CHAPTER XXIV

21 3 0
                                    

"Ma, hindi." Pagtanggi ko.

"Eh, ano pala kung ganon?" Tanong ulit ni Mama.

Wala akong pakialam sa mana, wala akong pakialam sa yaman. Ang tanging may halaga sa akin ay ang batang kasama ko. Ang pamilya ko.

"Aalis na lamang po kami. Kung ganyan din lang po kayo sa kanya... then we'll leave immediately."

"Bumalik ka na sa asawa mo kung ganon. Kasi wala din namang mamanahin ang anak-anakan mo, Azaleah!" Sigaw ni mama habang papaalis ako sa kanilang harapan.

Hindi ko maiwasang manlumo.

Pagod na akong unawain silang lahat...

Pagod ako sa byahe..

Pagod ako sa pag-aalaga kay Kiel..

Pagod akong intindihin ang buhay ko..

Kung sakali man na may isang pagkakataon ako na may maibalik..

Ibabalik ko ang sarili ko sa panahong wala pa akong sa mundong ito..

Sa panahong 'di ko pa nasisilayan ang pamilyang kinalakihan ko..

Ang pamilyang minsan ay sobrang sinaktan ako.

"Mommy, saan po tayo?" Bulyaw sa'kin ni Kiel. Mumukat-mukat pa sya nang luminga-linga sa paligid.

"Sa hotel, baby." Wala sa sarili kong pagsagot.

Gusto kong maiyak dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman. Gusto kong pumunta kay Kane. Gusto kong bawiin nya ako kina mama.

Pero...

Pero ako ang nagdesisyon nito. Ako ang nagdesisyon na uuwi kami at pumayag sya.

Tumango lamang sya. Kaya hinaplos ko ng bahagya ang pisngi nya at tinitigan sa mga mata. Malamyos iyon, payapa, inosente at walang bahid ng pag-aalala.

"Si Kane? Mommy?" Tumungo sya ng tanungin nya ako.

Ngayon ang unang pagkakataon na hinanap nya si Kane. Ito rin ang unang pagkakataon na nakitaan ko ng lungkot ang boses nya.

"Bukas baby. Pupuntahan natin sya." 'Oo...pupuntahan natin sya.'

'Pupuntahan natin sya. Sana lang walang Caley o Avery na nasa opisina nya.

Maaga ako kinabukasan. Bihis na si Kiel nang lumabas ito sa banyo.

"Tara na, Mommy?" Masyadong excited sya ngayon.

Hindi ko alam kung namiss nya ba si Kane.

Inakay ko na sya papalabas ng hotel.
Wala pang kalahating oras at nakarating na kami.

Tiningala ko kaagad ang kataasan ng Sylverio Corporation nang makababa kami ng taxi. Ganoon din ang ginawa ni Kiel.

"Wow! Ang taas!" Makhang puna nito sa gusali.

"Ang taas, Mommy!"

Dalawang security guard ang nagbukas ng sliding door para sa'min.

"Good morning, Madame." Bati ng babaeng nasa information desk.

"Good morning." Simpleng ngiti ang iginawad ko sa kanya.

"May I know, where's the current office of Mr. Kane Sylverio?" Nagulat ang babae sa tanong ko at 'di agad nakapagsalita.

"I'm sorry, Ma'am. Mr. Sylverio isn't here anymore."

"What!?" Napalakas yata ang boses ko kaya agad kaming nakaagaw ng atensyon mula sa mga employees.

"Miss, ano? Anong--?" Luminga-linga ako at bumaling ulit sa babae.

"Hindi na po si Mr. Sylverio ang namamahala sa Sylverio Corporation, Ma'am."

Ano!? Panong? What the hell just happened nong wala ako!?

Agad na pumasok sa utak ko si Kane...

Naguguluhan ako, nagtataka.. Iisa lang ang makakapagpaliwanag nito.

"Anak, tayo na." Hinila ko na si Kiel kahit pa namamangha pa itong naglilibot sa may gilid ko.

I don't want to fish some information here. I want the truth. No lies. No sugarcoats. No fvcking bullshits.

'GOD DAMN IT! WHAT HAPPENED?'

Hindi sa big deal sa'kin ang company pero nakasalalay sa kompanyang iyon ang kompanya ng pamilya ko.

What if nakuha iyon ng ibang company dahil sa kapabayaan ni Kane?

Kaya ba galit sina mama sa akin dahil sa pagkawala ni Kane sa SC?

Padabog akong naglakad papalabas habang hila-hila si Kiel. Patong-patong na ang bigat sa dibdib ko..tapos isasama pa ito.

Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko dahil sa pagkairita sa sitwasyon. Pilit mang pigilan ngunit sadyang 'di ko magawa kaya't marahan ko na lamang itong pinalis.

'Alin ba ang uunahin ko? Kamustahin sina mama dahil alam kong nawalan sila ng kompanya? O si Kane na kailangang magpaliwanag sa'kin?'

'God! I tired of it, it's freaking bad...'


The Company series 1; Faithfully Fixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon