Mew and July - Two

570 8 0
                                    

Kanina pa tahimik si Mew sa kinauupuan. Pagkatapos ko silang ipakilala sa isa't isa, siya at si Irish na girlfriend ko, niyaya ko sila ng instant bonding. Matagal ko na din kasing kinikuwento si Mew kay Irish. Dahil nga bestfriend ko siya.

"Oi, natahimik ka na diyan." Puna ko at siniko ko pa si Mew ng mahina lang naman. Pero di siya natinag. "Problema mo Parts? Hindi mo pa nasabi sa akin ang gusto mong sabihin kanina ah!"

Pumasok ng bahay si Irish at nagpaalam na mag CR kaya nakakuha ulit ako ng tiyempo na kausapin si Mew. Kanina pa kasi siya tahimik na nakikiramdam sa amin ni Irish. Tango at one-word answer lang ang sagot niya palagi pag kinakausap siya ni Irish.

Alam kong may problema siya.

"Wala. Okay lang ako Parts. Masaya ako na masaya ka kay Irish." Sinundan niya ito ng tipid na ngiti.

Niluwagan ko na lang din ng ngiti ko kahit hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

"Parts!" Nilingon niya ako pero bakas pa din dito ang kalungkutan sa mukha niya. To lighten up the mood, niyakap ko siya. Alam kong ang daming tumatakbong isipin at problema sa utak niya pero kailangan kong intindihin muna siya sa ngayon. Siguro nga hindi pa siya handang pag-usapan ang lahat.

Ilang araw ang nakalipas, bumalik na siya sa Manila. Umiyak pa nga siya sa harapan ko habang sinasabing mamimiss niya daw ako. Ang bestfrriend ko talaga. Parang batang iyakin pa din.

Nag picture pa kami sa camera niya. Ipagmamayabang lang daw niya sa Manila na gwapong gwapo din ang bestfriend niya tulad niya. Kinaltukan ko pa nga siya.

"Sira ulo! Eh marami naman akong picture sa FB ah.!"

"Iba pa din yung magkatabi tayo sa pic. Bidang bida ka kaya dun sa mga barkada ko pag nag-uusap kami."

Hindi pala ako nakakalimutan ng bestfriend ko kung ganun.

"O sige, mag ingat ka dun. Matuto kang magreply sa text at sa chat ha!" Habol-biro ko pa.

At tinanaw ko na ang bus na sinasakyan niya papuntang ka-Maynilaan. Mami-miss ko na naman ang bestfriend kong yun. Kahit alam kong ang laki ng ipinagbago niya pati may mga bumabagabag sa isip niya na di niya sinasabi sa akin, hahayaan ko na lang muna. Baka may problemang puso lang yun.

Simula nung lumuwas siya ay di pa din nagpaparamdam sa akin ang bestfriend ko. Di ko na din nakikita ang updates sa FB niya. Siguro na-busy lang ito.

Buwan na naman ang lumipas, magpapasko na. Ni ha o ho ay di pa din siya nagpaparamdam. Sabi ni Tita madalas naman daw magtext sa kanila.

Sinubukan kong i-text siya at tanungin kong uuwi ba siya sa pasko. Pero isang linggo na wala pa ding reply.

"Tita, uuwi po ba si Mew sa pasko?" Ang minsang usisa ko sa Mama ni Mew.

"Hindi yata dahil dun siya sa mga pinsan niya saw magpapasko. Baka nga susunod pa kami ng Tito mo. Gusto mo bang sumama anak?" Ang sabi ni Tita.

"Naku, Tita! Pihadong di ako papayagan ni Mama at Papa. Alam mo namang nandito lang ang mga kamag-anak namin!" Sabi ko. "Pero sabihan niyo po ako kung kelan ang alis niyo para ipapadala ko na lang ang regalo ko para sa kanya! Alam kong magugustuhan niya ang regalo ko!" May sayang sabi ko. Ngumiti din si Tita.

At yun nga ang nangyari. Isang araw bago umalis sila Tita para sa Manila magpasko, isang sorpresang regalo ang gusto kong iabot nila kay Mew para sa Pasko.

Isang Tripod ang binili ko sa kanya para may panggamit siya pag nagpipicture siya. Mahilig pa naman yung magpicture picture kaya Photojournalism ang kinuha niyang course.

BXB Short Stories Compiled - Vol 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon