Chapter 13

9 1 0
                                    

Isang araw nalang at magaganap na ang foundation day. Walang klase ngayon dahil halos lahat ay busy sa pag aayos ng kanya kanyang booth. Marriage booth ang na assign sa amin kaya medyo madaming aayusin. Good thing is may kaklase kaming sakristan na pedeng mag panggap na pari.

"Pres! Saan ko ipu-pwesto 'to?" Tukoy n'ya sa hawak na bulaklak.

"D'yan nalang Lance sa left side medyo malaki pa naman ang space d'yan," anas ko habang tinuturo sa kan'ya.

Sa field naka p'westo ang mga booth kaya madaming estudyante ngayon dito para mag ayos. Nakakasalubong ko minsan si Calvin pero hindi n'ya ako tinitignan o nililingon. Napadalas naman ang pag punta sa 'kin ni Ervin, ayos lang naman dahil wala namang ginagawang masama si Ervin.

Nagulat ako sa biglang nag takip ng mata ko.

"Hoy, shit sino 'to?" Anas ko habang nag pupumiglas.

"Hulaan mo," he chuckled.

"Ervin!" Binitawan n'ya ang pag kakatakip sa mata ko ng banggitin ko ang pangalan n'ya.

"Busy ka ata sobra you're not replying e," he said. Napakuha naman ako sa cellphone kong nasa bulsa ko at nakita ko ang sunod-sunod n'yang message.

"Sorry, naka silent pala phone ko." Nahihiya kong tugon sa kan'ya. He just gave me a smile.

"So, kamusta photo booth?" I asked.

"Well, I think everything is fine naman and it has a retro theme." He answered.

"So, I'm here to invite you na pumunta ka sana sa booth namin after lunch tomorrow? If it's okay with you?" He added.

"Oh, sure! Basta hindi kukulangin ng tao dito." Anas ko. Kailangan ko parin tumulong dito sa booth namin hindi ako p'wede mag pagala-gala.

"Vin! Need ka namin dito," pag tawag ng member n'ya.

"So, alis na 'ko ha? I'll wait you there tomorrow." Halos hindi maipinta ang saya sa mukha ni Ervin bago ito makalayo sa 'kin.

Napansin kong natanggal naman sa pag kakadikit yung telang kinabit nila. I decided to climb the ladder to fix it, but on the fourth step, I slipped!

Napapikit na lamang ako sa gulat, napansin kong hindi ako nahulog sa sahig. Kung hindi sa bisig ng isang lalake. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Tumambad sa harap ko ang nag aalalang mukha ni Calvin. Hindi ako agad nakagalaw sa pag kakagulat.

"Are you okay?" He asked. Tumayo ako at inayos ang sarili.

"O-okay lang ako," malalim ang pag hinga ko dahil sa pag kakagulat. Ang tagal n'ya akong iniwasan kaya med'yo awkward na mag usap kami at sa ganitong pang yayare pa.

"Nag lunch ka na?" He asked. Umiling naman ako dahil wala pa 'kong kain simula kanina.

"Sabay na tayo?" He bites his lower lip like a nervous child, waiting for my response.

Dahil sinagip n'ya naman ang buhay ko why not 'di ba? Sino ako para tumanggi? Char.

"Sige," said I, and gave him a smile.

Sa cafeteria lang kami sa loob ng school kumain. Halos ng napapadaan sa harap namin ay napapalingon. At sino ba naman ang hindi mapapalingon kung kasama mo ang isang Calvin Acuesta?

"Eat your food, stop staring at me," he uttered. Napakunot naman ang noo ko at agad na dumepensa sa sinabi nito.

"Huh? Bakit 'di naman kita tinititigan 'no!"  Oh, Mayi, you're so defensive!

"Kaya pala halos matunaw ako," he chuckled.

Hindi ko nalamang s'ya pinansin at bumaling nalang muli ako sa pag kain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Life's StoryWhere stories live. Discover now