CHAPTER XV

31 2 0
                                    

"I have a meeting with a client, okay? I'll leave you here." Hinalikan nya ako at saka lumabas.

See that, Beshy? He just kissed me ingront of you.

Pero what if more than that pa ang ginagawa nila? Nanoot na naman ang galit sa akin. Tinitigan ko sya ng masama. I'm getting weird, all the damn time. Ano bang nangyayari sa'kin?

"What are you doing here? In my husband's office?" Diniinan ko ang salitang 'husband' para malaman nya na ako ang asawa.

'Di sya natinag. Nginitian nya ako na para bang ang bait-bait nya.

"Just talking about business, Frienny." Simpleng nyang sagot. Nag smile pa sya.

"Business your face." Prangka kung sagot tsaka nagpunta sa swivel chair ng 'ASAWA KO'.

Tinitigan nya ako bago magsalita.

"Besh, ano bang prob--" naputol iyon dahil sa isang tawag. Agad nya iyong sinagot at saka ngumiti sa akin bago umalis. Bitch!

Naiwan akong mag-isa sa opisina nya. Sobrang sakit parin ng dibdib ko. Bakit sya?

'Bestfriend ko sya, for heaven's sake, Kane!

Lumabas ako para magpahangin. Hindi ko rin naman makita si Kane kaya uuwi na lang ako.

Pagod akong humiga sa kama at tahimik na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pala pinipigilan...

I should hate my parents for this. I should blame them. I should curse them. But damn! I can't... I just can't...

Because they made me realize that not all people will hurt me the way they do. But can hurt me because I loved...

They can hurt me because I gave them the chance to stab my heart.

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa isang doorbell mula sa ibaba. Tamad akong tumayo. I search for my slippers and walk out of the bedroom.

Naabutan ko si Caley na nasa sofa.

"Ate?" Bati ko sa kanya. Pinapasok na siguro sya ni Manang Amy bago ito umalis. Umirap agad si Ate sa akin at tsaka tumayo. Naglakad patungo sa tapat ng bintana...

"So, how was my sister?" Medyo may panunuya sa boses nya. Kaya nilapitan ko sya pero di nya ako pinansin.

"I-i'm fine." Tumungo ako dahil ngayon ay hinarap na nya ako.
Kita ang inis nya sa kabila ng kanyang pagpipigil.

" Nasabi nga pala ni Kane na..." ngumiti sya bago nagoatuloy. 'Di ko inasahan ang sumunod nyang sinabi.

"Na di ka pa nagbubuntis. And you'll never be pregnant forever." Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nalaglag din ang panga ko sa nalaman na may alam sila sa kalagayan ko.

'Pa'no nila nalaman? Sinabi ba ni Kane?'

'Calm down, Az. No need to cry more. Sanay ka na, diba?'

'Sobrang sanay ka na. Pero bakit umiiyak ka pa rin?'

"He also told us that... he'll find someone to give him a child. And guess who, 'lil sis?"

Inikutan nya ako at tumigil sa likuran ko para bumulong sa tenga ko.

"Me. Little Sisi." Nakangisi sya nang hinarap ko..

Pinunas ko ang mga luha ko at tinalikuran sya. Ayoko! Ayokong makinig. Ayokong malaman yon. Ayoko!!!

"Don't hope to much, Azaleah! Because you're nothing for him!" Pahabol ni Ate Caley bago tuluyang umalis.

Padabog akong umakyat at agad na sinarado ang pintuan ng kwarto. Hinaklit ko ang aking maleta at nag-impake.

'Aalis ako. Lalayo ako. 'Di dahil natalo ako. Hindi dahil mali ako. Hindi dahil suko na ako. Aalis ako dahil nagmahal ako. Aalis ako dahil sobra ko silang minahal. At ang pananatili ko ay makakasira sa perpekto nilang buhay. Aalis ako dahil patuloy ko silang minamahal habang patuloy rin akong nasasaktan.'

Nag-impake ako nang araw na iyon. Halos ubusin ko lahat ng damit sa closet ni Kane.

Kung aalis ako, wala akong ititira. Wala namang silbi kung sakaling magtitira ako. Wala iyong halaga.

The Company series 1; Faithfully Fixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon