Chapter 6

963 31 6
                                    

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan habang tinititigan ang pintuan sa harapan ko. Ikatlong araw ko na ngayon at parang ang bilis ng panahon.

"Aren't you coming in?" ani ng isang baritonong boses.

Mabilis akong lumingon at nakitang ang lalaking ito ang siyang nakita ko no'ng bagong araw ko rito.

"M-Magandang umaga po sir."

"Well, good morning too," nakangiting bati nito at iniwistra ang kamay sa pintuan na pinapauna ako nitong pinapapasok. Mabilis naman akong tumalima at pumasok na at nang makapasok ay gumilid ako katabi ng pintuan at saka ito pumasok bago ko sinara.

Kinabahan ako nang bumaling ito sa 'kin kahit na papunta naman na ito sa kwarto ni Mr. Laurier.

"May ipag-uutos po ba kayo sir?" ani ko at pilit tinatago ang kabang nararamdaman. Sana naman ay mali ang iniisip kong may alam ito sa ginawa kong kapangahasan kahapon.

"Yeah, can you please bring some food here? Tell Madizon that it's the usual. Phone is over there," tinuro nito ang telepono sa sala saka bumaling sa 'kin. "Katukin mo lang ako sa kwarto kapag dumating na. I'm fucking famish!" saad nito at hindi ko masiyadong narinig ang bulong nito sa dulo.

Tumango naman ako at ginawa ang pinag-uutos nito. Ilang minuto lang ay dumating naman agad kaya hinanda ko muna ito sa kusina bago nagpasyang katukin.

Gamit ang nanginginig na kamay ay kinatok ko ang pintuan ng kwarto. Hindi nagtagal ay bumukas naman ang pintuan at iniluwa nito sina Mr. Laurier at ang lalaki.

"Nasa kusina na po 'yong pagkain," tipid kong saad.

"Good."

Hindi ko alam ngunit imbis na kaba ang dapat kong maramdaman ay iba ang umuusbong sa dibdib ko. Hindi ako pinansin ni Mr. Laurier at deri-deritsong pumunta sa habag kasabay ang lalaki. Inis kong hinabol ng tingin ang likuran ni Mr. Laurier kaya inabala ko nalamang ang sarili sa gawain.

"Ms. Montalvo?" tawag sa akin ng lalaki.

"Sir?" kiming tugon ko. Tinitigan ako nito saka inilahad ang kamay. Kumunot ang noo ko at nagtatakang inilahad din ang kamay.

"Call me Von," nakangiting saad nito.

"Cut that crap Von," rinig kong saad ni Mr. Laurier na nasa kusina pa rin.

"Stop being grumpy Vincent!" inis na tungod naman ni Sir Von. Gusto kong umirap dahil sa harap ko pa talaga sila naglalandian. Sa ikatlong araw ko dito ay parang kilala ko na si Vincent Laurier. Natutuwa ang loob ko kapag pinapansin ako nito sa  nakalipas na araw. Hindi ko alam kung bakit. At sumasama naman ang pakiramdam ko kapag nandito si Von dahil hindi ako nito tinatapunan ng kahit katiting na tingin.

"Enough with that shit you're disturbing her," saad nito bago ito lumabas galing sa kusina. Kita ko ang pagsasalubong ng dalawang kilay nito at tinuon ang titig sa akin. Imbis na matuwa at kabahan ay hindi ko ito pinansin at si Von nalamang ang tinitigan.

Kung ayaw niya akong pansinin ay hindi ako mamimilit! Sabi pa naman ni Fiona ay  kahit minsan man lang ay kailangan ding magpakipot kahit saglit.

Halos titigan ko ng mariin si Sir Von nang makita sa gilid ng mga mata kong lumapit si Sir Vincent ng kaunti.

"Just don't mind him... Xedusa?" kumunot ang noo nito at bakas sa mukha ang pagdadalawang isip.

"Yes, Sir. Xedusa... Xedusa Montalvo po," ngumiti naman si Von kaya awtomatikong sinuklian ko rin ito ng ngiti.

Napa-iktad na naman ako nang marinig ang kalabog ng pintuan.

"That idiot." mahinang bulong ni Sir Von at bakas sa mukha ang pagkamangha at ngisi. Bumaling si Sir Von sa akin bago tinapik ang balikat ko.

"I have to go. Take care, Xedusa."

Hinatid ko ito sa pinto at tinanaw habang binabaktas nito ang daan papuntang elevator. Hindi ko alam pero sa nakikita ko'y hindi mo aakalaing magkasintahan ang dalawa dahil sa postora at ayos nito. Kung may mapupuna man ay ang pagiging pino nang galaw ni Sir Von na natural lang naman sa ibang lalaki.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago isinara ang pintuan.

"Really?" halos atakihin ako nang makitang nasa likod ito ng nakabukas na pintuan at masungit na nakahalukipkip.

"Ano ba!" dalawang salitang kumawala sa bibig ko na halos buong araw ko yatang pagsisisihan.

"I'm sorry."

Umayos ito ng tayo at lumapit sa akin. Hindi ako natinag at pinigilang umatras. I can't stand his dominating aura pero kailangan.

"Ayos lang, Sir," tipid kong tugon.

Nang mahagip ng paningin ko ang hamba ng kusina ay may pumasok na ideya upang kumawala kay Sir Vincent.

"Maglilipit na po ako, Sir. Excuse me po."

Tamad akong tumalikod at humakbang ngunit isang mainit na palad ang humawak sa siko ko. Nilingon ko ito nang hindi tinitingnan sa mga mata.

"Sir?"

Bakas sa mukha nito ang irita at pangamba. Kung hindi lang nagsalubong ang dal'wang kilay nito ay mas papaniwalaan ko pa ang huling nakita.

"Are you mad?" halos lumundag ang puso ko sa simpleng tanong na iyon. Pero bakit ito nagtatanong? Nairita ba ito sa naging kilos ko? Napasobra ba ako? Ayokong matanggal sa trabaho. Malapit na ang operasyon ni Mama at ayokong magkaproblema.

"Wala po. Pasensiya na po at ganoon ang naiisip niyo sa 'kin." pilit kong iniiwasan ang titig nitong hinuhuli ang akin.

Gusto kong sa araw na ito ay hindi ko matitigan ang mga mata nito at baka mag-iba na naman ang mga ikinikilos ko.

"Tell me what you're mad about, Xedusa." hindi ko maiwasang pigilan ang puso kong naghuhurumintado dahil sa simpleng sinabi lamang nito.

"Wala po, Sir. I'm sorry and excuse me," yumuko ako at mabilis na tinungo ang kusina. Hindi pa yata ako nakakalayo ay hinapit na nito ng walang kahirap-hirap ang baywang ko na ikinagulat ko.

"Xedusa..." halos maistatuwa ako sa ayos naming dalawa. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang kakawala na talaga ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Pero nang maisip ang nobyo nitong kaalis lang ay mas nadagdagan ang irita ko at hindi na naisip kung bakit ba talaga ako nandito.

"Naiinis na ako Sir!"

Nakita kong natigilan ito ng magtama ang titig namin sa isa't-isa at bakas sa mukha ko ang irita at nagbabadya na itong sumabog.

"Calm down, baby."

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon