Chapter 11
It's been 3 days since the last time I saw him. I didn't even bother to text him, dahil alam kong abala pa rin s'ya kay Cala. It's Saturday at hindi ko alam ano bang magandang gawin. Maaga akong bumaba ng kwarto dahil maaga rin akong nagising. I saw sweeping at her mini garden.
"Goodmorning Tita, ako na po ang maglilinis d'yan." Pagbati ko sa kan'ya. Ginawaran n'ya naman ako ng mga ngiti.
"Nako Mayi, 'wag na at matatapos na rin naman ako maupo ka nalamang d'yan." Saad nito. Ang hirap pa naman n'yang pilitin, naupo nalang ako sa sa isang silya.
"Tita..." Pagtawag ko sa kan'ya.
"Hmmm?"
"Alam n'yo po bang may bago ng pamilya si Daddy?" Agang-aga hindi ko alam bakit ganito ang lumabas sa bibig ko. Although hindi naman na ako masyadong na aapektuhan dahil unti-unti ko ng natatanggap. Napansin ko ang pag lungkot ng ekspresyon ng mukha n'ya. Parang maling nag tanong pa ako.
Ngumiti ito bago nag salita. "Malaki ka naman na Mayi kaya dapat lang nasagutin ko ang tanong mo."
"Matagal ng girlfriend ng Daddy mo yung asawa n'ya ngayon, highschool sweet hearts sila noon pa man. Pero nag hiwalay sila dahil umalis yung babae, kaya natagpuan n'ya ang Mommy mo. But even if your mother knows your dad's love to someone else, she still accepts him and shows him more of her love. Kaya siguro napamahal rin ang Daddy mo sa Mommy dahil kahit sino mahuhulog sa Mommy mo ideal girl kaya s'ya," sabay kaming napangiti. Grabe bakit ba kasi hindi ko s'ya nakilala manlang kahit saglit.
"Siguro, hindi natin masasabi na baka sila talaga yung sa isa't-sa. Alam kong hindi madali tanggapin 'yon Mayi. Alam kong malayo na ang loob mo sa Daddy mo pero gusto ko lang malaman mo na sobrang mahal ka ni Daddy mo," she said.
Hindi ko alam kung dapat bang maniwala pa ako. Iniwan nga n'ya ako at pinag palit sa babaeng una n'yang minahal. Samantalang ako? Parang sabit sa pamilya ni Tita. Kahit isang dalaw hindi n'ya nagawa sa 'kin. So how can I forgive him that easily? I've never thought he would be the first man to break my heart.
Ngumiti na lamang ako ng tipid sa kan'ya. Alam kong ramdam n'ya ang ibig sabihin nga pag katahimik ko.
"Mayi, let's bake?" Pag anyaya n'ya naman sa 'kin. Masasabi kong magaling si Tita mag bake, halos sa lahat naman ata ay magaling s'ya.
We proceed to the kitchen and prepare some utensils. It's a good thing Tita always had her pantry ingredients on hand. Nakahanda na lahat ng gagamitin namin. We were both having a good time while baking. She was telling me about some random things she and my mother had made when they were young. Ang sarap pakinggan ng bawat kwento ni Tita lalo na pag nababanggit si Mommy, I imagine my mother having a good time during her teenage life.
My phone suddenly rings in the midst of a pleasant conversation with Tita. Sumenyas naman akong sasagutin ko lang ito at tumango naman s'ya.
It was Ervin.
"uhmmm.. good morning nagising ba kita?," halata ang nahihiya n'yang boses sa kabilang linya.
"Nope, kanina pa 'ko gising. Napatawag ka?" pag tatanong ko.
"I haven't seen you in a few days and... I'd like to invite you sana na lumabas? kung ayos lang?" he inquire, somewhat shyly. Buti na lang ay wala rin naman akong gagawin kaya makakasama ako kay Ervin.
"Sure! what time ba?" I asked.
"Totoo ba? payag ka? hindi ba ako nakaka abala? o napilitan ka lang?" sunod-sunod na tanong Natawa naman ako sa reaction n'ya dahil parang hindi s'ya makapaniwala na pumayag ako.
YOU ARE READING
My Life's Story
Dla nastolatkówMost people nowadays believe that "you only live once, so do what makes you happy." Yes, we only have one life, but have you ever considered that if you do something that makes you happy, there will be a significant exchange? How are we going to de...