Reiben's POVMULA dito sa taas ng puno, kitang kita ko ang mga nangyayari sa ilalim. Ang tunog ng sirena kanina ay bigla na lang nawala. Mas dumami pa lalo ang tao. Hmm this is very exciting! Mabuti at naisipan kong umakyat na lang dito sa puno.
Ngunit iniisip ko pa din kung sino ang may kagagawan noon. Nang makita ko ang dalawang lalaking nakabulagta sa sahig at walang malay. Hindi kaya 'yung babaeng sinusundan ko kanina? O yung kausap niya? Speaking of that girl I can't see her. Where is she? Kapag nahulog o nahuli ako dito. I'll kill her. This is all her fault.
Tahimik lang akong nagmamasid dito mula sa itaas ng puno. Napakaingay na din ng buong lugar. Wala man lang sumisita sa kanila dito? Wala man lang nakakapansin? Bakit? Nag umpisa na din magyabangan ang bawat grupo. May nagtatawanan na parang demonyo. Merong tahimik lang pero kung makatingin nakakamamatay.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Why did I end up here? Napamulat ang mga mata ko ng may marinig na napalakas na ingay. Mas malakas pa sa kanina, sa pagtingin ko sa ibaba ay laking gulat ko sa aking nasaksihan. Kalahati ay nakatumba na, ang iba ay duguan at pawang may mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan. Wth? Who did that?
Sa iilang segundo akong nakapikit nagawa nilang mapatumba 'yon? But who? Sino? Gusto ko alamin. Ngayon, I make myself focus. I want to know how they move. How they end their enemies lives.
May isang lalaking merong hawak na kitsulyo. Maliit lang ito ngunit hindi dapat balewalain. Maliit pero kaya nitong pumatay. Pinaglalaruan niya ito sa kamay habang nakangisi sa harap niyang nakatayo lang din at walang emosyon. The guy is very contented, base sa galaw niya ang lalaking kaharap niya ay mamatapos agad niya. But little did he know hindi madaling mapatumba ang kaharap niya. Dahil isang hampas lang ng palakol sa ulo niya ay deretso siyang natumba at nawalan ng malay.
Bilang na lang sa daliri ang taong nakatayo. Walo. Walo silang lahat kung bibilangin. Tatlong babae at limang lalaki lang nakatirang ang buhay at humihinga. Lahat sila ay pawang mga seryoso.
Magkasama ang apat isang babae at tatlong lalaki samantalang nasa harap nila ay dalawang babae at ang tatlong lalaki. Nagtititigan sila, walang nagpapatalo pero naputol iyon nang tumumba na lang bigla ang isang babae. May tama ito sa ulo, umaagos ang kulay pula niyang dugo. Bakas ang gulat sa kanilang lahat. Kahit ako rin, sinundan ko kung saan magmula iyon.
Binaril siya ng sniper!
Doon ko nakita ang babaeng kanina ko pang hinahanap. Mula sa seryoso niyang mukha ay dahan dahan siyang ngumisi. "What now?" she mouthed.
Tila wala sa huwisyo ang lahat maliban sa isa. Hinampas niya ng dospor dos ang isang babae. Agad naman nakabawi ang iba kaya kanila itong nilabanan. Pagkatapos no'n ay ibinalik ko na ang atensiyon ko sa babae. Nakatutok ang baril niya sa isang lalaki sa ibaba.
Lima na lang silang nag aaway away sa baba. Kasama na doon ang lalaking may palakol. Tatlong lalaki at dalawang babae. Pero sa isang iglap, tatlo kaagad ang tumba. Well, thanks to that girl she have a sniper.
Hindi nagtagal ay napatumba na nga lalaking may palakol ang dalawang natitira. Tumingin siya sa direksiyon ng babae. Lumabas ito, nasa kamay pa din ang ginamit na sniper.
"Hindi mo man lang ako pasasalamatan?" Ani nito, I want to know her name, really.
"Bakit naman kita pasasalamatan? Wala ka namang ambag?" usal ng lalaking may palakol, I think he's the guy na kausap niya kanina sa loob.
YOU ARE READING
Project 728 (On Hold)
ActionThe city of Florrè is being controlled by the Omniquex Organization. The number of crimes, corruptions, killings, kidnappings are getting higher and higher as the day goes by. From babies to adults, citizens are wondering where they put those people...