Chapter 07

23 5 3
                                    

Chapter 07

Calvin's gaze made my entire body tremble. He walks slowly towards me, but he still appears to be quite attractive. His eyes shone like stars in the dark. He gently touches my face, causing electricity to flow throughout my entire body. Ramdam ko naman ang nag huhurumentado kong puso.

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

"Why didn't you tell me where you were going?," He asked me with full of sincerity in his voice.

"Sorry, I just can't tell anyone..." I sighed. Hindi ko rin tinuloy ang sasabihin ko dahil alam kong nasa likuran ko lang si Nathan na mariing nakikinig sa usapan namin.

"Ayoko lang maka abala kung kanino man." Mahinang dagdag ko. Gustuhin ko man sabihin ngunit hindi kaya ng ego ko. I just can't tell anyone else. I want to solve my own problems without relying on others.

"Hindi ka abala at hinding hindi ka magiging abala," he said. I don't know why he's been so thoughtful to me recently. We're not even close. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng tao na malapit sa akin, s'ya pang malapit sa akin ang nag aalala sa 'kin ng sobra.

"Pa-paano ka nakapunta rito?" Nag tatakang tanong ko sa kan'ya. Hindi ko alam pero kailangan kong baguhin ang usapan.

"I came to your house to ask if they knew where you were. Your aunt didn't know either and when she called you I was right there, so she immediately told me where you were." His eyes were full of emotions. Hindi ko na alam ang gagawin o sasabihin sa kanya, nahihiya ako dahil hindi naman n'ya kailangan gawin pa 'to. Sobra na 'kong nakakaabala sa kan'ya.

"Paano attendance mo sa school? Paano si Cala?" Pag tatanong ko.

"Don't worry, I'll take care of it." He said it confidently, and now he's smiling as if he's relieved.

Nilingon ko naman ang lalakeng nasa likuran ko, napansin ko na mariin ang titig n'ya kay Calvin. Naputol lang ang titig n'ya ng mag salita si Lola.

"Hija, kanina pa ang kaibigan mo rito pinapapasok ko naman s'ya, pero ang sabi ay aantayin ka nalamang n'yang makadating. Alalang-alala ang kaibigan mo." Lola Petchie said while she's looking at Calvin. Napansin ko ang pag aalala ni Lola rito. Naawa siguro s'ya sa nadatnan n'ya, dahil kitang-kita sa mukha ng lalake ang pag kapagod.

"Pumasok na muna kayo at gabi na," pag aanyaya ni Lola sa amin.

"Nay Petchie, mauna na ho ako." Pag papaalam ni Nathan. Hindi ko alam kung mahihiya ako sa kanya ramdam ko na nag tataka s'ya sa pag dating ni Calvin at ekspresyon nito ng nakita ako. Dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya kung anong nangyayare sa akin.

"Mayi, una na ako." Tinanguan ko na lamang ito hindi ko alam kung bakit walang salitang lumabas sa bibig ko. Ngumiti ito at pinasadahan ng tingin si Calvin bago tumalikod sa amin.

Gusto ko s'yang tanungin kung aalis na ba s'ya o magtitigil ba s'ya. Hindi ko alam! Naguguluhan ako my G!

"Mayi, pumasok na kayo nag handa ako ng pag kain para sa bisita mo," anas ni Lola.

Nahihiyang inaya ko naman si Calvin buti nalang ay sumunod agad ito. I'm not sure, but I think I'm sweating cold.

Ano ka ba Mayi umayos ka naman!

Pumunta ako ng kusina para tulungan si Lola sa pag hahain ng mga pinggan.

"Ang gwapong binata naman ng kaibigan mo apo hindi mo ba manliligaw iyon?" Pang aasar nito sa akin. Paanong manliligaw e ang suplado nan at bago ko lang rin nakilala 'no.

"Hindi po La, kaibigan ko lang talaga 'yun kung tutuusin nito ko lang rin naka close 'yon." Pag papaliwanag ko.

"Baka may gusto sa iyo?" I can see the sarcasm on my grandmother's face.

My Life's StoryWhere stories live. Discover now