CHAPTER XXVI

23 2 0
                                    

"Mommy, nasaan si Kane?" Kumakain sya ng icecream kaya naman 'di sya halos makapagsalita ng maayos. Nakasakay na kami ng taxi at patungo na sa bahay namin, bahay ni Kane.

"Papunta na tayo doon. Hintay lang baby, ha?" Ginulo ko ang buhok nya na halos hanggang batok na.

'He need a clean cut, tom.'

Hila-hila ko ang malaking maleta na dala ko rin kanina sa Sylverio Corporation.

Hindi ko pa rin lubos na makalimutan ang mga nangyari. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin ni Kiel kung sakaling walang bahay si Kane.

"Mommy?"

"Yes, baby?"

"Welcome po ba tayo sa bahay nya?" Napatingin ako sa malungkot na mukha ni Kiel.

"K-kasi mommy...lagi ko syang inaaway..." pag-aalala nito.

Welcome nga ba kami? O babalik na lang kami ng Mindoro para muling mamuhay roon habang nagtatrabaho sa isang maliit na mercury store.

After a minute, nakapasok na kami ng gate. Saktong papalabas sya kaya napatigil agad kami sa nilalakaran.

I can feel the different kind of emotion running through my senses.

Guilt, pity, inis at kaba.

Tiningnan nya ako at agad na napabaling sa dala kong maleta.

"What's with the baggages?" Tanong nya ng makalapit sa'min.

Agad naman akong napaisip. Ayaw nya ba? Mukhang makakaabala nga kami dito.

"Lumayas kami sa bahay..."nakatungo kong sambit. Because I'm not proud of it.

"Dito na kayo titira?"

"If that's okay?..with you?" Ngumiti sya at dahan-dahang akong niyakap.

"Seryoso!?" Tinaasan ko sya ng isang kilay pagkakalas nya ng yakap.

Tinitigan nya ako na para bang sinusuri ang nasa isip ko. Sumulyap sya kay Kiel na nakakapit sa kamay ko.

Tapos napangiti sya.

"Seryoso ako basta ikaw lang pwede dito." At tumawa na naman sya.

"Mommy!!" Napatawa na rin ako ng makita ang mga luha na tumutulo sa pisngi ng anak ko habang gigil na nakakapit sa laylayan ng aking t-shirt.

"Shh, baby. Nagjojoke lang sya...okay?" Agad syang tumitig sakin.

Tumango ito habang humihikbi pa. 'Kawawa naman ang baby ko.'

"I'm serious, Honey. I won't let my wife and my son explore the city with a baggage!." Kinuha nya ang bagahe ko at dinala papasok sa bahay.

Lihim akong napangiti sa mga sinabi nya..

Pagkatapos naming magbihis. Nagtungo ako sa kusina at naabutan ko syang nagluluto.

"Walang maids?" Normal kong bungad sa kanya.

"Kaya ko naman kahit walang maids."
Nagpatuloy sya sa pagluluto habang nasunod lang ako sa ginagawa nya.

"I can cook and clean the house!? Wala naman akong ginagawa eh." Humarap sya sakin at sumandal sa counter ng aming kitchen.

He stares at me. "No, Ruzz. I'll work for us. Okay?" Tumango na lamang ako bago sya muling bumaling sa niluluto.

He's good at everything. May hindi pa ba sya kayang matutunan?

"Ahm...Kane?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

'Should I ask him?'

"Hmm?"

"Nagpunta kami sa company kanina...at sabi nong babae sa information desk..di na daw sa'yo ang company?" Natigilan sya sa pagluluto at napaiwas sa'kin.

"May iba na akong mina-manage." Malamig nyang sagot. At ngayon ay naghahanda na sya ng plato.

Kinuha ko 'yon sa kanya at nagpatuloy sa lamesa.

"Ako na. Ikaw sa pagluluto at ako sa paghahanda ng lamesa." I smile to assure him that I'm fine doing it.

Tumugon sya sa ngiti ko at sinundan ang bawat galaw ko. Naging uneasy tuloy ako.

"I love you, Ruzz." Tinitigan nya ako. How could he do this to me!?

Naghuhuramentado na naman ang traydor kong puso. 'Di ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin.

'I love you,too' lang naman iyon pero parang ang hirap banggitin. Dahil sa hiya at pagkakailang sa presenya nya.

Natahimik ako sa may lamesa kaya dahan-dahan syang lumapit sa akin at hinanap ang mga titig ko...

'Wrong decision, Ruzztia! Sana kasi sumagot ka na lang.'

Sumimangot ako at muling humalukipkip. Ngunit napigilan nya iyon nang hawakan nya ang baba ko.

Halos kumawala na ang puso ko habang dahan-dahan syang lumalapit sa mukha ko.

Our nose are touching. Inch na lang ang pagitan at magdadampi na ang aming mga labi.

Nanginginig na rin ang binti ko. Thanks God for the table at my back.

"I love you, Ruzz." Malambing nyang sabi habang marahang hinahaplos ang pisngi ko.



The Company series 1; Faithfully Fixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon