"Oh, tapos ka na?" Naabutan ko syang nagliligpit ng pinagkainan kaya agad ko iyong inagaw.
"Ako na... maligo ka na lang muna at ihahanda ko ang mga damit mo."
Tumunganga lang sya sa harap ko kaya naman napatingin ako sa gawi nya.
"Nasan ang Cr nyo?" Tanong nya
"Gusto mo bang ako na magpaligo sa'yo?" Agad naman syang tumango.
"Opo!" Masigla nyang sagot.
"So... Wala kang pangalan kundi totoy lang? Tama?"
"Uom" habang pinaliliguan ko.
"Palaboy na ako simula pagkabata...wala akong pangalan. Lumaki ako sa k-kalye.." pagpapatuloy na na halos mangiyak-ngiyak.
Tinahan ko sya at agad na niyakap.
This boy somewhat amazed me. Bitter ako ngayon ngunit itong bata na nasa harap ko... pinagkaitan sya ng lahat. Pinagkaitan ng pagmamahal, pamilya at ng matatawag na tahanan pero nagagawa pa rin nyang ngumiti na parang wala lang iyon sa kanya, na parang kaya nya lahat ng iyon.
This man amazed me. BIG TIME!
Dumaan pa ang ilang linggo at pinarehistro ko sya sa munisipyo dito sa Calapan.
I named him, Ezekiel Kane. I know it is somewhat connected on my husband's name. But I can't just name him anything that's not special.
He'll be a Monte, sooner or later.
Nakatulog sya habang nanonood ng TV sa bedroom.
"I guess I should prepare a bed space for you, sleepyhead." Bulong ko habang naiiling na tumatawa.
Tinitigan ko sya at madahang hinawi ang mga hibla ng buhok na nagtigil sa kanyang noo.
"Soon, you'll bring my last name...and I will be a proud mother that time."
"Miss, saan ang snacks section nyo?" Tanong ng isang ginang na nasa katandaan na.
"Dito po, Ma'am." Magalang na anyaya ko sa ginang.
"Gusto kasi ng anak ko ng mga snacks. Pinadaan nya ako dito para bumili dahil bibisita ang mga kaibigan nya." Masayang kwento ng ginang.
Agad namang naglakbay ang imahinasyon ko sa batang nasa counter.
Sya habang masayang nakikipagtawanan sa mga kaklase at kaibigan nya. Lumaki syang puno ng pagmamahal at masunuring bata.
Muli ako napalingon sa counter at nakita ko si Ezekiel na kumakaway sa akin.
Kumaway ako pabalik.
"Sabi pa nya, bumili din ako ng softdrinks." Dugtong pa ng ginang.
"Yes po, Ma'am. May mga drinks po kami dito." At sinamahan ko naman sya patungo sa mga drinks.
Nagtagal pa ang ginang dahil sa kwentohan namin.
"Anak mo, Miss?" Sya habang nakangiti sa anak ko na kumaway sa kanya.
"Hello." Simpleng ngiti ni Ezekiel.
"Ezekiel, bless ka."
"God bless you, bunso." Tugon ng ginang.
"Your name was so nice. Like your mom."
"Thank you Ma'am."
Maya-maya pa ay nagpaalam din naman ang ginang. Medyo napatagal na nga rin sya.
3 Days Later...
"Mommy! Mommy!" Agad naalimpungatan sa kalabog ng hagdan at sa malakas na tawag ni Zeke.
Mumukat-mukat na hinarap ko sya.
"Baby, ang aga pa..." hinila nya ang kamay ko papalabas na pinagtaka ko dahil hindi nya iyon ginagawa noong mga nakaraang araw.
"Mommy, may tao po."
"Huh?! Tao?" Takang tanong ko habang inaayos ang damit ko.
"Pinapasok mo ba, Zeke?"
"Hindi po... nasa labas." Tiningala nya ako at tsaka itinuro ang pintuan.
Damn! Inaantok pa ako. Sino naman ang taong pupunta ng ganito kaaga? Nagmamadali akong naglakad habang sya ay nakabuntot sa'kin. Kapit ang laylayan ng aking damit.
"Mommy, may food sya." What?
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa'kin ang isang Kane Ashton Van Sylverio.
Loose polo shirt, messy hair, bloodshot eyes at mukhang pagod pa sa byahe.
Napasinghap ako at naghanap ng salita.
'Bakit sya nandito? Paanong-?'
Dali-dali akong tumalikod at isasara na sana ang pinto.
Agad iyong naagapan ni Kane. Nahagip nya ako sa braso.
"Ruzz," mahinahong tawag ni Kane. Halata ang pagtitimpi nya.
"Baby, akyat ka muna sa kwarto ni Mommy, ha?" Pakisuyo ko kay Zeke.
Agad naman itong tumango at madahang naglakad pataas. Sinundan ito ng tingin ni Kane.
"Mommy?"
Pinalampas ko ang tanong nya.
'How can he show off like this?'
Galit ko syang tinitigan.
"What?!" Sa loob ng ilang linggo na pamamalagi ko sa Mindoro ay hindi ko man lang sya naramdaman.Ngayon narito na sya ay tila bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noong unang araw na tumungtong ako rito.
"How dare you." Nagtitimpi kong saad.
'How dare you play with my feeling. How dare you. You fool me, Kane.'
Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gusto linawin pero pagod na ako.
"Ruzz, please." Hindi ko alam kung naluluha ba sya but I can see it from his eyes.
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib. Bigla kong naramdaman ang pagtitiis nya nang mga panahon na hindi nya alam kung nasaan ako. Ramdam ko ang pagtitimpi nya na hindi ako yakapin.
I can feel it through his eyes.
Heto ako, eh...dapat galit ako sa kanya. Dapat wala na akong pakialam sa kanya. Kaso 'di ko magawa. Tumitiklop ako kasi mahal ko.
Nakatayo ako sa harap ng lalaking kumuha ng lahat sa'kin. Gusto ko ng maluha.
Agad nya akong niyakap. Kaya pinilit kong kumawala mula sa mga bisig nya.
"Kane, b-bitiwan mo ako!" Pinilit kong pigilan ang mga luha ko.
Tinulak ko sya kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko at nagpatulak naman sya. Wala ng lakas para muli pa akong mayakap ng hindi kumakawala.
Nanghihina syang tumingin sa mga mata ko. Sinusuri ang buong ekspresyon ko na tila ba isa akong relika na natagpuan makalipas ang ilang mahahabang dekada.
Bloodshot. Tears. Weaked. I avoid his features.
Dahil tuwing makikita ko iyon. Gusto ko na lang ulit na magpakalunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Company series 1; Faithfully Fixed
Teen FictionAzaleah Ruzztia Monte, a careful daughter of a businessman who's been experiencing a greatest and heavy day from her own family. Every time she tries impressing her family, it turns out bad. Laging sya iyong naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang...