Reiben's POV
"Our target is... Mr. Marcus Arellano."
As I heard that name my eyes grew bigger. "What?!" I exclaimed.
As far as I remember he owns a bank. One of the famous bank in the city. I frowned. "Bakit siya?" I know him personally. It's because of Dane, Dane is a business man and he have lots of connections when it comes to business.
May inabot siyang folder sa amin. Agad kong kinuha ang isa at pinasa kay Vian, saka inabot iyon kay Pooch at Toa.
Nasa loob ng folder ang personal information ni Mr. Marcus Arellano. I scanned the whole page at nilipat ko sa susunod.
"Ang mga nakikita niyo ay ang mga krimen na ginawa ni Mr. Marcus Arellano. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nitong nakaraan lang ay nagpapagawa siya ng bagong building, bahay, he even bought a one hundred million house and lot." Sydden said, kalmado itong nakatingin lang sa amin.
"For your information, lahat ng perang ginamit niya ay ang pera ng tao. Pera ng bayan, hindi sa kaniya iyon. And that's illegal." she added.
If that's the case this is not our job. Trabaho 'to ng nga pulis anong connection ng organization doon? Bakit gusto nilang hulihin si Mr. Marcus?
"And also before I forgot, Mr. Arellano is a drug dealer. Tinatago niya ang limpak limpak na droga sa bahay niya mismo." dugtong nito. She looked at us, dead in the eye.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. What the hell is this?!
"We need to kill Mr. Marcus Arellano." sabi ni Vian na nasa gilid ko. Tumango naman si Sydden na nasa harap namin.
Mariing napapikit si Sydden. "Hindi lang 'yan, Vian. Kailangan din nating makita kung saan niya tinatago ang mga droga. We need to report it to the police." sambit niya.
Report to the police?! What? Sobra akong naguguluhan. I just shrugged it off.
"Boss anong gagawin natin?" ani Toa. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan talaga ako, nalilito.
"The day after tomorrow, he will be having a party. The 21st anniversary of his bank. Gaganapin iyon sa bahay niya mismo."
She leaned forward to us, "So here's our plan. . ."
-xxx-
Nasa loob kami ng isang kwartong puno ng mga armas. Iba't ibang uri ng kutsilyo, at iba't ibang klase ng baril. May mga bomba din at mga bala.
Ngayong araw namin gagawin ang mission namin. Ngayon gaganapin ang party ni Mr. Marcus Arellano sa bahay niya.
Isa isa kaming kumuha ng mga gamit na kakailanganin namin. Kabado akong kumuha ng dalawang kutsilyo at inilagay ang isa sa sapatos ko at tinakpan ko ng pants na suot ko. Ang isa naman ay sa bewang ko.
I'm wearing a formal attire. Magpapanggap akong business man sa party. Since madalas na nakikita ang mukha ko sa mga okasyon na katulad nito. Madami din akong kilalang tao na alam kong aattend at imbitado sa party.
Being friend of Dane is so useful pala. I didn't imagine na malaki ang advantage ng pagiging kaibigan ko sakaniya.
Nasa loob kami ng van. Lahat kami ay kabado. Mas lalo na ako, this is my first time. I'm not sure kung aayon ba ang lahat ng sa plano. Our mission is to find where the drugs and to kill Mr. Marcus Arellano.
Pinaandar na ni Pooch ang sasakyan. Siya ang nasa driver seat habang nasa gilid niya ay si Sydden. Hawak niya ang sniper niya. Iyon ang gamit niya nung una ko siyang nakita. I won't deny the fact that I'm still amazed by her.
YOU ARE READING
Project 728 (On Hold)
ActionThe city of Florrè is being controlled by the Omniquex Organization. The number of crimes, corruptions, killings, kidnappings are getting higher and higher as the day goes by. From babies to adults, citizens are wondering where they put those people...