"Coffee In The Window"

656 9 10
                                    

Final Dialogues

"Ang ganda noh!" Bungad ni Jasper habang parehong napako ang mga tingin nila sa larawan sa harapan nila.

Walang namutawing salita sa bibig ni Andrew sa halip, nag-uunahang mga luha ang nakita ni Jasper sa katabi.

"Bakit ka umiiyak Andrew? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Naguguluhan ako Jasper. Naguguluhan ako sa nangyayaring ito. Di ko maintindihan."

Lumapit si Jasper kay Andrew sabay hinawakan ang mga kamay nito.

"Is it not obvious? Ikaw at ako ang nasa larawan. Ikaw ang secret admirer ko. Ikaw si Anonymous!" Sabay nagpakawala ng napakatamis na ngiti. Kita pa din sa mukha ni Andrew ang pagtataka.

"Pero...."

(Please play "Not A Bad Thing" by Justin Timberlake in this part)

"Siguro magulo nga sa'yo ang mga pangyayari. Pero sa bawat regalong natatanggap ko mula kay Anonymous, it all boils down to one thing. The story of how we meet. The story of how we started to get to know each other. Ang tanging istorya na hindi ko akalain ay mangyayari." Tumigil panandalian sa pagsasalita si Jasper. Minabuting pahupain ang nagpapagulo sa isip ng kaharap.

"Paanong naging ako eh, ni hindi ko din alam paano... Naguguluhan ako."

"Ako din. Naguguluhan dati kung paanong nangyari ang lahat. Pero may mga sorpresang sorpresa nga talaga kung matatawag. Tulad ng damdamin ko. Ng nararamdaman ko." Seryoso na ang mukha ni Jasper. "May mga panahong pinipilit kong buuin ang nga katanungan sa pagkatao ko. Hindi maari. Dahil hindi naman talaga dapat ganito ang mangyayari. Pero mapipigilan mo ba ang sarili mo pag puso mo na ang nagdikta? Hindi di ba? Tulad ng nararamdaman mo. Tulad ng paghahanap mo sa akin. Tulad ng pagkagusto mo sa akin. Dumaan din ako sa puntong yan Andrew. I don't know why. Pareho tayong hindi bakla but our hearts talked. Our hearts guided us to the right person."

"Jasper... Hindi ko alam paano ko aaminin at sasabihin sa'yo ang lahat. Oo, natatakot ako. Naduduwag. Di ko alam paanong iparating sa'yo ang nararamdaman ko. Masaya akong nakikita ka. Kahit nung una pa lang kitang nakita, you haunted me. Gustuhin ko mang puntahan ka ulit pero natatakot ako. Dahil hindi puwede." Si Andrew.

"Kahit ako ganun din ang gagawin ko. Pero ngayon, sigurado na ako. Sigurado na ang puso ko. Na ikaw ang kailangan ko dahil..." Napahinto si Jasper at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ni Andrew. "Ikaw ang nandito." Sabay turo sa may bandang left chest niya. "Alam kong napakaweird ng nararamdaman nating pareho Andrew. For the last 3 years akala ko normal lang na humanga ako sa'yo. Hinangaan kita dahil magaling ka. Sa lahat ng bagay. Hinangaan kita dahil gusto ko ding maging tulad mo. Kaya ngayong naka graduate na ako, there is no reason para di ko magawa ang mga nagawa mo. I will succeed dahil yun ang tinuro mo sa akon. Pero di mo tinuruan ang puso ko na magmahal ng isang katulad mo. Ipinakita mo. At hindi lingid sa akin yun. Ang bawat pag-aalaga mo sa akin were the clues. Hindi ko na kailangang malaman."

Dahan dahang lumapit ulit si Jasper kay Andrew.

"Jasper, gusto ko kita. Matagal na. Nakakatakot lang aminin. Pero wala na akong pakialam kung ayaw mo mang tanggapin ang nararamdaman ko." Ngumiti si Jasper.

"Andrew, kaya ko namang tanggapin ang nararamdaman mo. Kung matatanggap mo din ang nararamdaman ko."

Ilang segundo pa ay parehong nagyakap ang dalawa. Mahigpit.

"Salamat Jasper!"

"Huwag ka sa akin magpasalamat! May isang tao tayong dapata pasalamatan ng lahat."

****
Patricia: My half-brother is inlove with my ex. Akalain ko bang ako pala ang maging dahilan para magkakilala sila. Kahit pangalan lang.

Kahit hind maganda ang naging simula namin ni Kuya Andrew, natuto din kaming magpatawad sa isa't isa. Natutunan niya din aking tanggapin, maging kaibigan, kakampi at ngayon ako pa ang naging dahilan para paglapitin sila.

Si Jasper? Minahal ko yan. Pero dahil iba ang gusto kong tahakin na buhay, I let him go. Kung di ko napakawalan yan di ko malalaman na siya pala ang matagal ng kinukuwento ni Kuya Andrew na nagpabago sa buhay niya. Sa puso niya. Sa pagkatao niya. And knowing that, I need to do something para sa kanilang dalawa. Kaya I came up with the lamest idea I could ever think.

Operation: Anonymous!

Bawat detalye ng buhay nila naikuwento na sa akin ni Kuya Andrew kaya alam ko ang bawat regalong ibibigay kay Jasper.

Ang di ko lang inasahan ay ang isang larawang kuha ng isang photographer na nag exhibit dito sa Italy. Hindi ako nagkakamali. Kilala ko ang mga subject sa larawan. Ang ganda ng pagkakuha ng litrato. Parehong masaya ang mga nasa larawan. At kung ikaw ay isang art enthusiast, mapapansin mo ang korteng puso sa labas ng bintana.

What a coincidence! Pero coincidence nga ba?

Hanggang nagtapat sa akin si Jasper. Unti unti na siyang nahuhulog kay Kuya Andrew. Weird pero ang saya ko.

And I made their love story possible!

-end-

BXB Short Stories Compiled - Vol 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon