01110. He's dead

53 11 10
                                    

Reiben's POV

"You..." saktong pag-apak ng mga paa ko sa loob ng kwarto ay siyang paglaki ng mga mata nung batang lalaki.

"Y-YOU!" bulalas niya, "DON'T YOU DARE COME NEAR ME!" sigaw pa nito.

"Toa, tumawag ka ng doctor." utos ni Pooch sa kaniya. Sumunod naman agad si Toa.

Tinignan niya ako. "Reiben lumabas ka muna." tinapik niya ang balikat ko at tumango ako sa kaniya.

Naiwan sila ni Vianelle sa loob ng kwarto. Paglabas ko ay nakasalubong ko ang isang doctor at nurse. I stepped aside. Saka sila tumuloy sa kwarto.

Naiwanang naka-awang ang pintuan. Sumilip ako doon at may tinurok sila sa binatilyong lalaki. Napansin ko namang medyo huminahon ito.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto nang hindi namamalayan ng iba.

Napalingon sa gawi ko si Pooch. "Doc, ano pong nangyari sa kaniya?" napatingin ako kay Vianelle na nagsalita.

"I think it's better if we talk outside." sambit nang doctor at lumabas ng kwarto.

Nagkatinginan naman kami saka tumango. Palabas na sana kami nang may sinabi ang nurse sa amin.

"Dapat may maiwang isa dito." Pagkasabi no'n ng nurse at sabay-sabay kaming tumingin kay Toa.

Wala itong nagawa kundi ang maiwan mag-isa sa loob kasama at lalaking nakahiga. Nakita ko pang nagbukas ito ng lollipop.

Naghihintay sa labas ng kwarto ang doctor, sa likod niya ay ang nurse. "Doc, ano pong kalagayan niya?" tanong ni Vianelle.

"We run some test and we've found out that he has visual hallucinations. Just like what happened earlier, kaya siya biglang nagkaganon ay may nakita siyang tao sayo." tumigil siya saglit sa pagsasalita at tinignan ako.

"Maybe there is someone about his past. Hindi pa namin alam kung ano ang personal informations niya sa ngayon. But for sure, someone will look for him. That's all, thank you." ngumiti siya sa amin.

"Thanks doc." sagot ko naman.

Akmang tatalikod ito nang tanungin siyang muli ni Vian. "Doc, ano pong mabisang gawin para hindi na siya maghallucinate nang ganon?"

"We'll treat him. But before that you need to pay us first. Kahit kalahati lang." aniya.

Napanganga si Vianelle. "W-what?" usal niya hindi makapaniwala.

"Ilan po ba ang magagastos para sa pagpapagaling niya?" sabat naman ni Pooch.

"Gagamitin namin siya about 2-4 weeks. Mas better na maghanda kayo ng kalahating milyon." Sambit niya.

Kalahating milyon?

"Excuse me." aniya at umalis na.

Natira kaming tatlo nina Pooch at Vianelle sa labas. "Saan tayo kukuha ng kalahating milyon?" sabi ni Vianelle. "Gusto ko siyang tulungan." Pahabol niya.

Tahimik lang si Pooch sa gilid. "Ako na magbabayad." pagboboluntaryo ko.

"Ano?" tanong ni Vianelle.

"Ako na sabi ang magbabayad." ulit ko sa sinabi.

"Anong ikaw? Magbibigay din ako, Reiben. Aambag ako, hindi ko man kadugo 'yan pero..." napatigil ito. "Naaawa ako."

"Ganon din ang nararamdaman ko. Kaya gusto kong tumulong." usal ko. "Diba may kukuhanin pa tayong reward? 'Yung kay Mr. Arellano, lahat 'yon kunin mo tas ipambayad mo dito. We need to pay them atleast half."

Project 728 (On Hold)Where stories live. Discover now