Third Person's POV
Idiniretso ni Reiben ang sasakyan sa isang abandonadong lugar. Sa s kotreet 12, kung saan naganap ang gang war. Katulad ng dati ay kumukurap-kurap ang ilaw sa labas. Patay sindi ito at nakakatakot kung tignan.
Ipinarada ni Reiben ang sasakyan sa tapat no'n at agad na tinulungan si Pooch na magbuhat kay Mr. Arellano.
Pinaupo nila ito sa isang silya at tinali ang mga paa at kamay. Nang matapos ay doon ni Reiben nilibot ang kaniyang paningin.
Sa gilid ay may isang hindi kalakihang lamesang kahoy. Pinalilibutan ito ng apat sa upuan. Walang halos na gamit ang loob nito. Iisang kwarto lang din ang nakikita ni Reiben. Agad niya iyong pinuntahan, nakita niya ang isang kama doon na maaaring tulugan.
"Tara na, bumalik na tayo sa headquarters." pang aaya ni Sydden sa mga kasama.
Agad naman silang nagsikilusan. Sumakay mulin van at si Pooch na ang nagmamaneho nito. Iniwan nila si Mr. Arellano sa bahay na 'yon na nag-iisa at babalikan din nila.
Tahimik lang ang buong biyahe. Kung gaano katahimik ay ganon din kaingay ang mga iniisip ni Reiben sa utak niya. Umiikot aa utak niya kung anong nangyari kanina. Iyong halik. Hindi mawala-wala sa utak niya. Binabagabag nito ang buong sistema niya.
Maliwanag ang dinadaanan nila patungo sa headquarters. Nagsisimula na ding mag-ingay ang mga stalls at mas lalong nagiging makulay. Isa sa mga gusto ni Reiben ay paggabi. Ang mga ilaw mula sa labas.
Inihilig ni Sydden ang kaniyang ulo sa bintana. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Madami din siyang iniisip tapos dumagdag pa ang nangyari sa kanila ni Reiben. Hindi niya alam kung anong irereact o gagawin. But she chose to ignore it. She want to be a professional, kaya iniisip niya na sa trabaho lang 'yon. Part ng mission na ginagawa nila.
Napamulat siya ng tingin nang biglang pumreno si Pooch. Napaayos din ng upo sina Toa, Vianelle at Reiben sa likod. Tinignan nila kung anong nangyari.
Muntik ng makabunggo si Pooch. Kaagad na bumaba sa van si Toa. Pumunta ito sa harap nito at may nakita siyang nakabulagta na binata. "Kuya Reiben, tulong po."
Bumaba din si Reiben at nakita din nito ang isang binata na nakahandusay. Pinagtulungan nila ito, inakay nila at ipinasok sa van. Mabilis na pinaandar ni Pooch ang sasakyan.
Hindi maiwasang mapatitig si Vianelle sa mukha ng binata. Meron itong mga pasa at putok ang labi niya. Kahit na ganon ay gwapo pa din ito sa paningin niya.
May hindi kalakihang sugat ito sa siko. Patuloy ito sa pagdugo kaya may naisip siya. Kinuha niya ang nginunguya niyang bubble gum at inilagay mismo sa sugat ng binata upang tumigil ito sa pagdugo.
Vianelle can't deny the fact that he's handsome. Tila nahulog agad ito.
Nakarating sila sa ospital. Si Toa na at si Reiben ang lumabas para tulungan ang binatilyo. At first Reiben is a bit hesitant, natatakot ito dahil baka may makakita sa kaniya na nasa organization din at isumbong siya.
But Sydden said that what's in the organization stays in organization. Kung sakali man daw na may makita sila sa loob ng ospital na sa tingin nila ay pamilyar ang mukha. Just act normal as if they don't know each other.
Mabuti naman ay naging malinaw iyon kay Reiben kaya siya na ang sumama kay Toa sa loob ng ospital. Iniwan ni Reiben ang cellphone number nito sa nurse at nagbilin na tawagan na lang siya kung SAKALING magising na ito.
Umalis na sila ni Toa sa ospital at bumalik na sa van. Naabutan nilang tulog si Sydden at tahimik lang si Pooch. While Vianelle is still vibing with her headphones.
YOU ARE READING
Project 728 (On Hold)
AcciónThe city of Florrè is being controlled by the Omniquex Organization. The number of crimes, corruptions, killings, kidnappings are getting higher and higher as the day goes by. From babies to adults, citizens are wondering where they put those people...