CHAPTER XIX

25 5 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

"Come with me, please... I miss you." Akma syang lalapit pero iniwasan ko sya kaya napatigil sya.

At kada paglayo ko sa kanya...doble ang kirot na nararamdaman ko. Bawat pagmamatigas ko, triple ang sakit na bumabalik sa akin.

"Damn it! You freaking asshole!" Pagtitimpi ko. Medyo hininaan ko rin ang boses ko.

"Wala na bang Avery kaya ka nandito!?" 'Di ko na napigilan pang hindi magsalita.

"Hindi ba pumayag si Daddy na kayo naman ni Ate Caley?" Tinaasan ko na sya ng kilay.
Naman? Halos kumulo ang dugo ko sa sitwasyong ito. Pero kailangan ko ang katotohanan para sa'min ni Zeke.

"W-what!?"

"Answer me, Kane!" Iritado kong sigaw sa kanya.

Nagulat sya dahil sa sigaw ko. Well, an asshole always have their defensive stance. Let's wait for it.

"So, hindi mo alam?" Napairap ako sa kanya.

"Oh Hell!!" Nasapo na lang nya ang noo nya dahil sa 'di ko malamang dahilan.

"Ypu freaking dumbass!! D-don't you dare fool me!" Dinuro-duro ko sya at agad na tinalikuran.

"Holy Shit!!! Az!... What are ypu talking about?"

"Iniwan mo ako ng walang paalam. Pati iyong card na binigay ko. 'Yong sim card mo pinalitan mo. What were you fvcking thinking? Na titigilan kita? Oh Hell!! No, baby!" Malaki ang pagtitimpi na ginawa nya. Bumalik sya sa direksyon ko at agad akong napaiwas.

"I won't believe a Sylverio."

"Yes you won't... but please, Honey.. Just listen." Pagmamakaawa nya. He's still handsome, though. I like him this way.

A secret smile crept in my face.

"Don't you. dare. call me. honey."

"Fine..."

'Good.' Nakahinga ako ng ayos.

"Baby, then." Napasinghap ako.

Biglang lumabas ng kwarto si Zeke kaya parehong natuon ang tingin namin sa kanya.

"Go back to your fvcking room!" Sigaw ni Kane sa bata.

"Wala kang karapatang sigawan ang anak ko, Kane!" Medyo nairita ako sa pagtrato nya sa bata.

"What's yours is mine, Az." Iyon lang at unti-unti ng bumalik si Zeke sa loob.

Nakasimangot ito ng abutan ko na nakaupo sa kama.

Tahimik na sumunod si Kane at sumandal sa hamba ng pintuan sa kwarto. Tahimik nyang pinagmasdan si Zeke.

"Kain na tayo? Magluluto si Mommy..." pag-alo ko sa bata.

Tumango sya kahit na puno ng pagtatampo ang mukha.

Nakatungo syang bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. He don't even recognize Kane.

Agad syang umupo sa high chair at pumangalumbaba sa counter.

"Anong gusto mo, baby?" Hinarap ko sya. Pinisil ko rin ang mga pisngi nya baka sakaling mawala ang tampo nya sa'kin.

"Omelet."
"Pasta."

"Kane, you're not helping me out." Ngayon kasi ay lalo ng nagtampo si Zeke.

Ngumuso sya at tamad na tumingin sa ibaba.

"Okay, then. Omelet for baby Zeke and no pasta for you, Kane." Pinal na desisyon ko.

"What?" Inirapan ko sya at nagpatuloy na lamang sa pagluluto.

Somewhat, it make me crazily fine.

Naabutan ko namang napangiti si baby Zeke. 'He loves attention a lot, huh?'

"Tikman mo'to, baby." Isinubo ko kay Zeke ang isang hiwa ng omelet.

"Masarap?"

"Opo." Ngumiti ito ng labas ang mga ngipin. Nakakatuwa na marunong na syang ngumiti palagi.

"Paano ako?" Si Kane na kanina pang madilim ang tingin sa akin.

"Kumain ka ng iyo, Kane." Umiirap na naman ako dahil naabutan ko ang pagmamaktol nya.

"Para kang bata," bulong ko.

"What?"

"Wala... Zeke, kain ka pa. Dami pang omelet, oh."

Pinagsandok ko ulit ito at nagpatuloy muli sa pagkain.

"Mas inaalagaan mo pa sya kaysa sa'kin..." bubulong-bulong si Kane sa may tabi ko.

"He's my son, Kane. Stop this nonsense." Babala ko.

"Asawa mo ako." Pagtatampo nya. Hindi rin sya makatingin sa'kin.

"Soon to be ex-husband, Kane."

Hindi ko naman sinadyang masabi iyon pero alam kong doon din iyon mapupunta. Inilalapit ko lang ang sarili ko sa katotohanan.






The Company series 1; Faithfully Fixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon