Ruzz, uwe na tayo!?" anyaya ni Avery. May kasayaw pa syang banyaga at tila nag-eenjoy pa.
"Enjoy ka muna!" Sigaw ko pabalik dahil sa lakas ng tugtog.
"Pero naghahanap na sina tita sa'yo... Tumatawag sya!" Alam kong hahanapin nila ako at kay Avery lang nila ako makikita dahil sya lang naman ang nag-iisa kong best friend. Sya lang din ang mahilig sa mga party, clubs at gala kaya magkasundo kami.
"Azaleah Ruzztia Monte!" Pagbabanta ni Dad na tuloy-tuloy akong naglakad papasok ng bahay.
Nakatayo lang sya sa harap ng mahabang lamesa sa dining area. Nakapamaywang ang kanang kamay at sapo naman ang noo ng kaliwa.
"Dad, I'm old. I can choose who I want to marry!" Medyo malakas na ang pagsasalita ko dahil na rin siguro sa epekto ng alcohol na ininom namin ni Av, kanina.
"Dad, please? I don't like-"
"Enough, Ruzztia! Enough!" Pagkakalma ni daddy sa sarili nya habang si mama ay tahimik lang na nakatayo sa may hamba ng pintuan patungong kusina.
Di na naman nya ako ipagtatanggol. Wala na naman syang gagawin?
Mapait akong napangiti ng may sumagi sa isipan ko. Kelan nga ba ako kinampihan ni mama?"Azaleah, akin na lang 'yang doll mo?" Bungad ni Caley Shane, ang panganay kong kapatid.
"P-pero akin 'to, Ate Caley. Bigay 'to ni Rasha." Pagtanggi ko sa kanya. Ikinipit ko rin sa mga braso ko ang manika para protektahan kay ate. Pero dumating si mama para pakiusapan ako sa hinihingi ni Ate Caley.
"Sige na, Azaleah. Bibilhan ka na lang namin, ha?" Panunuyo ni mama upang makuha ang doll.
"P-pero,Ma..."
"Azaleah, ibigay mo na sa ate mo. Okay?" May tono sa boses ni mama na tila maawtoridad nyang sinasabi na ibigay ko na. Kaya wala akong nagawa kundi pigilang maluha sa harap nila habang dahan-dahang iniaabot ang manika ko kay Ate Caley.
Lumuluha akong tumalikod sa masayang mukha ni Ate Caley.
"Regalo 'yon ni Rasha, eh... Regalo nya iyon s-sakin..." Agad naman akong sinalubong ni Manang Amy para patahanin.
" Shh...tigil na, anak...shh..." pagtatahan ni Manang kahit na patuloy parin ako sa paghagulhol.
Yakap ako ni Manang hanggang sa makatulog ako. At magising ng may bahid parin ng bigat sa dibdib.
Sa murang edad, naramdaman ko ang mga bagay na dapat 'di ko nararamdaman. Sa murang pag-iisip naitatak na agad sa utak ko na kahit libong bagay ang ibigay ko at isakripisyo, di ako magiging kasing halaga ni Ate Caley.
Kelan nga ba ako kinampihan ni mama? Puro sya Caley. Si Ate Caley ang maganda! Si Ate Caley ang matalino at magaling! Si Ate Caley ang maayos, mabait at may mararating sa buhay!
'Si Ate Caley pala, eh! Ba't ako ang ipapakasal nyo sa lalaking 'di ko pa man lamang nakikita at nakakausap? Ba't ako ang sasalo nito para sa kompanya?
Ganoon ba ako kapatapon?
BINABASA MO ANG
The Company series 1; Faithfully Fixed
Novela JuvenilAzaleah Ruzztia Monte, a careful daughter of a businessman who's been experiencing a greatest and heavy day from her own family. Every time she tries impressing her family, it turns out bad. Laging sya iyong naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang...