"Rasha!?" Gulat pero masaya ang pagbati ko. At totoong masaya ako dahil sobrang namiss ko sya.
Maayos ang naging pag-uusap namin sa telepono. Hanggang sa 'di ko maiwasang malungkot at maluha nang tanungin nya ako.
"Are you okay?" He asked over the phone.
"C-can I go t-there?" Pagbabakasali ko habang pinipigilang humikbi. I just missed him a lot.
Sya lang ang only one boy bestfriend ko. Dahil wala namang ibang pwedeng kumausap sa'kin ng matagal dahil napapagalitan ni mama.
Si Rasha kasi sa labas lang ng subdivision namin nakatira at empleyado naman ni daddy ang ama nya.
Mabagot ang byahe dahil ako ang nagmamaneho ng kotse pero nakarating rin ako ng maayos sa kanila. Kung may pinagbago man sa bahay nila. Ito ay ang mga nagtataasang mayayabong na puno sa tapat nila na noon ay pinipitas pa namin ang mga dahon ipang gawing pera-perahan tuwing naglalaro.
Mahirap lang sina Rasha pero mabait at presentable ang pamilya nila. Mahirap lang sila kaya naman ganoon ko na lang pahalagahan ang mga bagay na binibigay nya. Kaya nang bilhan nya ako ng manika ay labis kong pinahalagahan iyon.
Dahil alam kong pinaghirapan nya iyon.
Alam kong nagsubi sya ng baon nya para lang doon.Mapait akong napangiti ng maalala na ang manikang iyon ay dati naming pinag-agawan ni Ate Caley. Ano na kayang nangyari doon?
"Okay ka lang ba?" Bungad ni Rasha ng makapasok ako sa kanila. Saglit nya akong niyakap at tinitigan para sa sagot.
"Oo. Okay lang. I missed you." Umupo ako sa kama nya na medyo maliit at amoy panlalaki.
Wala ngayon ang mama dahil nagtatrabaho umano bilang public nurse sa isang 24/7 na clinic.
"Kuha lang ako ng makakain at inumin." paalam nya na agad kong tinanguan.
Hinintay kong makaalis sya bago tumayo at pinasadahan ang mga nakadisplay sa kwarto nya.
"Rasha David Rocero," binasa ko ang isang diploma nya. Noong college?
"Nagcollege ka pala, Rash?" Tanong ko nang makabalik sya. Ngayon ay may dala syang ice cream at snacks.
"Ah,oo... Movie marathon tayo?" Anyaya nya habang nauupo sa kanyang kama.
Masaya palang mag movie marathon ng may kasama. Dati kasi mag-isa ko itong ginagawa kapag wala ng klase at kapag wala sina mama at daddy sa bahay.
Kung 'di ko lang sya best friend, iisipin kong may balak sya sakin. Kakaiba kasi iyong tingin at ngiti nya simula pa kanina.
"Ba't g-ganyan ka makatingin?" Kyuryosong tanong ko habang sumusubo ng ice cream.
"I just missed you so damn much, Ruzz." Sagot nya bago muling ngumiti at ipinagpatuloy ang panonood.
Matagal na katahimikan bago sya muling magsalita. This time seryoso iyon at may bahid ng pag-aalala.
"Okay ka na ba talaga? I can help, you know." Panimula nya. Tinitigan nya ako at naghintay ng pagsang-ayon. Ngunit ng maramdamang di ko gagawin ay nagpatuloy sya.
"Ruzz, pwede kitang iuwi sa probinsya. Doon ka muna... Walang makakaalam na nandoon ka." Pag-aalala ang nangibabaw sa boses nya kahit kung papakinggan ay para pinipilit nya ako.
Kung 'di lang sya mahirap, inisip ko na siguro na sana sya na lang ang pinakasalan ko para sa kompanya.
'Sana ikaw na lang ang pinakasalan ko, Rasha.' Bulong ko sa aking isipan.
"Hindi na, Rasha. Okay lang ako, wag kang mag-alala..." 'ginagawa ko ito para sa pamilya ko.' Di ko na binanggit pa iyon dahil kilala ko si Rasha. Pipilitin nya lang ako lalo pag nalaman nyang iyon ang dahilan ko.
He gently cupped my face na ikinagulat ko. Titigan nya ako ng diretso bago muling nagsalita.
"Ruzz, nandito lang ako palagi. Okay?" Niyakap ko sya ng mahigpit at tuluyan ng napaluha. Agad ko iyon pinalis bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"Okay lang ako, Rasha. 'Wag mo akong alalahanin. Ano ka ba? Monte itong kausap mo, noh!" Pagpapasaya ko sa usapan.
Bahagya syang ngumiti ngunit nababakas ko pa rin ang kanyang pag-aalala.
Magsasalita pa sna ako kaya lang biglang tumunog ang cellphone ko at halos mapatalon ako ng makita ang pangalang nagflash sa screen.
BINABASA MO ANG
The Company series 1; Faithfully Fixed
Novela JuvenilAzaleah Ruzztia Monte, a careful daughter of a businessman who's been experiencing a greatest and heavy day from her own family. Every time she tries impressing her family, it turns out bad. Laging sya iyong naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang...