Isang linggo kong hindi kinibo si Mew. Hindi ko matanggap na pinaglihiman niya ako. Dati pa alam kong may kakaiba sa kanya. Simula nung sa facebook pa lang. Sa pictures.
Kahit pa nung hayskol pa lang. Alam kong mag bestfriend kami pero iba ang ipinapakita niya sa akin. Hindi ko yun ininda dahil alam kong magsasabi din naman siguro siya. Alam kong close lang kami at siguro nag oover react lang ako sa sweet gestures niya sa akin.
Pero bigo ako dahil ako pa mismo ang nakatuklas. Ako mismo ang naka-confirm.
Wala namang problema sa akin ang kasarian niya. Ang hindi ko lang matanggap ay yung di siya mismo nagsabi.
"Hayaan mo na muna anak. Baka natatakot lang yung si Mew na sabihin sa'yo ang lahat." Ang sabi ni Mama nang mapansin niyang nakatutok na naman ako sa computer monitor pero wala namang ginagawa.
"Ma... Let's not talk about him." Matigas kong tugon.
"Anak, kilala ko na kayong pareho at alam kong pagsubok lang ito sa pagkakaibigan niyo. Saka alam kong mapag-uusapan niyo din ito sa takdang panahon."
Sa takdang panahon? Kelan ang takdang panahon na iyon? Sa tingin ko ay di na aabot ang takdang panahon na iyon.
Oo tanggap ko na ang lahat. Tanggap ko na si Mew bilang bakla. Pero hanggang dun na lang yun. Hanggang dun na lang ang lahat dahil puputulin ko na ang namamagitan sa aming pagkakaibigan. Ang pagiging bestfriends namin.
"Babe, sabi ko naman sa iyo, maiitindihan din ni Mew and initial reaction mo. Kausapin mo kaya siya. Mag-usap kayo ng matino. Maayos. Yung walang inhibitions and hesitations!" Ang suhestiyon naman ni Irish habang kumakain kami ngayon sa canteen. Napansin niya sigurong malalim na naman ang iniisip ko.
"Babe, wag na natin siyang pag-usapan. Not now. Not until na siya mismo ang gagawa ng paraan na espesyal para pakinggan ko siya ng buo sa explanation niya. Besides..." Naputol ang pagsasalita ko nang may marinig kaming boses na nagsasalita sa likuran.
"Parts..." Sabay kaming napalingon ni Irish.
Si Mew. Kasama si Dave.
Sa nakita ko ay tila biglang tinakluban ako ng galit pero hindi ako nagpahalata at ibinaling na lang ulit ang tingin sa harapan mg kinakain namin. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Irish sa kaliwang kamay ko habang ang peripherals ko naman ay pansin pa din ang nakatayong dalawang lalaki.
"Babe.." Bulong ni Irish kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko sa kanyang mata na gusto niyang kausapin ko si Mew. Kahit labag man sa loob ko ay napaamo ako ni Irish.
Kahit masama man sa loob ko, pinilit kong magpakakalmante. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko pabaling kay Mew na nakitaan ko ng lungkot sa kanyang mga mata.
Ilang minuto na ay pareho pa din kaming tahimik. Walang nangahas na magsalita habang sabay naming ninanamnam ang kadalisayan ng hanging-hapon na dumadampi sa aming mga pisngi. Kanina sa canteen ay sinabihan ko si Mew na kitain ako sa field ng school. Saktong labasan ng last subject namin ay dumiretso na ako sa pagkikitaan namin at nakita ko kaagad siya.
Wala na si Dave. O baka pinauna na niya sa labas ng campus o sa bahay nila.
"Parts..." Unti unti kong naramdaman ang paglapit niya sa akin. Di ko pa siya tiningnan. "I-i'm sorry kung di ko nasabi sa'yo ang parte ng buhay kong ito. Alam kong may sumpaan tayo dati magsasabihan ng lahat. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa napagkasunduan nating iyon." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.
"Stop it Mew. Tama na. Wala na din namang patutunguhan ang pagkakaibigan natin dahil ngayon pa lang...." Hinarap ko na siya. Napansin ko kaagad ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Pihadong alam na niya yata ang karugtong mg sasabihin. Pero sasabihin ko pa rin. "Wala ng 'bestfriend' na namamagitan sa atin." Yun lang. Pagkatapos kung bigkasin yun, ilang segundo ay nilisan ko na din ang lugar na yun. Iniwan siyang mag-isang nakatayo.
BINABASA MO ANG
BXB Short Stories Compiled - Vol 1
RandomAll stories are fictitious and was only created for a sort of something to read. Any incidents and stories that may create a similar plot of someone's life is purely coincidental. ©Copyright applied and any recreation in any means is punishable by...