Falling Inlove With Her Husband - Four

1.5K 14 4
                                    

"Tama ba yung hinala ko between you and Oliver, Vince?" sa halip na sagutin ay binalik niya na lang ang tingin sa nang-aakit na pool.

Of all people, si Laika pa ang unang nakita niya sa umagang ito. Pero sa halip na mainis ay itinago niya na lang sa sarili ang nararamdamang pagkadisgusto niya ng pukawin siya ni Laika.

"Silence means yes!" ani Laika na may pagka-sarkastiko.

Nanatili pa ring tikom ang bibig ni Vince.

"Well, what a surprise!" ang boses ni Laika ay biglang nag-iiba dahilan para balingan siya ni Vince ng tingin.

Inaamin ni Vince na nababahala siya sa ipinakita ni Laika. Gusto niyang itanong kung nagseselos ba ito pero di niya itinuloy.

"Once all are done, let's go separate ways. I will file an annulment to let you go. Pasensiya ka na. Once mabuo ang baby sa tiyan ni Angel, we will take good care of the baby." ang litanya ng asawa niya.

Naiwang tahimik at blanko si Vince sa kinauupuan. Napaisip kung tama ba ang mga narinig niya.

Sa kabilang banda, tila hindi pumasok sa kanya ang masaktan dahil sa narinig mula kay Laika. Mas natuwa pa nga siya lalo't bumabalik sa alaala niya ang nangyari kagabi sa kanila ni Oliver. Ramdam niya pa ang bawat haplos ng mga kamay nito sa katawan niya.

Ang malalambot niyang mga labi.

At ang pagbanggit ng pangalan niya in between their intimate and steamy night.

"Vince.." napukaw ang naglalakbay na diwa ni Vince at pilit ipinihit ang leeg sa kung saan nagmula ang boses.

Muli pinukaw ang puso niya ng kakaibang sayang hatid ng nakangiti at papalapit na si Oliver. Ginantihan niya ito ng ngiti ngunit hindi pa rin siya makakapagsalita na tila umur0ng ang dila niya.

"Tara swimming tayo!" Pag anyaya ng bagong dating na si Oliver.

Dahan dahan nit0ng hinubad ang suot niyang robe sabay ipinat0ng ito sa mesang nasa gilid.

Tahimik na pinagmasdan ni Vince ang lalaki. Hinahangaan niya talaga ang katawan nito. Natutuyuan na nga yata siya ng laway dahil sa kahubdan na pinagmamasdan niya.

"Niyayaya ka.. ayaw m0 ba?" Napabalikwas ng tingin si Vince sa pinagmulan ng boses.

Si Laika.

Tumabi ito sa kanya at hindi inaalis ang tingin nito sa kanya.

"H-ha? Eh," di pa man niya mahanap ang mga gusto niyang sabihin ay sinapawan na agad siya ng asawa.

"Ang ganda ng katawan niya n0h?" May hal0ng kasarkastikohang saad ni Laika. "Ang sarap ng katawan niya n0h?" Ibinaling bigla nito ang tingin kay Vince. Seryoso ang mukha nito.

Hindi pa rin makapagsalita si Vince. Iniwasan niya na lang ang ipinukol na tingin ng asawa.

"So.. tama nga ang hinala ko n0h?" Si Laika.

"Laika, an0ng pinagsasabi m0 diyan?" sa mahinang boses ni Vince.

"You kn0w what i mean, HUSBAND!" May pagdidiing sabi ni Laika. Halata sa mukha nito ang namumu0ng galit at tensiy0n na pansin din naman ni Vince.

Aamuin.

Yan ang unang pumasok sa isip niya. Alam niyang kailangang siya ang magpapakumbaba. Kaya, hinagilap niya ang mga kamay nito para simulang amuin ang naghihimutok na asawa.

"Laika.."

Ngunit binalibag ni Laika ang kamay niyang kakahawak palang.

"Sagutin m0 ako.."she paused. "Are you f*cking him?"

BXB Short Stories Compiled - Vol 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon