Killing Me Softly.. With His Song

1.8K 15 0
                                    

Biniyayaan ako ng magandang boses. Kaya naman nagtatrabaho ako ngayon bilang isang jazz singer sa isang sikat na restaurant sa kalakhang Maynila. Palibhasa hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya ito muna ang paraan ko para makaipon at makabalik sa pag-aaral ulit.

Gusto ko sanang tapusin ang kurso ko pero hindi ko na ito natapos dahil hindi na ako kayang pag-aralin ni Papa. Siya na lang kasi ang bumubuhay sa akin dahil iniwan na kami ni Mama ng tuluyan.

Five years ago.

I can't blame her. Naging dependent na kasi masyado si Papa sa alak that time. Kaya, ayun, iniwan kami ni Mama.

Ang laki naman ng pinagbago ng Papa ko simula ng iwan kami ni Mama. Mas naging responsable ito. Tatlo kaming magkakapatid. Ako lang ang lalaki.

Lalaki nga ba?

Hindi ako straight. Lumihis ako. Hindi man halata ay mas mabuting itago ko na lang muna sa karamihan hanggang magtanong sila. Aamin naman ako. Wala naman talaga akong rason na mag deny dahil sa fashion statement ko pa lang, medyo tagilid na.

🎤Strumming my pain with his fingers
Singing my life with his words
Killing me softly with his song
Killing me softly with his song
Filling my whole life with his words
Killing me softly
With his song🎤

Ito ang lagi kong pambungad na kanta na sinasaliwan ng piano.

Tuwing nagpi-perform ako ay palagi akong nakakakuha ng papuri sa mga customers at parokyano ng restaurant. Karamihan sa kanila ay mga matatanda na kaya pinagbibigyan namin lagi ang kanilang mga request lalo na't nagbibigay sila ng tip kung saan mas malaki pa sa kinikita ko bilang performer.

I can't blame the management sa mababang pasahod nila kasi alam na siguro nilang malalaki ang tip na inaabot ng customers lalo't pang mayaman ang restaurant at karamihan ay prominenteng customers ang mga parokyano.

🎤I heard he sang a good song
I heard he had a style
And so I came to see him to listen for a while

Nakatutuwang pagmasdan ang mga customers pag nakikisabay sila sa pagkanta ko. Nagsi-sway ang ulo at naka-mouth ang kanta sa kanilang mga labi. Par bang nagli-lip-synch sila.

Hindi ako kaguwapuhan pero sabi nga ng mga nakakakilala sa akin, sayang daw ang itsura ko dahil guwapo din ang hanap ko.

Tulad ng isang customer namin ngayon. Kanina ko pa napapansing nakatitig lang sa akin. Sinasalubong ko ang mga titig niya pero ako din ang unang bumabawi. Buti nga medyo dim ang stage kaya di niya mahahalata ang pamumula ko.

He is around 40 years old. Sa hinuha ko lang. Maganda ang tindig. Kakapasok niya pa lang kasi kanina napansin ko agad ang magandang built niya. Pihadong may asawa at anak na ito.

Face value? Pasado sa panlasa ng mga sangkababaehan o sangkabekihan. Guwapo. Kamukha niya si Aga Muhlach na pinaghalong Jestoni Alarcon. Hindi kasi ako masyadong attracted ngayon sa mga teenagers na bagong sibol sa showbiz. Mas nakikita ko pa din ang kaguwapuhan ng mga vintage sa larangan ng showbiz.

Masigabong palakpakan ang pumangibabaw nang matapos ko ang kanta. Ito din ang kaibahan ng public singing sa private singing. Pihadong walang sisigaw ng more, more! I hate it, no offense.

"Maraming salamat! Thank you po at welcome po sa Rembrandte.. Ako po si Prince, your jazz performer for the night. We are open for any request while enjoying your dinner. Just call our servers attention and they will provide you a piece of paper. Once again, enjoy the evening." Ang sabi ko sabay pumangibabaw na naman ang tugtuging sinaliwan ng piano.

BXB Short Stories Compiled - Vol 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon