"Coffee In The Window"

549 8 0
                                    

Part 3

Andrew: Kanina ko pa pinipigilan ang puso ko pero hindi ko yata mapigilan. Nag slow motion ang lahat ng bagay habang papasok siya ng coffee shop. Just like those in the movies. I can see every strand of his hair swaying. He has the perfect nose. His eyes always talk. Bakla na nga yata ako sa kanya. Marami namang gwapo sa Manila but how come he exceeds everyone?

And his coming nearer. So near that he can almost hear the beat of my heart. My eyes still stuck to his face. Pero badtrip dahil una niyang pinansin si Jenny. And that was my cue.

I walked out and head to my office.

Jasper: Maganda si Jenny. Kapansin pansin. Pero sabi ko nga, ayoko sa teenager. Baka ako pa ang masaktan. Di na ako bumabata. I need to be sure kung sino ang magiging kasama ko sa buhay. Yung totoong mamahalin ko at mamahalin ako. Bakit biglang umalis si.. Nevermind. Di ko kilala yung taong yun.

Andrew: Malapit na akong bumalik ng Manila. Di ko pa din alam ang pangalan niya. Nainis ako kay Jenny. Kung pwede ko nga lang tanggalin sa trabaho ginawa ko na. Kawawa din naman kasi t nag aaral pa. Kahit nasa office ako ng coffeeshop dinig ko ang tawanan nila. Di ko nga lang maintindihan ang pag uusap nila dahil hindi nam Tagalog.

Buwisit!

Jasper: Wow! Pumasa ako sa entrance exam! Yes! Makakapag aral na ako ng college. Course? Business Management. Naks di ba?

Andrew: Wala na talagang pag-asa. Wala na. Suko na ako. May panahon pa akong magbago at ibalik ang dati kong sexuality na nasira dahil sa.. Nevermind. I don't know his name.

Back in Manila.

Mas lalo lang akong nabuwisit. Dahil dumating amg step sister kong di ko kasundo. Hindi naman sa hindi kasundo. Mabait kasi masyado. Alam ko naman na wala siyang kasalanan lalo't anak lang siya ni Daddy sa labas.

I just hate her Mom dahil sa pumatol siya sa asawa ng may asawa. And everytime I look at her naalala ko lang siya.

Jasper: Manila here I come!

Andrew: 2 years na kami ni Pia. Masaya ako sa kanya. Malapit na din kaming ikasal . Napagplanuhan na din namin na magmigrate sa ibang bansa.

Jasper: 1 year ago napasagot ko din si Trish. Ilang months din akong nanligaw sa kanya. Muntik na niya akong bastedin dahil sa kakulitan ko. Buti na lang matiyaga pa din ako. At ngayon nga, kasama ko siya celebrating our First Anniversary. Dinala ko siya sa playground ng university kung saan ako nag aaral. Kung saan kami nag aaral. Matanda ako ng 3 years sa kanya. Pero mas may alam pa yata siya sa relationship101. Ako lang kasi palagi ang may natututunan sa kanya.

Andrew: Birthday ni Daddy. Gusto ko sanang i-boycott dahil invited Patty, my stepsister. Tanggap na ni Mommy si Patty. Wala na daw kasi siyang magagawa dun.

Still I opted to attend the party along with Pia. And well, I saw my stepsister sitting in the corner na mag-isa. Ni walang kumakausap. Saka ko lang naramdaman ang awa dahil sa nakita ko. Kahit papano may parehong dugong nananalaytay sa amin. We share 1 common thing.

Si Daddy.

Jasper: I need to finish something sa project sa school. Isang linggo din kaming di magkikita ni Trish dahil umuwi siya ng probinsiya. Na miss ko tuloy ang girlfriend ko. Di ako tuloy makaconcentrate sa ginagawa ko. Laging iniisip ko si Trish. Naikuwento niya sa akin ang pamilya niya. Yung Mama na lang ang kasama nila dahil 24 years na daw na patay ang Papa nila. Dalawa silang magkapatid. Siya ang bunso.Ang ate niya naman may asawa na pero magkakasama pa din sila sa bahay.

At ngayong isang linggo na kaming di nagkita, gusto kong hilahin na ang araw. Namimisa ko siya ng sobra.

Andrew: Di ko inexpect na simula sa gabing yun ay naging magka close na kami ni Patty. Ni hindi ko nga alam na wala naman pala talaga silang kinukuha kay Daddy. Naisip ko lang yun dati. Mas nakilala ko pa ng lubusan si Patty. Sa kuwento, she is a kind sister. Half sister but I won't call her that anymore. I accepted the things that had happened. Wholely! And I felt that special feeling of happiness ng yakapin ako ni Daddy for what I did.

Patty and me are brother and sister. And we are close now. Kung di ko nga lang siya kapatid, I might try courting her. She is one pretty girl and well, siyempre ako naman guwapo.

Jasper: Another 2 months passed. Celebration namin ni Trish ng 14th month. Bihira na din kaming nagkikita kaya sinusulit ko ang bawat sandali na kasama ko siya. We again celebrated it sa playground ng school. Di namin makalimutan ang grounds na ito. Dito kasi kami unang nagkakilala. Nostalgic nga ba ang term dun pag nandito kami at naalala ang nakaraan? Ano man yun, masaya ako. Masaya kaming nagsalo ng ni-take out naming food sa isang food chain. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang coffee shop na di ko inexpect katulad ng coffeeshop na nasa probinsiya. Naalala ko tuloy si Jenny. Yung probinsiya. At siya.

Sinong siya?

Andrew: Pag nataon nga naman sa swerte. Pagpunta ko sa isang branch ng coffeeshop ko, napansin ko ang maraming nakatambay dun at nagkakape. Karamihan mga estudyante pa. Masarap kasing tingnan sa mata pag maraming tao sa coffee shop. Masarap pag masdan ang bawat nakangiting mga tao sipping their coffees ang telling stories. Dumirecho ako sa office ko pero someone caught my attention.

Ang kapatid ko. Si Patty. May kasamang lalaki.

Kinabahan ako.

Jasper: Bigla akong kinabahan nang may lumapit sa amin na lalaki. Di ko mamukhaan pero familiar ang face niya sa akin. Nakita ko na siya. San nga ba?

Sa school pala. Kaklase namin nung first year college ni Trish.

Andrew: Totoo nga na gwapo ang boyfriend niya. Ngayon ko lang nakilala. May taste din pala sa lalaki si Patty. I am happy for her.

I am sadly happy for her kaya di na lang ako lumapit. Hinayaan ko na lang silang mag usap. Hindi alam ni Patty na ako ang may ari ng coffeeshop na to. Hindi ko ikinuwento sa kanya.

Pero masakit palang makita siyang kasama niya ang tanging lalaking nagpatibok ng puso ko. Boyfriend niya ang lalaking tanging nagpatibok ng puso ko sa kapwa lalaki.

Masakit lalo't ngayon nakita ko ulit siya. Bumabalik sa akin ang lahat.

And I cried for no reason at all.

===
.itutuloy....

BXB Short Stories Compiled - Vol 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon