Chapter 08

23 6 3
                                    

Chapter 08

Pupungas-pungas akong bumangon mula sa kama ko. Ang hapdi ng mata ko! Akala ko makakatulog na ako ng maayos kagabi dahil uminom ako ng gatas. Pero dahil sa nabasa kong tweet hindi ako nakatulog ng ayos, masyado kong inisip ang kalagayan ni Calvin. Kailangan ko mag ipon ng lakas ng loob para matanong si Calvin mamaya. Kailangan kong kapalan ang mukha ko.

Nag toothbrush at naligo muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. May cr naman ang dating kwarto ni mama kaya hindi ko na kailangan pang lumabas. I'm currently dressed in sweatpants and a tank top, mamaya na ako mag bibihis ng pang alis dahil maaga pa naman.

Pag kalabas ko ng kwarto ay amoy ko na agad ang fried rice. I thought lola was cooking at first, but as I approached the kitchen, I noticed Calvin wearing a gray sando and a floral apron.

Ang hot n'ya!

Tama na imagination Mayi, pero totoong ang hot n'ya talaga.

Hindi ko alam kung matatawa ako dahil hindi tugma yung apron sa katawan n'ya. Seryoso? Floral?

Nakakasamid kahit nakatalikod ang g'wapo!

"Goodmorning," nagulantang ako ng bigla s'yang bumati sa 'kin nakatingin na pala ito ng diretso. Nakita ko ang pag ngisi n'ya ng makitang natauhan ako.

"G-goodmorning," I sit at the counter bar to hide my trembling voice and my shyness between us.

Ha? Talaga ba? Nahihiya ka na sa lalake?

"Nasaan pala si Lola at Manang? Bakit ikaw ang nag luluto d'yan?" Pag tatanong ko.

"Nag didilig sa labas si Manang at ang Lola Petchie nag kakape sa veranda," tugon nito. Wow? Lola?

"Bakit ikaw ang nag luluto?" I asked.

"Nag presinta ako," nginitian n'ya lamang ako at tumalikod sa akin. Napakibit balikat na lamang ako at pinanood s'ya sa ginagawa n'ya.

I decided to arrange the plates on the table because he seemed to be taking his time. Nakita ko namang papasok na si Lola naka bingad na agad ang mga ngisi n'ya sa akin. Mapang asar na ngisi!

"Napaka sipag pala ng kaibigan mo, maagang gumising iyan at pinag grass cut pa ako at ngayon nag presinta mag luto," hindi ko alam kung tama ba ang natinig ko sobrang nakakahiya na.

"Lola dapat ginising n'yo nalang ako kaya ko rin naman gawin iyon," mahinang sabi ko dahil nahihiya akong marinig na pa ang usapan namin.

"Ayaw ka n'yang pagisingin." Umalis sa harapan ko si Lola na humahagikhik at dumiretso kay Calvin.

Kumakain na kami ngayon tulad ng pwesto kagabi ay ganoon parin ang pwesto namin.

"Mayi, anong oras ang dalaw mo sa mommy mo?" Pag tatanong ni Lola. Before responding to lola's question, I took a look at the man in front of me.

"Mga hapon na po siguro," matipid na sagot ko.

"Kung ganon ipamalengke n'yo ako ni Calvin dahil mamaya ay pupunta kami ng plaza dahil may meeting ang mga senior," parang pagkasabi ni Lola e tinuldukan n'ya agad ang sinabi. Kumabag hindi na p'wede tumanggi!

"P-po? Kaya ko naman lola—," hindi ako pinatapos ni Calvin sa pag sasalitq at sumabat na ito.

"Sige po, kami ng bahala ni Mayi ilista n'yo na lamang po ang mga bibilhin." Nakangiting tugon nito. Kay Lola lang s'ya nakangiti at nakatingin, alam ko namang hindi tatanggihan ni Lola ang isang ito.

My G!

Para akong pinag tulungan!

"Nakaktuwa ka talaga hijo, napakabait mo napakasaya ko at naging kaibigan mo ang apo ko," papuri ni Lola kay Calvin. Para akong masasamid sa mga sinasabi ni Lola. Calvin and I don't know each other very well, I've only been with him a few times, and I was still doing drama at the time.

My Life's StoryWhere stories live. Discover now