Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggg!!
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggg!!
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggg!!
Kung nakakapagsalita lang ang alarm clock, malamang kanina pa ito nagrereklamo sa kakasigaw para magising lang ang kanina pang gising na na naman pero ayaw pa ding bumangon na si Cif. Magdamag na naman kasing nagpuyat para sa walang kwentang bagay. At ano yun?
Collage pics ng stolen pictures ni Aido.
Itinakip niya pa ang unan sa ulo niya dahil sa ingay na dulot ng kanina pang naghuhurumentadong alarm clock niya
5:30 AM
Nagbiblink blink pa ang numerong ito sa alarm clock niya. Alas siyete ang pasok niya sa school at tinatamad pa siyang bumangon.
"Hoy! Cif! Bangon na! Kanina ka pa ginigising ng alarm clock mo!" Ang gising ng Ate Shay niya.
Kamot-ulong bumangon si Cif pero imbes na maligo ay inopen niya muna ang laptop at dinouble check ang ginawa niyang art. Kung art nga ba.
"Good morning Pancake!" Humalik pa siya sa monitor bago pinatay ulit ang laptop at nagtungo sa banyo.
Araw araw ay routinary na ang mga ginagawa niya. Imbes na sumabay sa Ate niya papasok, mas pipiliin niyang pumila sa jeep sa labas ng gate ng village nila. Ang dahilan?
Makasabay si Aido, ang lalaking mahal niya.
Kung tutuusin, sayang ang kaguwapuhan nitong si Cif at ibinaling lang sa isa pang guwapong si Aido.
Kababata niya si Aido. Parehong village ang tinitirhan nila kaso mas malayo ang street nila Aido kesa kina Cif sa gate.
"Good morning!" Gulat na gulat pa si Cif nang batiin siya ni Aido. Nakapila na kasi siya at siya pa ang panghuli.
"G-good morning din Pancake!" Natawa na lang si Aido sa tawag nito sa kanya.
Openly gay si Cif. Alam din ni Aido ang naramdaman ng binatang-dalaga sa kanya ang kaso may girlfriend na kasi si Aido. Tanggap naman daw ito ni Cif. Di naman daw siya seloso.
"Naglalaslas lang!" Sabi ng mga kaibigan niya sabay sabay.
"Aga mo yata ngayon Cif?"
"Ang agang nambulahaw na naman ng kemeng alarm clock ko."
"Eh di wag ka ng mag alarm clock!" Tumawa pa ang binata.
"Heeee! Yun na nga lang taga gising ko eh!"
"Ayaw mo namang gumising agad!" Puzzled na napatingin si Cif kay Aido.
"Paano mo naman nalaman yun?"
"Hello, si Ate Shay. Sinabihan niya akong pagsabihan ka daw kasi siya yung nabubulahaw sa alarm clock mo!"
Letseng Ate talaga yun! Binuking pa ako kay Aido! Sa isip ni Cif.
"Oi, kayong dalawa. Magdadaldalan na lang ba kayo? Hindi ba kayo sasakay?" Sigaw ng barker sa kanilang dalawa.
Oo nga naman. Silang dalawa na lang ang nakapila.
"Eto na kuya Estong. Sasakay na. Ang aga aga eh ang init ng ulo!" Pabirong sabi ni Cif na tinawanan lang ni Estong, ang barker. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki na tila sinabi no Aido na hayaan na lang.
Pagpasok ni Aido sa loob ng jeep ay isang bakante na lang ang nakita niya. Sa tabi ni Cif.
Paandar na ang jeep ng bumulong si Aido kay Cif.
![](https://img.wattpad.com/cover/31882253-288-k768227.jpg)
BINABASA MO ANG
BXB Short Stories Compiled - Vol 1
De TodoAll stories are fictitious and was only created for a sort of something to read. Any incidents and stories that may create a similar plot of someone's life is purely coincidental. ©Copyright applied and any recreation in any means is punishable by...