Halos mapatalon ako nang mag ring ang cellphone ko kasabay ng muling pagliwanag ng screen nito.
Tumatawag si kane... Agad ko iyong pinatay sa takot na baka matrack nya ang phone na ginagamit ko... Inalisan ko rin iyon ng battery.
'Siguro need ko na magpalit ng sim'
Nang mag isang linggo ay naghanap na ako ng trabaho sa malapit na seven eleven... Nagtatrabaho ako bilang cashier simula alas-otso umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.
Ang sweldo ko ay ginagamit ko sa mga pangangailangan ko sa bahay. Naalala kong iniwan ko nga pala iyong credit card na bigay ni Kane sa kama nya nong araw na umalis ako.
Natanaw ko ang isang Ale na tila may hinahanap...
"Hello, tita. Anong pong hinahanap nyo?" Magalang na tanong ko.
"Naghahanap kasi ako ng yoghurt..ahm paborito kasi ng anak ko" napangiti ako sa kanya..
"Dito po tayo" iginaya ko sya sa mismong tray.
'Sana may binibilhan din ako ng yoghurt ngayon'
Di ko maiwasang umasa na magkakaroon ako ng anak balang araw, iyong matatawag kong akin.
"Maraming salamat, Miss." Anang babae bago ako tuluyang bumalik sa counter.
Wala sa sarili akong umuwi sa bahay. Naglalakad na ako nang may matanaw akong batang lalaki na nakaupo sa bench.
Madilim na ang buong paligid kaya nagtaka ako kung bakit nandon pa rin ito.
Napangiti ako habang tinititigan ito. Ang bata pa nya parang magtinda ng mga kendi at sigarilyo sa gitna ng lansangan.
Tumabi ako sa kanya kaya napalingon ito sa akin.
"Hi!"
"Wala ka bang kasama?" Agarang tanong ko dahil nag-aalala talaga ako sa kanya.
"Wala." Simple at tila seryoso nitong sagot.
Siguro nasa 7 years old na ito. Madungis, madumi at sira ang damit na suot at tila may mga galos din sa mga braso...
"Uwi na tayo... hatid na kita sa inyo?" Pagpipresenta ko.
Agad naman syang tumayo dala ang tinitinda. Tatayo na rin sana ako pero muli syang nagsalita.
"Wala akong b-bahay...W-wag mo na akong sundan..." Napapaos nyang sagot.
Kahit mukhang maawtoridad ang tono nya ay hindi pa rin maitatago ang pagkanginig ng boses nya.
'Di nya ako hinarap.. 'di rin ako nagsalita kaya nagpanic na ako ng akto syang aalis.
'Anong gagawin ko? Wala syang bahay, bakit?'
'Az, ano? Mag-isip ka...'
"Sa bahay ka na matulog. Okay lang don."
Binalingan nya ako ng seryosong mga tingin kaya pilit akong ngumiti kahit na kinakabahan sa maaari nyang sagot.
I see myself in him. People sees us as a strong individual even though inside we're broken and needed a repair.
Some other way, nakikita ko sa kanya ang isang batang Ruzztia. Walang nagmamahal at nag-aalaga.
The only difference is I was born wealthy and he is born this way, poor.
"May mga magagandang damit at laruan don." Kahit bibili pa lang talaga ako.
'Di sya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan sa kakaisip kung pano sya makukumbinsi.
"M-may kama don.. cellphone, Tv...ano pa ba?...ahm, may ref at rice cooker, may sofa din..." tinitigan lang nya ako na tila nag-iisip ng kung ano...
I remember someone on this stance. Napangiti ako na may halong pagkalungkot. 'Di ko na pipilitin. Iiwan nya rin naman ako tulad ng ginawa ni Kane, eh.'
Last try.
"May yoghurt don, pizza, cake, choco---"
"Sige."
Halos napatunganga ako sa sagot nya. 'Is he real?''Hayys... kung alam ko lang na pagkain lang gusto nya 'di na sana ako nagpakaisip ng kung ano-ano...
Pagkauwi ay naghanda agad ako ng pagkain.
Nahuli syang natapos kaya naman nagkaroon ako ng oras para makapunta sa isang mall at makabili ng gamit nya.
Namili ako ng dalawang pares ng sapatos, tatlong piraso ng shorts at t-shirt. Binilhan ko rin sya ng tsinelas.
Kakaunti pa dahil next week pa ang sunod kung sahod.
Giving you're money to someone isn't bad at all...
Just give it because you want to help. And I want to help him, my little lost boy.
BINABASA MO ANG
The Company series 1; Faithfully Fixed
Dla nastolatkówAzaleah Ruzztia Monte, a careful daughter of a businessman who's been experiencing a greatest and heavy day from her own family. Every time she tries impressing her family, it turns out bad. Laging sya iyong naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang...