking lalamunan dahil sa pagpipigil.

Nagising na lamang akong medyo masakit ang mga mata. At halos nanghihina sa magdamag na kaiiyak. Naabutan ko si daddy at mama sa hapag at patapos ng mag-agahan.

Sumikip ang dibdib ko sa katotohanang 'di na nila ako nahintay man lang.

'Ba't kapag si Ate Caley hinihintay nila?' Natuon ang paningin ko kay ate na nakatuon naman ang atensyon sa binabasang newspaper.

Dahan-dahan akong naupo sa gilid nya at kumuha ng makakain. Walang bumati sa'kin. Ni good morning, wala...

Pinagsalin na rin ako ni Manang ng juice at tubig sa magkaibang baso.

Hindi pa ako nakakasubo nang magsalita si mama.

"Darating ngayon si Mr. Sylverio, pagkatapos mo dyan ay magbihis ka na, Azaleah." Bungad ni mama na agad kong ikinadismaya. Akala ko kasi babatiin nya ako. I lost my appetite for today.

"Rita at Amy, tulungan nyo sya." Utos nya sa mga kasambahay. 'Yong pakiramdam na tila isa kang estranghero, ramdam ko iyon ngayon habang kausap ako ni mama. Iyong parang may invisible wall na nakaharang sa gitna. 'Di ko maramdaman ang pagmamahal ng isang ina para sa anak. Hindi ko makita sa mga mata nya ang pagkatuwa sa tuwing kausap nya ako...

I clenched my teeth to stop myself from crying again and again. Dahil 'di din naman nila ito mapapansin. Ang masaktan nga'y di nila mapansin, ang lumuha pa kaya dahil sa pagod na nararamdaman.

I'm a Monte, weak and wounded. Like a glass shattered on the floor. Can be repair but can't be useful, anymore. Basura!

Ngayon, alam ko na. Ipapakasal ako dahil mahal na mahal nila si Caley. Ayaw nilang masira ang mga pangarap ni Caley...

'Pa'no naman ako, ma, dad? Anak nyo rin po ako...' kahit sa isipan ko ay halos magmakaawa ako para sa atensyon nila. Para sa pagmamahal nila. Halos manlimos ako ng pagmamahal mula sa kanila pero kahit kailan 'di ko naramdaman iyon. 'Di ko nakuha.

Nasa kwarto pa rin ako nang dumating si Mr. Sylverio, nagmumokmok at ayaw lumabas. That was only pure business. Ako ang product at ang buyer? Ang mga Sylverio. Ganon ako kahalaga dahil yaman ang kapalit ko.

"Ruzztia, pinapababa ka na ni madame," si Rita habang sinisilip ako sa siwang ng pintuan.

Matamlay akong tumayo at tumingin sa repleksyon ko sa salamin bago tuluyang bumaba. Wala akong fashion sa mga damit kaya naman mas pinili kong mag skirt at over-sized T-shirt na lang.

"Oh, hayan na pala ang anak namin. Hija?" Maligayang bati ni mama at iginiya pa ako palapit kina daddy. 'Sana totoo 'yan, ma.'

Agad na natuon ang pansin ko sa lalaking matikas na nakatayo at nakikipag-usap kay daddy. Tinitigan ko sya ng may bahid ng galit.

"Hija, this is Mr. Kane Sylverio," pakilala ni daddy sa lalaking kaharap nya.

Naglahad ito ng kamay ngunit nanatili lang akong nakatingin roon dahilan para palihim akong siniko ni Ate Caley. Habang si mama ay pinandilatan ako ng mata.

"Oh, well. This is our daughter, Azaleah Ruzztia Monte. " pagpapalubag ni daddy sa tensyon. Tinitigan din ako ni daddy ng masama at wala na akong nagawa kundi tumungo at maghintay ng susunod na mangyayari.

The Company series 1; Faithfully Fixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon