Chapter 06

18 6 3
                                    

Chapter 06

Ang dami n'yang message hindi ko alam kung anong ire-reply ko. Kailangan ko bamg mag paliwanag sa kanya? Nakakahiya naman dahil ang aaalala s'ya. Ang gulo!

"Mayi halika na anong inaantay mo ba d'yan?" Tanong sa akin ni Lola ng makitang hindi pa ako naalis sa kinatatayuan ko.

"Teka lang ho, mag text lang po ako kay Tita." Saad ko.

"O, s'ya ssige sumunod ka na at ihahanda na ang hapag." Umalis na rin ito at nag diretso sa loob.

Nag tipa rin agad ako ng reply sa kanya.

To: +6915*****65

Me: I'd like to refresh my mind,  sorry if I made you worried.

Pag katapos sa kanya ay nireplyan ko rin ang ibang kaibigan ko na a absent muna ako ng tatlong araw. Alam kong marami akong malalaktawan na gawain sa school. Mahihirapan ako mag habol, pero ams kailangan kong maayos ang mental health ko.

To: Tita Neth

Me: Tita nasa Laguna po ako, balak ko po sanang mag tigil kahit 3 days dito. Hindi na po ako nag paalam para hindi maabala ang tulog n'yo. Pasensya na rin po kung ngayon lang ako nag sabi.

Pag katapos kong magtipa ng mga mensahe ay pumasok na 'ko. Nakahanda na ang mga pag kain, uupo nalang talaga ang gagawin ko. Nakaupo sa gitna si Lola sa gitna habang nasa kanan naman si Nathan. Umupo naman ako sa left side. Ang daming niluto ni Lola, mantalang dalawa lang silang nandito ngayon. Ang pinsan ko namang si  Erick ay may pasok.

"Hija, hindi ba't nag aaral ka? Wala ka bang pasok?" Tanong nito sa akin habang kumakain kami.

"Umabsent po muna ako ng 3 days para makapag bakasyon kahit saglit." Hindi ko alam kung tama ang dinahilan ko. Alam kong biglaanang ang punta ko dito, hindi ko rin alam kung bago ba ako umalis dito ay maayos na uli at maaliwalas na ang utak ko.

"Ganoon ba, alam ko na kung bakit biglaan ang pag parito mo dito." Ngumiti s'ya ng tipid.

Hindi na ako nag salita pa, imbis ay nginitian ko nalang ulit ito. Tahimik kaming kumakain. Minsan ay nag bibiro si Nathan upang mabasag ang katahimikan na pumapalibot sa amin.

"Nay Petchie, alam n'yo ho ba nung bata pa 'yang si Mayi napaka suplada po n'yan. Nakikipag kilala lang naman ako sa kanya noon dahil wala s'yang kalaro bukod sa mga pinsan n'ya. Tapos ho yung isa n'yang pinsan na pagkataray taray rin lagi s'yang inaaway." Pag ku kwento ni Nathan.

Tandang-tanda n'ya talaga mga childhood memories namin!

"Hindi naman kasi kita kilala 'no kaya bakit kita papansinin!" Natatawang saad ko.

"Pero nung inaway po s'ya, pinagtanggol ko ho iyan kasi paiyak na s'ya." Exaggerated s'ya masyado mag kwento! Hindi ako paiyak noon. Hindi ako umiiyak pag inaaway ako.

"Hindi ako paiyak noon 'no!" Pag depensa ko. Natatawa si Lola habang nag ke kwento si Nathan at eto ako nakasimangot dahil parang ang maldi-maldita ko sa kwento n'ya.

"Nakakatuwa nga kayo nung mga bata kayo, basta nandito si Mayi ay malamang nandito ka na rin Nathan." Totoo nan ang sinabi ni Lola. Para kasing tuta itong si Nathan pag nauwi ako ng Laguna.

"Kaya alam mo ba Mayi, nung hindi ka na napapasama sa pag uwi napakalungkot nitong si Nathan. Halos araw-araw s'yang nadalaw dito para tanungin ka. Oh kaya naman pag kwentuhin ako tungkol sa 'yo." Dagdag ni Lola. Hindi ko akalain na may nag aantay pala sakin rito sa pag uwi ko.

Nahihiyang nag kamot naman ng ulo si Nathan. Ayan aasar-asarin mo ako! Ikaw pala itong hapit makita ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Someone is calling. Si Tita Neth.

My Life's StoryWhere stories live. Discover now