"Mama," mahinang tawag ko.
Nakahiga ito habang tanaw ang labas galing sa may kalakihang babasaging bintana. Lumingon ito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"Oh anak, ang aga mo ngayon," tanong ni Mama nang makapasok ako at inilapag ang mga biniling pagkain at bagong labang mga damit.
Gusto ko sanang sabihin kay Mama na ang amo ko mismo ang nagtrabaho sa trabaho ko at pinaghain pa ako ng masasarap na pagkain pero naisip kong huwag nalang. Masiyadong matalino si Mama upang hindi makahalata. At isa pa, ayokong bigyan 'yon ng malisya.
Ayoko ring mag-usisa ito at baka may masabi akong hindi dapat.
"Binilisan ko po talaga Ma dahil baka naiinip na po kayo dito lalo na't mag-isa lang po kayo," nakangiting saad ko at tumabi dito.
Nakaunan ako sa braso nito saka niyakap ito sa tiyan. Itong klaseng yakap ang nagpapaalis sa pagod ko araw-araw.
Mahinang tumawa si Mama at hinaplos ang buhok ko. Ala-sais ang out ko pero nakauwi agad ako ng alas-singko ng hapon at may oras pa akong umuwi ng bahay para kuhanin ang nilabhan kong mga damit at mamili ng pagkain dahil sa nangyari kanina.
Mas sumiksik ako sa gilid ni Mama at inamoy ito.
"Anak, kailan ba tayo aalis dito?" mahinang tanong Mama. Inangat ko ang mukha ko at mahuling naka-tingin si Mama sa bintana.
"Kapag magaling na po kayo Mama. Tsaka may pampa-opera na po tayo kaya may schedule nang dadating sa 'tin bukas." masayang sabi ko kay mama na matiim na nakatitig sa 'kin.
Hindi ko mabasa ang nasa isip nito dahil blanko ang expresyong pinapakita ni Mama. Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil.
"Mama, hindi ba sinabi ko na sayo na mayroon na akong trabaho? Iyong sosyal at hindi nakakapagod? Malaki ang sweldo ko doon kada buwan tapos napaki-usapan ko pa po ang ospital na huhulugan ko nalang sila kada buwan," nakangiting paliwanag kahit na alam ko hindi kapani-paniwala ang huling sinabi ko.
Wala akong narinig na salitang lumabas sa bibig nito at tumango nalamang.
"Mahal kita, anak."
Bulong ni Mama. Mas sumiksik pa ako rito at hinayan ang luhang nagbabadyang lumabas.
"Mas mahal po kita kaya dapat magpalakas po kayo dahil patatayuan ko pa po kayo ng dress shop." ani ko ng hindi tinitingnan si Mama.
"Naku, yung pangarap mo nalang anak ang pagtuonan mo ng pagsisikap mo," anito sa magaang boses.
Pasimpleng pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at inayos ang mukha bago ito tiningala.
"Paano po yan Ma? Pangarap ko ang pangarap mo?" natatawang sabi ko kay Mama na ikinangiti nito.
"Naku! Nambola pa ang panganay at bunso ko."
Masayang yumakap ako nang mahigpit kay Mama at hindi napigilang ipikit ang namimigat na mga talukap.
"Ms. Montalvo," mahinang ani ng isang tinig.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa 'kin ang isang nurse na parang maingat ako nitong ginigising. Bumangon ako at tiningnan ito ng nanghihingi ng paumanhin na ngitian nito bago ko tingnan si Mama na payapang natutulog.
"Pasensiya na po," baling ko dito.
"Ayos lang po Ma'am. Kaya po pala ako nandito dahil pinapatawag po kayo ni Mrs. Laurier sa opisina niya. Sorry at nadisturbo pa kita," nahihiyang saad nito na nginitian ko.
"Ayos lang. Salamat, pupuntahan ko na siya." ani ko na ikinatango nito bago lumabas.
Tumayo ako at inayos ang damit na nagusot saka hinanap ang cellphone kong Nokia. Nang makita iyon ay binuhay ko ito at bumungad sa akin ang dilaw na ilaw sa screen at nakitang alas siyete na ng gabi.
Maingat akong kumuha ng mga plato sa kusina ng kwartong ito saka hinanda ang pagkaing nasa mesa na. Hindi na ako ginising ng server kaya medyo maligamgam na lamang ang sabaw na naroon.
Inayos ko ito para kung magising si Mama ay kakain nalang ito.
Nagmamadali akong tumungo sa opisina ni Mrs. Laurier at kumatok bago pumasok. Bumungad sa 'kin ang seryosong ginang na may hawak na mga papeles.
"Good evening po," mahinang sambit ko. Bumaling ito sa akin at ngumiti saka inilahad ang upuan sa harap ng lamesa nito.
"Good evening, hija. How's work?" anito at binaba ang binabasa.
"Ayos lang po. Mabait po pala si Mr. Laurier."
Umangat ang gilid ng labi nito at tumango.
"Yes, he is but most of the time he's not," natatawang saad nito at umiling-iling na parang may naaalala.
"Opo," mahinang saad ko. Ayoko sanang sumang-ayon at baka maniphayo ito sa sagot ko dahil totoo naman pero tumawa lamang ito.
"Good that you agreed, hija. Anyway, the reason why I called you is that, the date of your mom's operation is now settled and it's exactly 5 days from now." masiyang saad nito.
Hindi ko maiwasang kabahan at ikuyom ang mga kamay. Ilang araw nalang ang natitira at palpak pa ang nagawa kong simula. Pero limang araw mula ngayon? Pero iyon din ang araw na matatapos ang deal namin. Hindi ko maiwasang kabahan at panghinaan.
"Maraming salamat po, doktora." wala sa sariling sambit ko at binigyan ito ng isang ngiti.
"Good. I already settled the appointment with the doctor I assign to your mother's operation. Aalis kasi ako bukas for some reason." ani nito at tumayo.
Napatingin ako dito nang mariin nang hawakan nito ang kamay ko nang makaikot ito at nasa harapan ko na naka upo.
"Have faith, hija. Your mother will gonna be safe with us." nanghihinang tumango ako at hindi napigilan ang emosyon.
Ngumiti ito at yinakap ako. Umalpas ang emosyong pinipigalan at nag-uunahan ang mga luha kong kumawal papunta sa pisngi ko. Marahan nitong hinahaplos ang likod ko.
"It's okay. You have a strong mother, hija. Have faith in her too." tumatango ako kahit na panay ang hikbi at iyak ko.
Alam kong hindi ako iiwan ni Mama pero natatakot pa rin ako. Sobra akong natatakot na bawat pag-tulog ko ay lagi kong dinadasal na magiging maayos lang si Mama. Na sana sa 'kin nalang ang sakit nito na punta. Bawat gising ko ay naprapraning akong tingnan ang dibdib nito kong maayos ba itong humihinga. Sa dinarami-rami ng tao sa mundong may pera pero sa Mama ko pa talaga!
"Maraming salamat, doktora." sabi ko at umayos na nang upo.
Tumayo ito at inayos ang buhok ko.
"You're welcome and about the-" nahinto ito dahil sa isang katok. She excused herself at lumakad papunta sa pintuan.
"Yes?"
"I'm sorry to disturb you po but Doctor Hilson needs your assistance in room 205."
"Oh! All right, susunod ako."
Narinig kong sumara ang pintuan at ang yabag ni Mrs. Laurier ang naririnig ko kaya tumayo ako.
"Doktora aalis na po ako baka kailangan na rin po ako ni Mama." ngumiti ito at tumango.
"All right, hija. Have a good night."
BINABASA MO ANG
Art of Temptation Series: Touch You Deeper
Romance"The operation will be free. I will also give you ten million pesos kapalit ng ipapagawa ko sayo, hija," saad ng Doktora sa 'kin. "T-Talaga po? ano po 'yon, ma'am?" puno ng pag-asang tanong ko. "Gawin mo ang lahat maging lalaki lang ang anak ko. Mak...