0100. Violet Hair

51 28 18
                                    


Reiben's POV

Hapon na nang magising ako sa sarili kong condo. Kung paano ako nakarating dito kagabi? Hindi ko alam.

Para akong lasing kagabi na hindi ko maintindihan. Susundan-sundan ko siya tapos nung ako naman ang hinabol saka ako tatakbo palayo. Great!

Hindi na din ako nagtaka kung bakit tumawag na lang bigla si Dane. May pupuntahan kami ngayong libing. Ewan ko kung bakit kasama pa ako. Ni hindi nga kami close nung patay. Err.

Hindi din naman ako feeling close.

Alas sinco ng hapon, I received a text message from Dane. Hihintayin niya na lang daw ako sa lobby ng condo ko. He even sent me a picture of my motorcycle in the parking lot.

Hindi na rin nagtagal ay natagpuan na lang namin ang mga sarili namin sa sementeryo. Tahimik at walang kibo kaming nakaupo sa may likod na bahagi. Habang ang pamilya naman ay panay iyak. May narinig din akong mga mahinang hikbi mula sa kung saan.

"Condolence, Ma'am." Dane said as he bows his head.

The lady on her mid 50's gave us a weak smile. "M-my s-son... he deserves  j-justice..." muli ay unti unting namuo ang mga luha niya sa mata. Tumalikod siya sa amin at narinig ulit namin ang mga hikbi niya.

When we were back to our seats I excused myself to Dane.

Naglibot libot ako sa sementeryo. Hindi ito katulad sa ibang sementeryo na madilim at nakakatakot. Dito sa siyudad ng Florré madami ang mga ilaw. Wala ka ding mararamdamang kung ano dahil kaunti lang ang mga patay dito. Halos araw araw ay may namamatay pero nagtataka ako kung bakit walang mga patay dito. Kung mayroong man, dekada na Ang nakalipas.

Inialis ko sa isipan iyon. Naguguluhan man ay napagdesisyunan kong bumalik na lang. Naabutan ko si Dane na umiiyak. I tapped his shoulder, "Cheer up, Man."

He looked at me with his teary eyes. "I'm worried..." I frowned. "That lady would cry all night, sorrowing over the death of her son."

"It's okay, man. Everything will be alright." inilahad ko sa kaniya ang panyo ko at naupo ako sa likod niya. Kita ko ang paggalaw ng mga balikat niya. He's still crying.

"I'll get some coffee." mabilis lang din akong kumuha ng kape. Nang makarating ay inabot ko iyon kay Dane.

Hindi nagtagal ay natapos na naming inumin ang kape. Binabati din ni Dane ang mga kakilala niya dito. Most of them are business man or woman, just like him. Siguro business man din 'yung namatay.

Napatingin ako sa kaniya nang mag inhale exhale siya. He probably calming his self. Napakunot ang noo ko nung mapansing nakatungo lang ito at tahimik. I was about to tap his shoulder.

He looked up at me and gave me a small smile. "Let's go, Rei. It's getting late." nauna na siyang tumayo sa'kin. Siguro ay nakapagpaalam na din siya. Tinapunan ko ng tingin ang pamilya ng namatayan bago umalis.

Palabas na kami ng sementeryo nang magpaalam siya sa'kin na iihi muna. Tumingin ako sa langit, palubog na pala ang araw. Hindi ko man lang namalayan.

Napalingon ako kay Dane na mabilis na tumatakbo papunta sakin. What's the matter with him?

"R-rei I... I h-heard s-someone... s-shouting..." napakunot ang noo ko. Anong sabi niya? "I'm s-scared, what am I going to do?!" he shouted out of frustration.

"Teka nga lang, can you please calm down first? Just breathe." agad naman niya iyong sinunod. "So what did you hear?" I asked him.

"I heard someone shouting for help." napahawak siya sa tuhod niyang nanginginig. Kung titignan ay mukhang matapang si Dane, well he really is. But the truth is he's scared when it comes to ghost, zombies and others. He got traumatized.

Project 728 (On Hold)Where stories live. Discover now