Author:
Life is full of surprises.
:hayden:
----------------------------------------------------------
Simula ng nauso ang unli-unli load na yan, di ko na makausap ang bestfriend kong si Gelo. Paano kasi lagi na lang nakatutok sa celphone dahil sa sinalihan niyang clan-clan. Niyayaya pa nga akong mag join daw dahil masaya. Enjoy daw ang mga nakakausap.
"Enjoy? Anong nakakaenjoy diyan? Mga walang kwenta naman ang mga pinag uusapan niyo. Wag na! Kayo kayo na lang mga jejemon kayo. Wag niyo akong isali sali jan." Bulyaw ko sa kanya habang nasa recess time kami.
"Ang kj-kj mo talaga Yong. Paano ka makakahanap niyan ng makakarelasyon kung hahayaan mo ang sarili mo na maghintay sa prince charming mo? Ni crush mo ngang si Gino hindi ka pinapansin."
Oh my how i really love Gino. He is so cute. Iba kasi ang gwapo sa cute. Lalo na pag naka basketball attire ito. Labas lahat ng muscles niyang gusto kong pisil pisilin. Na love at first sight ako sa kanya. Nahulog agad ang puso ko.
Pero may isang problema.
Walang ni isang nakakaalam sa pagkatao ko kundi ang kababata kong si Gelo na ganun din ang sexuality.
Closet gays!
Baka pagbabarilin ako ng mga kuya kong sundalo pag nalaman nilang bakla ako. Kaya eto, patago lang. Walang bahid ika nga. Nakikihalubilo sa mundo ng mga straight guys.
Oo, magka team kami ni Gino sa basketball. Best buddies nga kami sa court pero paglabas na, parang di kami magkakilala. Di ko din alam kong bakit. Siguro dahil nahahalata niyang bakla ako.
Siya din yun tipo ng lalaking ni ayaw makipag kaibigan at gustong magsolo lang palagi. Marami din naman ang pumapansin sa kanya pero wala siyang constant group of friends na nakakasama.
"Gino..." Tawag ko minsan sa kanya.
"Yong, may practice ba?" Ang tanong balik niya.
Oo, pag nag uusap kami isang topic lang.
Basketball!
Tila yata nabuhay na ang mundo niyabsa basketball pag kami lang ang nag uusap.
"Ha? W-wala. Nagpapalipas lang ng oras habang freetime pa! Ikaw anong ginagawa mo dito?"
Tiningnan niya ang drawing niya saka bumaling ulit sa akin.
"Eto, project. Di ko alam talaga paano magdrawing. Tama na din to. Kakapagod na nitong ginagawa ko!"
Tiningnan ko ang ginawa niyang drawing. Impressive pero pinigil kong mapansin niya ang paghanga ko. Eto yung mahirapbsq isang closet gay. Kailangan mo talagang panindigan ang dapat na makita ng mga tao sayo.
"Okay naman pare. Eto lang siguro na part kailangan pa ng dark colors para ma emphasize yung pini-picture out mong object dito." Tango lang naman siya ng tango.
"Salamat Yong. I will take that." Nag smile pa siya. At nagtakbuhan bigla ang mga daga ko sa dibdib.
"Walang anuman. It's past 7PM na. Di ka pa ba uuwi?" Pag-iiba ko ng usapan hoping na sana hindi pa at maaya ko man lang siya sa labas para kumain bago umuwi.
"Hindi pa. Kakain muna ako bago umuwi. Do you wanna join me?" It caught me by surprise. Naunahan niya ang iniisip ko pa lang. And, this is the first time yata na makikita ko siyang ma kasama sa labas. Ofcourse, sa katauhan ko.
"Si-sige. Yan din naisip ko eh. I was about to ask you pero naunahan mo ako."
Since then, naging madalas na ang pagsasama namin. Pag uusap at most of the time, nagyayayaan sa labas. Nood ng sine, mall hop, practicebng baskeball. I don't even know why ganito bigla ang nangyari. Pero nabago ito nang isang gabi ay naka receive ako ng isang lost text message.
BINABASA MO ANG
BXB Short Stories Compiled - Vol 1
AcakAll stories are fictitious and was only created for a sort of something to read. Any incidents and stories that may create a similar plot of someone's life is purely coincidental. ©Copyright applied and any recreation in any means is punishable by...