Falling Inlove With Her Husband - Two

1.3K 10 0
                                    

Nakasarado ang pintuan ng master's bedroom nang daanan namin ni Oliver. Hawak hawak niya pa din ang kamay ko habang dahan dahan kaming naglalakad papuntang guest room.

Nang makapasok ay saka niya lang binitawan ang mga kamay ko.

Naiilang ako. Pero hindi yung ilang na ayoko gawin ang gusto niya. Ilang dahil first time ko itong gawin sa kapwa lalaki.

Dahan dahan siyang humarap sa akin at nilagok ang natitirang beer sa boteng hawak niya. Nang masaid ito ay ipinatong niya ito sa mesang malapit at ibinalik ang tingin niya sa akin.

Katahimikan at tila kalabog ng pintig ng mga dibdib namin ang namagitan.

"Pasensiya ka na Vince. Tawag lang ng laman. Ilang buwan na ding hindi ko nagagawa ito sa asawa ko." Nginitian ko lang siya pero agad namang napawi ang mga ngiti ko nang dahan dahan na siyang lumapit sa akin.

Una niyang inabot ang kamay ko at dinala ito sa labi niya. Dinampian ng halik. Sabay ng pagdampi ng halik ay ang pagdama niya sa ginagawa na kita sa pungay ng mga mata niya.

Ang kaliwang kamay ang ginamit niya para hilain ako palapit sa kanya. Nakahawak ito sa batok ko at ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin ay naaamoy ko ang pinaghalong amoy ng beer at mouthwash sa bibig niya.

Napatingin ako sa labi niya.

Kissable.

Red lips.

At tila may tumulak sa akin na tikman ko ang mga labi niya.

Malambot.

Marubdob na halik.

Hanggang parehong mga braso namin ay nakayakap na sa isa't isa. Ramdam ko ang reaksiyon ng babang parte ng katawan niya sa ginagawa namin.

Naghiwalay ang mga labi namin at pinaghalik ang mga noo.

Ramdam ko ang maiinit na paghinga niya.

"This is my first time with a guy..." Ang sambit niya habang pikit ang mga mata namin. Nang sabay pa kaming magbukas ng mga mata.. "And i wont regret it!"

Matapos lumabas ang mga salitang iyon ay naglapat ulit ang nga labi namin.

Passionate!

Hinuhubaran namin ang isa't isa hanggang namalayan na lang naming nakahiga na kami sa kama. Nakapatong ako sa kanya at nag-eespadahan pa din ang mga dila namin.

At sa paglalakbay ng nga kamay namin sa aming mga kahubdan, naganap ang unang araw na di namin inasahan ni Oliver.

Pagkatapos nang nangyari ay magkatabi nakahiga at nakatihaya habang tinitingnan ang kisame ng kwarto. Parehong boxers lang ang suot namin.

Sa pahapyaw kong pagtingin sa kabuuan niya, masasabi kong maganda ang built ni Oliver. May porma. Di katulad ng katawan ko na may laman. Pero hindi ako mataba. Wala lang talagang porma ang katawan ko.

"Salamat Vince!" Narinig kong banggit niya.

"Bakit ka nagpapasalamat?" May halong ngiti kong tanong.

"Kasi... Pinagbigyan mo ako. Pinagbigyan mo ang kapusukan ko. Pinagbigyan mo ang libog ko." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "At di ko pinagsisisihan ang ginawa nating ito kahit alam kong inutil ako para sa asawa ko." May laman ang sinabi ni Oliver at nakaramdam ako ng awa at kunsensiya.

Naawa ako sa kanya dahil sayang ang magiging lahi niya dahil sa nangyari sa kanya. Sayang ang kaguwapuhan niya na natuldukan na at di na maipalaganap pa.

Sinalubong ko ang tingin niya.

"Oliver, sorry sa mga nangyayaring ito. Alam kong mali ang sitwasyon namin ni Angel. Hindi pwede. Immoral ang tawag nila dito."

Immoral dahil pareho kaming kasal at nagtatalik kami ni Angel. Kahit pa may consent ng mga asawa namin pero kahit sang anggulo mali talaga.

"Pare, wala naman sa akin 'to. Sabi ko nga sa'yo, wala akong maiibibigay na anak kay Angel. Oo. Masakit. Masakit na alam mong may kasiping na iba ang asawa mo pero ano pa nga bang magagawa ko? Ano pa ang reason ko para tumangi? Ito lang ang paraan na alam kong pwedeng mangyari." Anito. Batid ko pa din ang lungkot sa boses niya. Alam kong kalahati ng kabuuan niya ay hindi sang-ayon sa ganitong sitwasyon.

"Kakausapin ko si Laika bukas Pare. Hindi ito pwede!" Sabi ko pero bigla niyang hinawakan ulit ang kamay ko.

"Huwag Pare! Pakiusap huwag mong gawin yan!"

"Bakit?"

"Dahil..." Natigilan siya.

"Oliver, hindi healthy ang ginagawa natin na ito. Alam mong sooner or later pwedeng malaman ng mga pamilya natin ang sitwasyong ito!" Pag-eksplika ko sa kanya.

"Huwag .. Please. Hayaan muna nating makabuo kayo ni Angel saka kami aalis na dito." Kahit naguguluhan ako sa kung ano mang rason ang itinatago ni Oliver, nakumbinsi niya din ako sa gusto niya.

Hahayaan na lang muna namin ang nangyayari at susundin ang gusto niya.

===
Isang beses lang nangyari sa amin ni Oliver ang mga bagay na yun. Pero habang lumilipas ang mga araw ay hinahanap hanap ko na siya. But the situation won't let me dahil palagi kaming magkakasamang apat. Pagsapit ng gabi naman, kaming apat pa din ang nag-uusap usap. Papasok kami sa kwarto pag matutulog na pero mas pinili ni Oliver na matulog sa sala. Nang tanungin siya ni Laika ay nagsinungaling itong mainit sa kwarto samantalang naka full naman ang AC.

Alam kong pinipilit niyang ilayo ang sarili sa akin. Siguro nagsisisi na siya sa nangyaring iyon.

"May itinatago ka ba sa akin Vince?" Umiling iling lang ako ng kausapin ako ni Laika. Nasa garden kami nang abutan niya akong umiinom na mag-isa.

"Bakit mo naitanong?" Balik tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko bang sagutin yan?" Kaya napatingin ako sa kanya bigla. I was puzzled with her question.

"Laika... Anong ibig mong sabihin?"

"May namamagitan ba sa inyo ni Oliver?" Diretso niyang tanong na ikinagulat ko.

"Namamagitan? How could you come up with that absurd idea?" Medyo tumaas ng boses ko. Di ko nagustuhan ang tanong niya.

Bakit kailangan niya akong tanungin kong may namamagitan sa amin ni Oliver? Nalaman niya ba na may nangyari sa amin? Nakita niya ba kaming naghahalikan?

"Absurd nga ba?"

"Stop it Laika. You're thinking insane!" I blurted out.

"Sana lang Vince. Sana nga lang I'm thinking insane!" Sabay lumayas siya sa harapan ko after she left me with a dagger look.

Gusto kong isipin na nagseselos si Laika. Gusto kong isipin na hindi niya nagustuhan kong may nangyari sa amin ni Oliver kung may alam ma siya.

I hated the fact na bakit parang ako pa yata ang lumalabas na masama sa aming dalawa samantalang siya ang may pakana ng lahat.

Yun ang simula ng unti unting paglayo at pagkawala ng nararamdaman ko kay Laika.

At sa bawat paglagas ng nararamdaman ko sa kanya, unti unti namang pumapasok si Oliver.

Sa puso ko.

Nami-miss ko si Oliver.

Kahit ba nasa iisang bahay lang kami, parang hindi na kami nagkikita. Bantay-sarado ang dalawang babae sa kanya sa di ko maipaliwanag na dahilan.

***
To be continued...

BXB Short Stories Compiled - Vol 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon